Chapter [27]

67 8 0
                                    

Chapter [27]

Sydney's POV

Ngayon na ang araw ng pag-alis ko. Sumakay na ako sa kotse ni Kuya. Ihahatid nila ako ngayon sa airport.

Nasa backseat ako, si Ate ang nasa passenger's seat at ako ang nasa backseat.

"Sydney, pakabait ka don ah?" Paalala sakin ni Kuya habang nagda-drive.

"Yes naman po..." I said and I giggled.

"W-wag mong k-kalimutan n-na magvideo c-call m-minsan ah?" Sabi ni Ate. Hmm, medyo nahihirapan pa syang magsalita kasi sabi ng doktor, nakaapekto raw ang ininom nya sa lalamunan nya.

"Naman Ate. Pagbalik ko dito dapat marunong kanang magsalita ah?" Sabi ko sakanya.

"S-sige..."

•••

After 20 minutes, nasa airport na kami. Buti walang traffic kung hindi, isang oras kami sa kalsada.

Naghintay muna kami ng signal na mag-check in ako so nandito muna kami ngayon sa Jollibee. Galing Noh? May restaurant sa loob ng airport. ㅋㅋ!

"Ito na Faith ang huling beses na makakasabay natin si Sydney kumain." Sabi ni Kuya. Natawa naman ako dun.

"Kuya, hindi kaya. Pagbalik ko dito, kakain parin naman tayo ng sabay kasama na syempre si Mama at si---" Napatigil ako. Alam na ba nila ang tungkol Kay Papa?

Well, si Kuya alam pero si Ate...

"S-sino?" Tanong ni Ate habang kumakagat ng chicken.

"Si ano... Si---- Si Audrey. Ay tama! Si Audrey. Right Kuya?" Sabi ko. Sinesenyasan ko naman si Kuya na mag-oo.

"Ah, uhm, o-oo! Si Audrey nga." He said  then faked a smile. Tumango naman si Ate. Hoo! Buti nalang.

"All the passengers, please proceed to the entrance. I repeat. All that passengers, please proceed to the entrance..." Napatayo ako. Ay! Signal na yan na magchecheck in na kami. Halaa!!! Yung food ko hindi ko pa ubos.

"Ay, Ate, Kuya. Wait for me ah? After 20 minutes lang naman yun. Babalik ako mamaya. Bye~" I said then left. Hawak hawak ko ang passport ko at ang baggages ko. Dalawang maleta lang naman ang dala ko. Because, 1 year lang naman ako dun. Para rin makakuha ng scholarship don na pwede dito sa Philippines.

Habang papasok ako, may nahagip ang mata ko. No, hindi pwedeng sya yon. Wala dito si Kean. Bago pa ako mabaliw kakaisip kung nandito sya, umiling ako at dumiretso na sa entrance.

Whoo! Eto na yun Sydney! Magiging HRM kana rin ng libre! 아자! 파이팅!
Emeghed, kinakabahan akoo!!!

Hala, naliligaw na yata ako. Nasan dito ang pila? Bago pa ako mawala ng totoo, lumapit ako sa pinakamalapit na guard.

"Uhm, Where's the line here?" Oha oha! Nagpa-practice ako ng English! Hahahahah!!

"C'Mon ma'am I'll take you to the line." Sabi nya. Tumango naman ako at sinundan ko sya. "Here ma'am. Enjoy your trip..." She said and she left.

Pumila naman ako. Whhaa!! Ang habaa!! Ilang oras kaya ito? Tsk! Baka abutin ito ng isang oras! Paano sila Ate? Sinabi ko sakanila na 20 minutes lang----

Wew, mabilis naman pala hahahah! Masyado na akong OA. After 5 minutes, yeah you've read it right. 5 minutes lang! Okay so back to the topic. After 5 minutes, ako na rin sa wakas.

"Where's your passport ma'am?" Tanong sakin nung babae dito na nagtatrabaho. Inabot ko naman sakanya. "Oh, so your going to US? Alright. Where's your ID by the way?" Tanong nya pa.

