Chapter 25: Agony
Janelle's POV
"Taba! Andito si Andrei!" Sigaw sa akin ni Lucas.
Muli kong tinakluban ang sarili ko ng kumot," Sabihin mo patay na ako!" Sigaw ko dito.
Pipilitin na naman kasi ako ni Andrei na pumasok. Ayoko. Ayokong pumasok.
"Ano ba kasing pino-problema mo? Magi-ilang weeks ka ng hindi napasok ah!" Bulyaw nito sa akin, "Isusumbong na kita kina Tito at Tita!" Pananakot pa nito.
Wala akong pakielam. Papasok nalang siguro ako pag-Finals na. Ayoko. Ayoko talagang pumasok.
"Janelle..."
"Sige, labas muna ako."Ramdam ko ang pag-tayo ni Lucas sa may kama ko.
Ramdam ko din ang umupong Andrei sa may tabi ko, "Janelle. Pumasok na tayo. Mag-bihis ka na." Mahinahong tono ng boses nito.
Inalis ko ang pagkakatilakbong ng kumot ko at sinigawan sya, "ANDITO KA NA NAMAN?!! DI BA ANG SABI KO HINDI NA AKO PAPASOK?!!" Sigaw ko sa kanya.
Pero mukhang hindi sya natinag at ngumiti pa din sa akin, "Isang linggo nalang bago ang finals. Anong isasagot mo?"Mahinahong tono pa din ng boses nya.
Muli akong humiga at tumalikod sa kanya, "Di ba pwedeng online test nalang ang gawin ko?" Mahinahon ko na ring sabi sa kanya. Ayoko.Ayoko ng sumigaw. Wala na akong lakas. Kada-pupunta sya dito tanging sigaw ang bungad ko sa kanya.
"Gusto mo ba gawan ko ng paraan?" Naramdaman ko ang kamay nya na humaplos sa likod ko.
Unti-unting may tumulong luha sa mata ko. Andito pa din yun sakit. Days and weeks passed andito pa din. Ni-kahit konting hilom ng sugat wala akong naramdaman. Isang beses na pinuntahan nilang lahat ako dito, lahat sila pinagtabuyan ko. Pati na rin ang barkada ko. Ilang beses rin ako nilang sinusubukan balik-balikan. Pero tanging si Andrei lang ang walang sawa na balik-balikan ako araw-araw dito.
"Iiyak mo lang." Sabay himas nya sa likod ko.
Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pag-higa nya sa kama at ang kamay nyang dahan-dahan na niyakap ako patalikod.
"S-Sana nakinig nalang ako s-sayo."Sabi ko sa kanya habang patuloy pa din sa pag-tulo ang mga luha ko. Mas lalong humigpit ang yakap nya patalikod sa akin.
"Pupunta daw dito mamaya sina Jamiatra. Okay lang ba?" Tanong naman nito.
Tumango lang ako. Ngayon lang ako nasaktan ng ganito. Minahal ko na sya eh. Ang sabi nya ako na ung gusto nya. Pero, bakit kailangan nyang gawin to sa kin? Dahil ba bestfriend ako ni Trevor? Speaking of him, kakabisita nya lang din sa akin dito kagabi. Galit na galit sya sa ginawa sa akin ni Calvix.
And that Calvix, wag na wag syang magkakamaling magpakita sa akin. Mahalagang bagay ang kinuha nya sa akin. At kailanman ay hindi na nya maiibalik yun.
Gusto kong sabihin kay Andrei ang lahat-lahat. Ang nangyari sa amin ni Calvix kaya ako nagkakaganto. Ang bagay na nakuha na sa akin. Pero ayoko. Para akong nandidiri sa sarili ko. Wala na rin ang respeto ko sa sarili ko.
I hate you Calvix.
What a nice game.
//
FINALS
YOU ARE READING
Beautiful Nightmare (COMPLETED)
Romance[MONSTER SERIES 1] Old title: His Game The worst thing a player can be experienced is being played by his own game. WARNING: UNEDITED & WRONG GRAMMARS Book cover by: @baekacheu