-Special Chapter: ›CHRISTOPHER & DEISHEN
[A/N: Meet Christopher Villanueva. A 17 year old guy na na napilitan ng hawakan kaagad ang kumpanya nila. Namatay kasi ang tatay nito dahil sa heart attack.
Chris Villanueva as Lee Hoong Ki (his Kuya).
Christopher Villanueva as Lay.
Christopher's POV
("Did you meet your new secretary?")
"What?!! New secretary?!"
("Yes.")
Napatayo ako sa kinauupuan ko, "Where is Kaye?!! Tell me!!"
("Oh god! How many times I'm gonna tell you?! She's been fired. It's been 5 months ago! I'm tired getting you a new secretary!")
"I want her as my secretary! I want Kaye back!"
("She stole money!")
Napapikit ako ng marahan, "S-She's -- not thinking when she stole it! Kaye need this job!"
("Sorry. But, the decision is final. You know that. Hindi lang ako ang nagdesisyon nito. Pati na rin ang lahat ng board members.")
Halos manlumo ang katawan ko sa narinig ko. Si Kaye lang ang taong nakakaintindi sa akin. Para na syang Ate para sa akin. She's 8 years older than me. Ni-hindi sya naalis sa tabi ko. Sya din minsan ang nagawa ng trabaho na dapat ako ang nagawa. Dahil busy din kasi ako sa pag-aaral ko. Hindi ko nga alam kung paano ko napapagsasabay to. Si Kaye lang ang katulong ko sa lahat ng bagay. Kung wala na si Kaye, paano na ako? 5 months ng wala si Kaye. 5 months na kung walang Ate.
Kung saan ako magpunta, sya din ang kasama ko. Inaakala nga ng iba, girlfriend ko sya. Pero hindi. Wala akong ibang nararamdaman sa kanya. Kung meron man, paghanga lang siguro. Hinahangaan ko sya dahil sya lang naman ang bumubuhay sa pamilya nila. Anim din silang magkakapatid. Siya lang din naman ang nagpapaaral dito.
Kaye, ibabalik kita dito. You need this job.
"Good morning Sir!" Tinaas ko ang ulo ko mula sa pagkakatungo. Nakita ko ang isang sexy, matangkad na babae. Maganda, nakalugay ang brown na buhok na kulot ang ilalim, naka-fitted dress dahilan para mas lalong makita ang shape ng katawan nya.
Naglakad sya papunta sa akin, "I'm Deishen, Deishen Izer Ignacio po. New secretary nyo po! ^^" She stretched her right hand.
Kinunutan ko sya ng noo, "You're fired."
Nanlaki naman ang dalawa nyang mata, "FIRED?!! Fired agad?!! Eh first day ko palang sa trabaho ah! Ano to gaguhan?!! Bumili pa ko ng dress, nag-make up, at nag-suot ng 5 inches na heels! Ang hirap kayang maglakad! Halos mapudpod yung paa ko! Tas ganto?! Ha! Nagpapatawa ka ba Sir? Pwes! Hindi nakakatawa! Umayos ka nga at pirmahan mo to!" Sabay bato sa akin ng mga papeles nyang hawak kanina.
Napatayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa harapan nya, "What are you doing?! Talking to your boss like that huh?!" Inilapit ko ang mukha ko sa mukha nya, "You better leave."
YOU ARE READING
Beautiful Nightmare (COMPLETED)
Romance[MONSTER SERIES 1] Old title: His Game The worst thing a player can be experienced is being played by his own game. WARNING: UNEDITED & WRONG GRAMMARS Book cover by: @baekacheu