Kinuha ko naman ang wallet ko at hinanap ang ID ko. Shucks! Naiwan ko pa yata--- Ayun!

"Here..." Sabi ko. Oh diba? May accent na ako. Yay!

Pagkatapos nyang malagyan yun ng stamp, binigay nya ulit sakin ang ID ko at ang passport ko. Yaaaay! Konti nalang goodbye Philippines na! Teka, paputok yun right? Yung goodbye Philippines? So ibig sabihin papaputukin ako??? Joke!!!

Umupo muna ako sa bench don at naghintay ng mga 10 minutes bago lumabas. May signal naman ulit na pwede nang pumasok sa airplane maya-maya.

"Ate, Kuya!!!" Sigaw ko sakanila nang makitang nakaupo sila sa waiting area.

Napatingin naman sila sakin kaagad. "Wah! Makakapunta na akong US! EMEGHEEED!!" Sabi ko. Natawa lang sila sakin.

Nagbonding muna kami saglit. We take selfies and more. We even buy a hotdog on stick nang....

"All the passengers, please proceed to the plane. The plane is leaving after 30 minutes... I repeat, All the passengers, please proceed to the plane. The plane is leaving after 30 minutes. Thank you."

Nagkatinginan kaming tatlo. Wah! Eto na yuuuun! Goodbye Philippines na nga talaga!

"Bye Kuya. I'll miss you. Wag mong papabayaan si Ate ah? Tsaka dapat pag balik ko dito kayo na ni Ate Lauren." Sabi ko na sya namang ikinamula nya. Haha! Naalala nyo pa si Ate Lauren? Yun yung nililigawan ni Kuya.

"I'll miss you too lil sis. Pakabait ka dun ah." Tumango ako bago ko sya niyakap. Bumaling naman ako Kay Ate pagkatapos nun.

"Ate, wag mo ring papabayaan si Kuya ah? Tsaka Alam mo na, dapat pagbalik ko, nakakasalita kana ng maayos okay? I'll miss you Ate..." Sabi ko sabay yakap sakanya.

"I'll m-miss you t-too S-sydney. I-ingat." She said. Tumayo ako at kinuha na ang mga gamit ko. Paalis na sana ako nang may tumawag sakin.

"Giiiiiiiirrrllll!!!" Sigaw ni..... Syempre sigaw ni Audrey. Sino pa ba? Humarap ako sakanya.

"Audrey, buti nakarating ka! Ma-mi-miss kitang bungangera ka!" Sabi ko sabay gulo ng buhok nya.

"Eehhh!! Dapat matangkad kana pagbalik mo ah? Tsaka dapat may accent kana ah?" Naiiyak na sabi ni Audrey sakin sabay yakap.

"Haha! Oo naman. Tsaka dapat pagbalik ko dito, may boyfriend kana ah?" Paalala ko sakanya. Natawa nalang sya sa sinabi ko.

"I'll miss you girl!" She said. "Wag kang maghanap ng bagong bff mo dun ah? Tayo lang dapat." She said and painted a smile on her face.

"I'll miss you too girl. Sige na, baka maiwanan ako ng eroplano. Bye guys! Bye Philippines, bye Kean..." I said as I turn my back on them.

Nandito na ako ngayon sa loob ng airplane. Pinipigilan ang luha ko na tumulo. Kaya ayokong may umaalis eh pero ngayon ako ang umalis. Ang hirap pala noh? Na umalis ka sa sarili mong bansa at may mga taong maiiwan mo dun. Pero, sa US, May bago akong magiging kaibigan at syempre, new life na. :)

Hays, maraming nasasaktan pero alam ko, hindi naman magtatagal yun kasi may mahahanap kanang bagong magpapasaya sayo pagdating ng panahon. Kaya sana, makahanap kana ng taong para sayo Kean. At ganon nalang din ang gagawin ko.



I'm InLove with a Superstar Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon