Chapter [28]

70 10 0
                                    

Chapter [28]

Kean's POV

Ang sakit. Ang sakit na parang tinutusok ng isang libong karayom ang puso ko. Bakit kailangan nya pang umalis? Sawa na ba sya sakin kaya pumunta syang US?

Siguro nga totoo ang 'tadhana' na sinasabi nila. Pinaglalaruan nya nga ako ngayon eh.

Nandito pala ako ngayon sa bar ni Anthony. Oo may bar na sya. Galing noh? Pero ang totoo binigay lang sakanya to ng tatay nya.

"Oy Kean! Baka malasing kana ng todo nyan!" Suway sakin ni Anthony. Nandito kami sa VIP room ng bar nya. At sinamahan nya pa ako! Tss. Wala yatang magawa ito sa buhay.

"Pwede ba? Ngayon lang ito! Pabayaan mo na ako kahit ngayon lang..." Sigaw ko at uminom. Wala namang makakarinig sakin dito kapag sumigaw ako kasi soundproof naman ang mga rooms dito.

"Alam mo, kung may problema ka at uminom ka, mababawasan yung sakit eh. Pero kapag gumising ka sa umaga, babalik lahat ng sakit non. Plus na syempre ang hang-over. Kaya, ano bang problema mo Kean? Ang daya nyo noh? Akala ko tropa tayo pero bakit laging kayo nalang ni Xander ang nagkikita? Nakalimutan mo na ba kami Kean?" Sambit ni Anthony. Tss. Nag-da-drama nanaman sya.

"Si Xander ang lagi Kong kinakausap kasi, sya lang naman ang matinong kausap diba? Pag sinabihan ko naman kayo ng problema ko tatawa naman kayo..." Paliwanag ko. Natawa naman sya.

"Dati lang yun dude. Ngayon, seryoso na ako. Pwede mo nang sabihin lahat sakin.." Sambit nya pa. "Promise hindi na kita pagtatawanan." Sabi nya at itinaas ang kanang kamay nya sa ere. Medyo tipsy na kaming dalawa kasi halos mga two hours na kami dito.

"Sigurado ka?" Pangungulit ko. Sana man lang ngayon mabawasan ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Oo naman. Now spill it." Sabi nya saka tinungga ang isang baso.

"Ayoko. Patunayan mo na hindi ka tatawa." Sabi ko pa. Sinamaan nya ako ng tingin.

"Wala akong pampatunay." -Anthony

"Edi hindi ko sasabihin sayo." -Kean

"Bakit ba? Sabing hindi ako tatawa eh." -Anthony.

"Ayoko nga sabi. Kami lang ni Xander ang nakakaalam nun." -Kean

"Ugh! Dude, magkabarkada naman tayo! Wag mo naman kaming kalimutan..." Sabi ni Anthony na ngayon at paiyak na.

"Tss. Ayoko pa din."

"Dahil ba Kay Sydney?" Tanong nya. Natigilan ako at tumingin ako sakanya. How did he knew?

"Paano mo nalaman?" Nagtatakang tanong ko.

"Tss. Kapit bahay namin sya dude." Say what? Magkapit bahay sila?! Bakit ngayon ko lang nalaman?

"Na ngayon ay hindi na." Patuloy ko. Totoo naman eh. Wala na sya. Nasa US na sya.

"Ha? Lumipat na ba sila kaya ganyan ang mukha mo? Hindi mo na makikita si Sydney? Halaaa, paano na ang love-story nyo?" Sunod-sunod na tanonb nya. Hay, ang kulet talaga neto ni Anthony.

"G*go. Wala na sya..." Sambit ko. I hope he'll understand that. Makitid utak neto eh.

"Wala na sya?! As in, PATAY NA SYA?!" Nabilaukan naman ako sa sinabi nya. G*ago talaga sya.

"Tangek!" Sabi ko sabay batok sakanya. "Wala na sya. As in... Wala na sya dito sa Pilipinas." Sabi ko at umiwas ng tingin.

"Ha? Bakit? Anong nangyari? Bakit sya pumunta don? May problema ba?" Sunod-sunod nanaman nyang tanong.

"Pwede bang isa-isa lang na tanong?" Sabi ko sabay subo ng chips. Yeah, nagpupulutan kami ngayon dito.

