Chapter [73] I'm Sorry, I Love You

59 6 2
                                    

Chapter [73]

Sydney's POV

Kinabukasan...

Pagkagising ko, hindi muna ako bumangon. Tinatamad, syempre. Pero hindi nagtagal, tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko yon sa ilalim ng unan ko saka binuksan.

1 unread message.

At dahil na-curious ako, binuksan ko 'yon.

From : +639**********

    Goodmorning~! Please have a good day! ^ _ < Please save my number too. Thanks in advance. ♥️
                                        -Kean

I sighed. Akala ko si Nathan. Are we good? Binaon ko yung mukha ko sa palad ko. May nagawa ba akong masama sa kanya?

Minutes later, I decided to go to their house. May itatanong lang ako.

"Ma, aalis lang ako." Paalam ko habang hindi nakatingin sa kanila. Bago pa sila may masabi, lumabas na ako ng bahay.

Nagpara agad ako ng taxi papunta sa bahay nila. "Eto na kuya yung bayad. Keep the change." Dali-dali akong lumabas at nag-doorbell. Inayos ko muna ang sarili ko habang naghihintay pagbuksan ng pinto.

"Yes po?" May isang kasambahay na nag bukas sa akin. Sumilip muna ako sa loob bago nagsalita.

"Nandyan po ba si Nathan?" Tanong ko. I smiled.

"Yes, Ma'am. But may I know your name po?" Ngumiti naman sya.

"Sydney."

"Sige po, wait lang." Sabi nya pa at sinarado ulit ang gate! Hindi ba pwedeng papasukin ako?

Pero maya-maya ulit, bumukas 'yon. Pero si Tita na ang nag-bukas.

"Hi, Tita!" Masigla kong bati. Ngumiti naman sya. "Nandyan po ba si Nathan?" Agad na tanong ko.

"Yes, Hija. Tara pumasok ka muna. May pupuntahan si Nathan kaya nasa taas pa at nagbibihis." Pumasok naman ako. Pinaupo nya muna ako sa couch at pumunta syang kusina. Pagbalik ni Tita, may dala na syang juice at cookies. "Kumain ka muna nito. Ako nag-bake nyan."

Ngumiti naman ako saka kumuha ng isa. Masarap nga. "May I know the recipe, Tita? For business lang. Charot!" Biglang pagbawi ko sa sinabi ko. Ayoko maging tindera, ano! Hahaha! Arte.

"Pwede kang magpatayo ng sarili mong bakery, Hija." Ngumiti sya. Pero natigilan ako nang hawakan nya ang kamay ko. "Sydney, Hija. I'm glad na tumagal kayo ng ganito ni Nathan. P-pero mukhang hindi yata kayo para sa isa't-isa." Pinahid nya naman ang luha na tumulo sa pisngi nya. Kumunot ang noo ko.

"P-po? Ayaw nyo po ba sa akin?"

"No, Hija. Napamahal ka na rin sa akin. B-but nakapagdesisyon na si Nathan, Sydney." Ngumiti sya ng malungkot. "Till we meet again?"

"P-po? Bakit po? Aalis po ba kayo?" Ngumiti sya pero malungkot pa rin. Sakto naman na merong pababa ng hagdan. Lumingon ako do'n at saktong nagtama ang paningin namin.

"H-hey, what are you doing here?" Hindi ako sumagot.

"Maiwan ko muna kayo." Sambit ni Tita at binigyan nya ako ng isang malungkot ulit na ngiti bago sya umalis papunta ulit ng kusina.

"W-why?" 'Yon ang lumabas sa bibig ko. Lumapit sya sa akin saka hinawakan din ang kamay ko. Tumayo ako.

"I-I'm sorry, baby." Sambit nya saka ako niyakap. Kumunot ang noo ko nang marinig ko syang humihikbi.

I'm InLove with a Superstar Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon