Chapter 37: Confession

17.5K 320 72
                                    


Chapter 37: Confession

 

Calvix's POV

 

"Yiee! Para kanino yan ha!" Sabay tago ko ng card sa may ilalim ng lamesa ko.

"W-Wala!" Sabi ko sabay buklat kunwari ng libro.

"Mga palusot mo! Di na uso yan! Yiee! Para kay ano ba?" Pang-aasar pa sa kin ni Bryan.

"W-Wala nga to! Promise!" Sabi ko na naman dito, "Wag kang magulo! Nagre-review ako!" Sabi ko pa na tinakpan ang taenga ko.

Tinungkod nito ang dalawa nitong kamay at sinabing, "Wag mo ng ibigay kay Aubrey yan. Sayang lang din effort mo." Pagkatapos ay umalis na.

Nakakunot noo ako sa sinabi nito. Sino bang may sabing kay Aubrey to? Para kaya to kay Janelle! Sh*t! Ano ba to! Naguguluhan ako!

Ewan ko ba pero para bang nagising nalang ako ng isang umaga na iba na ang mahal ko at sya na yun. Kaya nga halos hindi ko patulugin si Nathalie kagabi dahil pinagawa ko sa kanya to at hindi talaga ako bumalik ng kwarto hangga't hindi nya to natatapos.

-Flashback-

 

"Anong ginagawa mo dito?"

 

Hindi ko ito sinagot at basta-basta nalang pumasok sa kwarto nito, "May hihilingin sana ako sayo." Sabi ko dito at umupo ng kama nito.

 

"Ano? Bilis Kuya! May gagawin pa kong assignment!"

 

"Assignment daw eh hindi ka nga pumasok!"

 

"Syempre tinanong ko sa mga friends ko kung ano ang mga assignments! Duh!" Sabi nito at umupo sa study table nya.

 

"Sus! Dahilan mo!"

 

"Hindi kasi ako tulad mo Kuya na na-absent lang ng walang dahilan. Tas papasok ng walang assignment!"

 

"Eh at least ako kahit walang assignment nagto-top 1! Eh ikaw?"

 

Tiningnan ako nito ng masama, "Ano ba talagang kailan mo?"

 

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama nito at pumunta sa may study table nya. Kumuha pa ako ng isang upuan para makatabi ito, "Gawa mo ko ng card. Gusto ko yung maganda! Isusulat ko to." Sabi ko dito sabay pakita ng isang papel na ginawa kong scratch para kay Janelle.

 

"Para naman kanino yan? Kung kay Aubrey! AYOKO! A-Y-O-K-O!"

 

"Kay Janelle to!"

 

"Bakit naman hindi mo kaagad sinabi sa akin ng mas maaga Kuya! Eh di sana napaghandaan natin tong wonderful fabulous love letter card mo kay Ate Janelle!"

 

"Eh late kong na-realized ang feelings ko eh. Sayang nga dahil hindi mas napa-aga. Eh di sana masaya kaming dalawa."

Beautiful Nightmare (COMPLETED)Where stories live. Discover now