Chapter 55: The hardest thing

9K 195 30
                                    

Chapter 55: The hardest thing  

 

My worst battle is to choose between what my mind says and what my heart says.

 

 

Janelle’s POV

 

Nagising ako ng madaling araw. Dahan-dahan kong tinanggal ang braso ni Calvix na nakayakap sa may bewang ko. Hinila ko yung kamot at tinakpan ang hubad kong katawan. Sumandal ako sa headboard at malungkot syang pinagmasdan. Ang himbing himbing ng tulog nya at napaka-amo pa ng mukha nya.

Hinimas-himas ko ang buhok nya kasabay nito ang pagtulo ng luha ko. Ano na naman ba tong kasalanang ginawa ko? I have a boyfriend and I slept with my ex-boyriend, my boyfriend’s own cousin! Pinipigilan ko ang paghikbi ko dahil baka magising ko sya.

Tinitigan ko pa ng mas maigi ang maamo nyang mukha. Yeah, I still love him and I hate him at the same time. I got revenge by playing on him too. I got him hurt and got him broken. Ang tagal kong pinagplanuhan ang lahat. A player like him should be experienced how being played by his own game. He should taste his own medicine. I want him to feel pain. I hate him to the point na hindi ko na sya kayang patawarin. But what can I do? He’s my first in everything. I already take my revenge on him. I already teach him a lesson. At kahit ilang beses kong itanggi sa sarili ko na hindi ko na sya mahal, hindi ko magawa dahil alam ng puso ko na sya pa rin talaga. But there’s only one thing I can’t do now, to be with him. I’m happy with Andrei.

Napapikit ako ng madiin kasabay nito ang pagtulo na ng mga luha ko. Dahan-dahan akong tumayo sa kama dahil natatakot ako na baka magising ko sya. Medyo hindi ako makalakad ng maayos dahil sa sakit na nararamdaman ko sa pagitan ng mga hita ko.

Nagtungo akong banyo at naghilamos. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Paano kung may mabuo? Iniling ko nalang ang aking ulo. Hindi naman siguro. “Ugh!” Inis kong ginulo ang buhok ko. Muli akong humarap sa salamin at hindi ko napansin na may natulo na palang luha sa aking mga mata, “I’m sorry, Andrei… for sleeping with him again.”

**

-After 1 week- (FEBRUARY)

“Masama ba pakiramdam mo?” Tanong sa akin ni Andrei. Umiling lang ako at ngumiti bilang sagot. Ang totoo nyan ay kulang ako sa tulog. That night with him? Halos hindi ako makatulog kakaisip don. Pinapakaramdaman ko ang sarili ko. I’m always checking kung nalaki ba ang tyan ko. Yeah, I know it’s been 1 week pa lang. But I can’t help it. Araw-araw pag-gising ko kinakabahan talaga ako. What if I get pregnant? God! Kaka-19 years old ko pa lang! Ugh! Mananakit ang ulo ko kakaisip sa sitwasyon ko eh!

Hinawakan ni Andrei ang noo ko, “Hindi ka naman mainit. May problema ka ba? Napapansin ko nitong mga nakaraang araw ang tahimik mo.” Hinaplos ni Andrei ang pisngi ko. Ewan ko ba pero gustong-gusto ko ang bawat haplos nya. Para bang ligtas ako palagi sa kanya. Napangiti nalang ako. Yeah, I chose the right guy. He’ll never hurt me, and made me cry. And this time, sigurado na ako sa nararamdaman ko sa kanya. I already fell for him. But not as much I love Calvix. There’s actually a big difference.

“Wala to. Sige na. Alis ka na. Baka mapagalitan ka pa eh. Promise. Okay lang ako.” Sabi ko dito. Hinalikan ako nito sa pisngi at nagpaalam na kasama ang ibang barkada. Pinapatawag kasi lahat ng Student Council ngayon. Mukhang may event na gaganapin ngayong February. You know, valentines.

Beautiful Nightmare (COMPLETED)Where stories live. Discover now