"Okay sige, ano ba talagang problema nyo?" Tanong nya.

Sa pangungulit nya, sinabi ko na sakanya lahat ng detalye. Buti naman hindi sya tumawa. First time yata ah.

"Eh bakit naman kasi hindi mo sinabi na gagawa ka ng film kasama si Cheska? Ang t*anga mo bro." Sambit nya. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Kaya nga. Alam kong napaka-t*nga ko." Sambit ko.

Naalala ko tuloy yung kanina. Nasa airport ako nun. Actually, papunta na ako sa bahay nila kasi gusto ko syang makausap pero nakita ko na lumabas ang kotse nila kaya sinundan ko nalang sila.

Yun pala, sa airport na sila pupunta. Hindi ko man lang alam na ngayon na pala ang alis nya.

Akala ko kanina nakita nya ako eh. Oo nga, nagtama ang mga mata namin pero umiling sya kaya umalis nalang ako.

Ang sakit kasi hindi ako nakapagpaalam ng maayos sakanya bago sya umalis. I wish I could turn back the time.

Sydney's POV

[California USA]

Local time : 6:45 pm

Whaaaa!! I can feel the air! Omo! Wala na talaga ako sa Pilipinas! OMG!

Tama na nga muna! Nandito parin ako sa airport. Haha! Kakadating lang ng airplane dito. Hinahanap ko nga ngayon si Mama eh. Sabi nya kasi, sya daw ang magsusundo sakin.

"Anak! Over here!" Napatingin ako sa kanan ko. There I saw Mama waving at me. Tumakbo ako papunta don.

"Mama! I miss you!" I shouted. Wala akong pakialam kahit madaming Tao. Bakit ba? Pake nila?

"Glad you accepted the offer." Bungad nya Sakin sabay yakap.

"Of course Ma. Sayang din po." I said to her smiling.

"Oppps, you need to practice speaking in English. Tomorrow will be the day your going to that school. Don't worry I'll be there too. Titignan nila kung marunong kang magluto." Sabi ni Mama. Tumango ako.

"Ma, can we go home na? I'm tired." Sabi ko. Natawa nalang naming pareho. Haha! Laptrip naman kasi ang english ko.

After 19737739291 years. Nandito na kami sa bahay. Wow, ang ganda naman grabe!

"Is this your house Ma?" I asked. Umiling sya.

"No, this is the house of Alice. The one I told to you na nakakita sa papa mo. Nandito sila ng anak nyang lalaki nakatira." Paliwanag ni Mama. Tumango nalang ako.

"Uy mars!" Napatingin making pareho ni Mama sa kaliwa namin. Nakita ko ang isang babaeng nasa mid-30's na.

"Uy mars! Here's Sydney. Nakwento ko na sya sayo right?" Sabi ni Mama sa babae. Tumango nalang sya at tumingin sakin.

"Hi Sydney, I'm your mommy's friend. Just call me Tita Alice okay?" Sabi nya and I smiled.

"Okay po Tita Alice." I said.

"Teka, where's Nathan by the way?" Tanong ni Mama.

"Oh, he's upstairs. Hali ka hija. Ipapakilala kita sa anak ko." Sabi nya sabay hila sakin. Nagsmile lang sakin si Mama bago kami umakyat sa second floor. Wew, 4 story house itong bahay na ito eh.

"Nathan? Anak, Nathan..." Sabi ni Tita Alice habang kumakatok. Dahil wala namang nagsasalita, pumasok nalang sya. Naabutan namin na naglalaro ng PS3 ang anak nya.

"Nathan. This is Sydney. Anak sya ng Tita Adri mo." Sabi ni Tita Alice. Pinatay naman ng anak nya ang PS3 na nilalaro nya. Tumingin sya Sakin. I can't deny the fact that he's handsome. Say what? Erase. Erase!

"Oh. Okay." Sabi nya sabay bukas ulit ng nilalaro nya. Aba bastos to ah.

Tumingin si Tita sakin. "I'm sorry for his attitude ah? Ganyan lang talaga yan." She said to me. Natawa nalang ako. Hindi ba obvious? Tss. What a bad boy.



I'm InLove with a Superstar Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon