Chapter [2]

211 11 0
                                    

Sydney's Pov

Maaga palang, nagising nako. Opkurs kasi, super excited nako! Hihi~

"Sydney! Halika na baka malate pa tayo!" Sigaw ni Kuya. "Tawagin mo nga ang Ate mo sa taas! Hays. Ang mga babae nga naman, ang tagal magayos." Bulong nya.

"Ateee!! Let's goww." Agad naman syang bumaba. "Ma we're going to school na!" Sigaw ko.

"Ingat kayo anak ah?" Magkakaiba kasi kami ng school kaya hindi ko sila makikita. Tumingin sakin si Mama. "Ikaw'ng bata ka, magingat ka rin ah? Wala ang Kuya at Ate mo so, that means na behave arasso?" Diba? Nahawa na si mama sa pagkokorean ko. Haha! (Arasso -  Alright?)

"Opo ma!" Nagkiss nako sakanya at sumunod na kila Kuya. "Sorry! Ang daldal kasi ni Mama eh." Si Kuya, napabuntong hininga nalang at si Ate..... Ayun, nagmemake up.

***

"Girl!" Napatingin ako sa kung sinong sumigaw non at nakita ko si Audrey na papalapit sakin.

"Anyare? Bakit ka tumatakbo??" Sinamaan nya ako ng tingin.

"Obvious bang hinabol kita?" Oo nga naman Sydney? Baliw ka rin eh. "So by the way, meron kanag partner para sa sayaw?" Sayaw?

"Saang sayaw?" Napabuntong hininga na lang sya.

"Ugh! Not updated teh? Psh! Anyways, sayaw para sa program sa school. Ano?" Umiling ako.

"Ano bayan? First day palang ng school diba? Bakit may program na?" Sinamaan nya ulit ako ng tingin.

"Psh! Not updated talaga noh? Program para ipakilala ang mga new students! Kailangan natin magpractice! Sabihin mo sa Dean, ipatawag ang mga new students at pumunta sa dance studio! I'm waiting there." At ayun, umalis na.

Pumunta naman agad ako sa Dean's office.

*knock knock*

"Come in." Hindi pa ako nakakapasok dito kaya kinakabahan ako. "Is there... Any problem hija?" Ehem! What am I going to say?

"W-wala naman po." Tinuro nya ang upuan kaya umupo ako.

"Kung ganon, anong sadya mo dito hija?" Nagsmile ako. *dug dug dug* baka sabihin nila, inutusan ko pa sila!

"Uhh... I'm here to s-say that.
P-pwede po bang pakitawag, ang new students at pakipunta sa dance s-studio? It's for our
P-practice for the program." Hoo! Good, nasabi ko na.

"Okay. Wait for them their nalang." Nagsmile ako bago ako umalis. Nagtungo ako sa dance studio. Kami palang ni Audrey ang nandon.

"Anong sabi?" Bungad nya sakin. "Pupunta daw ba?" Tanong nya at tumango lang ako. "Good. For now, tulungan mo muna ako. I-set up mo ang speaker for the sounds and ako naman, aayusin ang designs okay?" Tumango naman ako.

***

After 30 mins, natapos na rin kami. "Girl, may klase ka?" Tanong ko pero natawa lang ito. "Ano nanamang nakakatawa?" Tanong ko pa.

"Hahaha! Nagpapatawa kaba? Hindi mo ba natanggap ang text ko sayo kahapon? Ang sabi ko, nacancel na ang klase at pumasok tayo ngayon for practice lang! Ahaha!" Kinuha ko kaagad ang phone ko at nakita kong may text sya.

From Girl, Audrey :
   Girl, we don't have a class for tomorrow. Pinacancel eh. So, pumasok ka nalang for the practice for the program huh? See ya!

"Ano? Diba meron? Hahah! Natatawa ako sayo Girl!" Sumimangot naman ako.

"Psh!"

Mayamaya, may mga pumasok na. Pinaupo muna sila ni Audrey at naghintay ng iba.

"Girl, tawagan mo nga ang Dean. Sabihin mo kung ito lang ba para makapagstart na tayo." Tumango ako at kinuha ang phone ko. Buti nalang, kabisado ko ang number ng Dean.

"Hello po?" Bati ko.

"Hello? Yes, why?" Sagot naman nila.

"Ask ko lang po kung nandito na po lahat? Pwede pong pakicheck?"

"Okay hija, wait for a minute." Naghintay naman ako. Mayamaya, nagsalita na sya. "Wait for one person hija. Isa nalang, kumpleto na."

"Okay po thanks." And I ended up the call. Pumunta ako sa tabi ni Audrey at ayun, tinitignan nya kung sino ang mga magkakapartner.

"One more nalang daw then, complete na." Tumango lang ito.

Mayamaya naman, nagbukas na ang pintuan.

"Am I late?" Naghiyawan ang mga new students. Nagtaka ako king sino ba yun at nakita kong si Kean yun. Tss! Bakit sya nandito?

"Of course not Kean." Kinikilig na sabi ni Audrey. "Okay, we're complete so, I will say who are your partner for the program okay?" Nagokay naman silang lahat.

"Oh em ghiee!! Sana si Kean ang partner ko!"

"My ghad! Alam Kong si Kean ang magiging partner ko."

"Ha! Ako ang partner ni Kean! Ang ganda ko kaya!"

Napailing nalang ako.

"So, ayun ang magkakapartner." Napanganga naman ako sa sinabi ni Audrey. Hindi ko tuloy narinig ang kapartner ko.

Nagtaka ako bang lumapit sakin si Kean. "So, I'm your partner." Ha? Partner?? Bakit sya??

"Ha?" Ayan nalang ang nasabi ko.

"Tanungin mo pa ang kaibigan mo, she said we're partners." Pumunta ako kay Audrey. I cannot stand this dance if I'm near him!

"Girl, sinong partner ko?" Tanong ko.

"Si Kean." Sabi nya at pinagpatuloy ang ginagawa nya. Ako? Wala naka nganga. How dare her? Alam naman nyang ayaw ko kay Kean kahit artista pa sya!

"What did she say?" Inirapan ko nalang sya. "Oh c'mon, bakit parang ayaw mo sakin?" Sabi nya at tinuturo pa ang sarili.

"Noon pa. Ayaw ko na sayo dati pa." Kumunot ang noo nya. "Gulat ka noh?" Nginisihan ko sya.

"Guys! Pupunta na dito ang magtuturo sa sayaw natin! Sana, makipagcooperate kayo please?" Sabi ni Audrey at umupo na. Tinabihan ko naman sya.

"Stress ma stress ang itsura mo Audrey ah?" Tinignan nya lang ako. "Uy, seryoso ka bang si Kean ang ipapartner mo sakin? Alam mo namang ayaw na ayaw ko dun right?" Tinignan nya ako.

"Wala na akong magagawa girl, kayo ang magkaheight tapos, perfect match na rin. Gustuhin ko lang si Kean ang partner ko, malayo ang height nya sa height ko kaya hindi bagay." Natawa ako. "Ano nanaman? Dahil ba kulang ako da height? Sama mo sakin Girl." Nakapout na sabi nya.

"Of course not!"

Mayamya pa, pumasok na ang teacher na magtuturo samin. Tsk! Parang strict!

"Okay guys, I'm your teacher for your dance so call me Ms. Cynthia okay?" Yikes! Name palang, strict na.


"Okay Ms. Cynthia!" Sigaw namin.

I'm InLove with a Superstar Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon