SC: Clarence and Jamiatra

19K 242 28
                                    

-Special Chapter: ›CLARENCE & JAMIATRA

 

 

Jamiatra’s POV

 

“Aysh!” Nagulat ako ng isalampak ni Clarence ang bag nya sa may katabing upuan ko. Itinungo nya ang sarili nya sa may table at inis na ginulo ang buhok.

“Anong problema?” Tanong ko sa kanya. Hindi kasi ako sanay na makita syang badtrip. Actually, ngayon ko lang sya nakitang ganyan. Palagi kasi ang saya nya pagdating sa classroom tuwing umaga. Feeling ko nga hindi nababadtrip ang taong tulad nya.

Inangat nya ang ulo nya ng kaunti, “Naranasan mo na bang magmahal?” Nakapalumbaba pa ito, “Hindi pa ano? Masyado ka kasing inosente.” Palihim akong tumawa. Inosente? Haha! Pag ba tahimik inosente na kaagad? Haha!

“Sa mukha mong yan parang hindi ka pa nasasaktan.” Dagdag pa nito.

“H-Hindi ah!” Sagot ko dito. Dahil ang totoo, nagmamahal ako and at the same time – Nasasaktan rin. Tumingin ako sa direksyon nya – Ng taong lihim kong minamahal. Hindi ko alam kung bakit ako nahulog sa kanya. Ni-wala syang ginawa para mapa-ibig nya ako. Pero tila may iba sa kanya na kinagusto ko at minahal ko.

“Bakit? Nagmahal ka na ba?” Nakakatitig nyang tanong sa akin.

“Lahat ng tao nagmamahal Mr. Almonte.”

“Pero di lahat ng tao nababalikan ng pagmamahal na yon. Bakit ikaw ba Ms. Ledesma mahal ka rin ng taong mahal mo?” Tanong pa nito. Ano bang nangyayari kay Clarence! Eto ang kauna-unahang nag-usap kami ng ganto! At tungkol pa sa pag-ibig!

Umiling lang ako, “Hindi mo kasi ako naiintindihan. Tss!”

“Naiintindihan kita.” Hinimas ko ang likod nya, “Pero, wag mo sanang ipagpilitan ang mga bagay na hindi naman talaga pwede.”

“Hindi nga pwede. Pero pag lumaon, magiging pwede na. Malay mo, balang araw mahulog din sya sa akin. Kaya lang -- bakit sa dinami-dami pa ng babae ay yung teacher pa natin ang minahal ko?” Muli na naman nyang itinungo ang sarili.

Oo, tama kayo ng dinig. Si Ms. De La Torre ang babae sa buhay ni Clarence. Pero -- Si Calvix ang gusto nito. Ilang years lang naman ang tanda sa amin nito kaya wala naman itong problema. At para kay Clarence, age doesn’t matter.

                                                                               

-Flashback-

 

“Mr. Almonte!”

 

“Laine…”

 

“Bumalik ka na sa classroom! Mamaya may makakita pa sayo dito…”

 

“Pero Laine…”

Beautiful Nightmare (COMPLETED)Where stories live. Discover now