SC: Arianne and Gio

21.8K 284 25
                                    

-Special Chapter: ›ARIANNE & GIO


Arianne and Gio are siblings. Matanda lang ng ilang buwan si Gio kay Arianne. Sabay silang pinasok ng magulang nila noong mga bata pa sila kaya they're in the same year/class. Kaya sana, wag po kayong malito. Yun lang po! Thanks!]

 

 

Gio's POV

 

"Kuya, okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Arianne – ang kapatid ko. Kanina lang kasi nagkukwentuhan kami. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit tila ayoko ng magsalita. Naalala ko na naman kasi sya.

"O-Oo." Sagot ko kay Arianne ng hindi sya nililingon. Ayokong makita ng kapatid ko na mahina ako. Panigurado nga aasarin na naman ako noon. Pag nakita nya lang na nantutubig na yung mata ko. Puro lait na ang abot ko sa kanya. Sasabihin nya sa akin na nababading na naman ako.

"Weh? Paluha ka na eh! Nababading ka na naman! Bakit? First love mo na naman?" Sabi ko sa inyo eh.

Hindi ko nalang sya pinansin at pinagpatuloy nalang ang pagdadrive. Bakit ba nya kasi binuksan ang usapan ng tungkol sa first love? Kada-maaalala ko ang tungkol dyan, bigla nalang nagbabago ang mood ko. Bigla nalang akong nalulungkot.

//

"Wala sina Mama at Papa." Sabi sa akin ni Arianne ng makababa sya ng hagdan galing sa kwarto nina Mama at Papa. Hindi na ako magtataka. Ano naman kasi ang bago dun? Hindi ko nga alam kung bakit trabaho pa sila ng trabaho eh mayaman na naman kami.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong kokay Arianne ng buksan ko ang refrigerator. Balak ko kasing magluto ng spaghetti. Ayun kasi ang specialty ko. Favorite na favorite kasi yun ng kapatid ko – Saka nya.

Hindi ako nito sinagot dahil malungkot na naman sya. Tss. Bakit ba kasi hindi sya masanay-sanay na wala sa aming oras ang magulang namin?

"S-Sir.. Andyan na po pala kayo."Napahikab pa si Manang na kakalabas lang ng kwarto nya, "May gusto po ba kayong kainin?" Tanong nito sa amin.

"Ako na po ang magluluto. Sigepo, magpahinga na po kayo." Sabi ko dito. Close namin yang si Manang. Sya lang naman kaya ang kasama naming ni Arianne simula bata pa lang kami.

"Pero Sir ----"

"Manang, pahinga ka na. Okay? Kaya ko na to." Naka-ngiti kong sabi dito.

"Sige po. Iwan nyo nalang po ang mga huhugasan." Sabi nito at dahan-dahan ng humakbang pabalik ng kwarto nya.

Tumango nalang ako. Balak ko din kasi na ako na din ang mag-hugas. Ayoko ng pahirapan si Manang. Matanda na ito. Nakakaramdam na ng pagod at pananakit ng katawan kaya hindi ko na sa kanya iaasa ang mga iba pang gawaing-bahay kung kaya ko namang gawin.

Ang kapatid ko? Anong aasahan mo dun? Eh isang dakilang-tamad yun!

"KUYA!!! Nagluluto kang spaghetti?!!" Dali-daling nagtungo si Arianne sa kusina kung saan ako nagluluto.

Ngumiti lang ako sa kanya, "Kyaaaa!! Kuyaaaa! Bilisan mo naaaa! I'm hungry naaaaaaa!!"

"Oo. Haha! Manood ka muna. Tatawagin nalang kita pag okay na." Sabi ko sa kanya.

Nagtatalon itong bumalik sa sala. Pinagpatuloy ko naman ang pagluluto. Ha! Ang aking specialty! Pag kaya natikman nya to, mahalin nya kaya ak--- Magustuhan nya kaya ak--- Mapansin nya kaya ako?

Sana...

 

"Kuya! San mo ba natutunan to?! Nung wala ako siguro pinag-aralan mo to noh?" Tanong sa akin ni Arianne habang patuloy ang pagkain ng spaghetti.

Beautiful Nightmare (COMPLETED)Where stories live. Discover now