Chapter 14: Feelings

21.7K 355 48
                                    

Chapter 14: Feelings

 

Calvix's POV

 

"Why?" Tanong sa akin ni Lyka. Binitin ko kasi sya.

Lumayo ako sa kanya ng kaunti, "Bukod sa sexy ka, ano pa kaya ang ibang nakita sayo ni Andrei?" Tanong ko sa kanya, "You're not even a good kisser." I smirked.

"What do you mean?" Lumayo ako ng tuluyan sa kanya at inayos ang butones ng polo shirt ko na tinanggal nya kanina.

"I thought you'll be fun. But, I'm wrong." Sabi ko at naglakad ng palayo.

"Wait!" Kaagad nyang hinawakan ang braso ko at hinarap sa kanya, "Do you know what I did?! I broke-up with Andrei for you! Tas ganto?! No, hindi ako papayag! Akin ka! Sayo ako!"

I laughed, "Sayo ako? Nagpapatawa ka ba Lyka?" Inilapit ko ang mukha ko sa mukha nya, "You fell on Calvix's trap. This is a game Lyka." I smiled at inayos rin ang damit nya.

"Andrei's too good for you. I don't want you for him. Thank you -- For breaking up with him."  Iniwan ko syang naka-nganga dun. Bahala sya. Akala ko mage-enjoy ako sa kanya. Pero hindi pala. Ano kaya ang nakita sa kanya ni Andrei? Ayun siguro ang dahilan kung bakit hanggang ngayon virgin pa ang ugok kong kaibigan/pinsan!

Naglakad ako papuntang soccer field dahil may practice kami ng soccer ngayon.

"Oh san ka galing? Saan kayo nagpunta ni Lyka ha? Sa stock room ba?" Bulong na nakakaloko sa akin ni Christopher.

"Oh baka naman sa Computer Laboratory?" Singit naman ni Seth.

Umiling lang ako, "Oh baka naman sa -- CR?" Singit din naman ni Juztine.

"Mga g*go!" Sigaw ko nalang sa kanila habang sinisipa-sipa yung bola.

"Bakit naman ganun pre? Sila ni Andrei ah." Sabi sa akin ni Bryan.

"Ex na." Sabay sabay naman na sabi ni Christopher, Seth at Juztine.

"Okay lang yun Bryan! Para namang gusto mo yung Lyka na yun kay Andrei!" Singit naman ni Gio.

"Gusto ko sya dahil -- Mahal sya ni Andrei." Sabi nito sabay sipa ng bola.

"Wag kang mag-aalala pre. Mainit lang ulo nyan ngayon. Mamaya wala na yan. Sya nga pala, ang galing mo talaga! Sabi na nga ba at malandi yang Lyka na yan! Hindi sya bagay kay Andrei." Sabi naman sa akin ni Jared.

"Oh! Si Andrei at Janelle yun di ba?" Sabay turo ni Clarence sa direksyon ni Andrei at -- Janelle na magkatabi na naka-upo.

"Sabi ko sayo hindi mahal ni Andrei yang si Lyka eh! Tingnan mo move on kaagad! Haha!" Tawa naman ni Troy sabay akbay sa akin, "Di ba Calvix? Sya nga pala, good job." Sabi pa nito. Halos lahat sila masaya dahil hiwalay na si Andrei at Lyka. Pero mukhang si Bryan lang ang hindi. Kahit kailan talaga mas side sya kung saan masaya ang kaibigan nya.

"YUN OH!" Sigawan at palakpakan pa nila. Halos manlaki ang dalawa kong mata sa nakita ko.

Medyo malayo sila pero kitang-kita ko ang malawak na ngiti mula kay Andrei at ang pagkagulat ni Janelle. Napahawak pa sya sa pisngi nya at may sinabi sa sarili at pagkatapos non, tumingin sya kay Andrei na natakbo na papunta sa amin at biglang nalang napa-ngiti si Janelle.

"Pre! Okay ka lang?!!" Napa-upo ako dahil sa pagtama ng bola sa akin.

Napahawak ako sa ilong, "P-Pre! D-Dugo!" Halos natatarantang sabi ni Dylan. Sya nga pala ang takot sa dugo sa aming magbabarkada.

Pilit kong itinayo ang sarili ko, "Oh, Calvix, napano ka? Okay ka lang ba?" Inalalayan ako ni Andrei.

Tinabig ko ito at naglakad ng papalayo sa kanila, "Shet!" Sambit ko nalang habang naglalakad papunta sana sa banyo.

"Calvix, okay ka lang?" Lumapit sa akin si Janelle.

Tiningnan ko sya ng masama, "Do you think I'm okay? My nose is bleeding! How can I be okay?!" Galit kong sabi sa kanya.

Nagsimula na akong humakbang papalayo sa kanya. Pero limang hakbang pa lang ay napatigil na ako sa paglalakad. Bakit ako nagkakaganto? Bakit gusto kong humarap muling sa kanya? Bakit parang gusto ko syang -- yakapin?

*SHAKE HEAD*

"Uy, Calvix, okay ka lang ba?" Sinasabayan ako sa paglakad ni Andrei.

"Samahan na kita sa ---"

"No. Okay lang ako. Kaya ko na." I insist.

Di ko alam pero bakit nakaramdam ako ng kakaibang feeling na ang playboy na tulad ko na hindi dapat maramdaman.

//

"Ako na." Sabay punas ni Janelle ng panyo sa ilong ko.

"Why are you here?" Tanong ko sa kanya. Sinundan pala nya ako dito sa wash room.

"Masama bang pumunta ako dito?" Medyo natawa pa nyang sabi at patuloy pa din ang pagpunas sa ilong ko.

Tinabig ko ang kamay nya, "Anong meron sa inyo ni Andrei ha? Are you guys dating or what?!"

"Ha? Hindi ah!" Patuloy pa din sya sa pagpunas ng dugo sa ilong ko.

"Be careful, will you?!!"

"Sorry." Sabi naman nya at medyo dinahan-dahan ang pagpunas sa ilong ko.

"Hugasan pa natin." Sabi nya sabay hinawakan ang ulo ko at tinungo ito para mahugasan ang ilong ko dahil meron pa ding dugo. Nakatitig lang ako sa kanya. Kung iisipin para akong bata na hinuhugasan ng Mommy nya ang ilong dahil may sipon.

Gusto kong itabig ang kamay nya dahil naiilang na ako sa kanya. Bakit ganto ang trato nya sa akin?

"Yan, okay na." Sabi nya ng matapos na ang paghuhugas nya sa ilong ko. Pagkatapos ay pinunasan naman nya na ng tissue ang ilong ko.

"Bakit mo ginagawa to?" Kunot-noong tanong ko sa kanya.

"May mangyayari bang masama kung gawin ko to?" Tanong nya ng itigil nyang sandali ang pagpunas sa ilong ko.

Lumihis ako ng tingin, "Wala." Tipid na sabi ko sa kanya.

Why can't I look straight directly to her eyes?

"Sige, aalis na ko." Akmang aalis na sya pero hinawakan ko ang braso nya.

"Wait --"

"Bakit? May kailangan ka pa ba?"

"S-Saan ka pupunta?"

"Sa soccer field. May practice pa kayo ah. Di ka ba susunod?"

Hindi kaya't -- May balak syang manood ng practice ni Andrei?

"Mauuna na ko ha. Sunod ka nalang." Tinanggal nya ang pagkakapit ko sa kamay nya.

Hahakbang pa lang sya pero muli ko syang kinapitan, "B-Bakit?" Tanong nya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap sya, "I don't know why I'm doing this. But please, don't go."

- - - - - - - - - - - - - -


Beautiful Nightmare (COMPLETED)Where stories live. Discover now