Chapter [34]
Sydney's POV
"Kean!" Sigaw ko sakanya nang hindi nya pa ako binibitawam habang kinakaladkad ako. Grabe, saan ba talaga kami pupunta? Ang layo na nang pinanggalingan namin.
"Bitawan mo ako pwede?!" Sigaw ko nanaman at salamat! Tumigil sya. Humarap sya Sakin."Not unless you talk to me." He said coldly. Oh, may na-sense akong ibang aura nya.
"We're already talking." Sabi ko at seryosong nakatingin sa mga mata nya.
"I'm serious Sydney. Let's talk." Sabi nya. Hindi ba naguusap na kami? Baliw ba sya?
"Ako bang paguusapan natin?!" Naiinis Kong sabi. Hinatak nya lang naman ako sa pinakadulo ng school.
"Bakit mo ako iniwan?" Sabi nya. Natigilan ako. Bakit nya pa tinanong yan? Nakatingin lang ako sakanya at hindi nagsasalita. "Sagutin mo ako, bakit mo ako iniwan?" Tanong nya pa.
"Bakit kita iniwan? Simply because, gusto ko." Sabi ko ng seryoso. Natawa naman sya.
"Sydney, that's not the answer I was looking for." He said.
"Then find it. Find the answer you was looking for."
"Pwede ba? Don't do this as a game. I'm serious." He said. Hinawakan nya ang kamay ko.
"Kean--" Pinutol nya ang dapat Kong sasabihin.
"Sydney, nakahanda na sana ang lahat non. Tatanungin na sana kita kung pwede na ba kitang making girlfriend until this sh*t happened." Explain nya. Walang pagbabago sa expression ng mukha ko. Poker face lang ako. Hindi ko dapat ipamukha sakanya na affected ako.
Hindi na sya ang Kean na kilala ko. Ang Kean na kilala ko at hindi nagmumura at parang hindi na sya mabait katulad ng dati.
"May dapat ba akong i-react?" Sabi ko habang nakataas ang isang kilay. Binitawan nya ang kamay ko.
"Damn it! Why are being like this?! You're so hard to me Sydney!" Sigaw nya. Napa-atras naman ako don.
"Bakit ako nagkakaganito? Kasi dahil yon sayo! Kung sana hindi ka nagsinungaling sakin, edi sana tayo na! Pero hindi ganon ang nangyari eh! Nagsinungaling ka sa akin." Sabi ko habang konti-konting tumulo ang luha sa mga mata ko.
"Sydney, sasabihin ko naman sana yon sayo pero bumitaw ka kaagad! Kung sana nagtiwala ka sakin, edi tumagal tayo! Pero wala kang tiwala sakin eh." Sabi nya. Nagulat ako nang kumuha sya ng paso at binato yon.
"Tumigil ka! Don't act like I'm the one who's bad here. Na ako ang may mga kasalanan sa lahat kasi, ikaw yon!" Sigaw ko pabalik. Aalis na sana ako nang hawakan nya ako.
"Sydney... Come back to me please." He pleaded. Mahirap man na makita syang ganito pero kailangan Kong gawin ito.
"Hindi na pwede Kean. I'm sorry..." Sabi ko at bumitaw na. Hinawakan nya ang mukha ko.
"No, please give me another chance. Hindi na ako magsisinungaling sayo promise. I will give up everything even the showbiz just to get you back." Sabi nya pero umiling ako.
"Wag. Pangarap mo yon. Ituloy mo. I'm so sorry Kean. Goodbye." Sabi ko at tumakbo palayo. Pumunta ako sa swing at soon nagmukmok.
Bakit pa nya ako kailangan pahirapan ng ganito? Ginugulo lang nya ang isip ko.
Mabuti pa na kalimitan ko nalang sya para makapagsimula na ako sa bago Kong buhay. Marami pang pagsubok ang dadating sakin.
Kean's POV
Ang sakit. Bakit kasi sya agad bumitaw? Sana nga maging masaya na sya. Kahit masakit man, I'm going to let her go. Papakawalan ko nalang sya kaysa sa magaway kami.
Pumunta ako sa kotse ko at pinaandar yon. Bakit nandito pa ang kotse ni Audrey? Hindi pa ba sila umaalis?
Pumunta ako sa bahay na palagi naming pinagkikitaan nila Tyler, Anthony, at Xander. Pero ngayon, gusto ko munang mapag-isa.
"Argh! Bakit ganon sya?! Bakit lagi nya akong iniiwan sa ere?! Hindi nakakatuwa!" Sigaw ko sa garden namin. Para akong baliw kasi sigaw ako ng sigaw ng walang dahilan. Pero okay lang yun kasi baliw naman talaga ako..... Kay Sydney.
"Bro? What happened?" Napatigil ako at humarap sa likod ko. Nakita ko si Anthony.
Lumapit ako sakanya at niyakap ko sya. "Bro, she want me to let her go." Sabi ko sakanya. Bumuntong hininga sya. Alam nya na kung sino ang tinutukoy ko.
"Ganyan talaga ang mga babae Bro. Papalit-palit ng mood." Sabi nya sakin. Umiling ako.
"Hindi sya ganon. Kilala ko sya." Sabi ko at umupo sa sofa.
"Bakit? Ano bang nangyari?" Naguguluhang tanong nya.
Kinuwento ko naman sakanya ang lahat nang nangyari....
"Grabe bro, mahal mo talaga sya no?" Sabi nya. Tinatanong pa ba yun?
"Syempre. I love her so much."
"Tinamaan ka talaga don sa babeng yon. Maswerte nga sya na sya ang mahal mo. Nagiisa ka lang sa mundo Kean eh." Sabi ni Anthony sa akin.
"Hindi. Ako ang maswerte sakanya." Sabi ko naman habang nakatulala.
"Bro, wag kang masyadong magpadepressed. May film pa kayo ni Cheska. Kailan ang shooting nyo?" Natauhan ako sa sinabi ni Anthony. Sh*t. May shooting pala kami ngayon.
"Thanks for reminding me bro. I gotta go." Sabi ko at umalis na. Pumunta akong tagaytay para sa shooting namin. Almost 2 hours and byahe kaya lagot nanaman ako Kay Direk na late daw ako.
"2 hours and 30 minutes late Kean. Where have you been?" Bungad na tanong sakin ni Direk. "Tell me if you want to quit. Marami akong pwedeng ipalit sayo." Sabi nya pa. Halata mong naiinis na sya sakin.
"No Direk, it's okay. I'm going to talk to him." Bigla nalang sumulpot si Cheska sa kung saan at pumulupot sa braso ko pero agad ko itong tinanggal.
"Siguraduhin mo lang na hindi na male-late ulit Yang si Kean." Tumango lang si Cheska sa sinabi ni Direk. "Faster! After 20 minutes, let's start the shoot!" Sigaw nya sa lahat.
Hinila naman ako ni Cheska sa tent namin. "Bakit ka ba kasi late? Ano bang nangyari? Magagalit sayo si Direk." Sabi nya.
"Alam ko. Wala ka nang pakialam kung anong nangyari." Sabi ko at umalis na. Kailangan ko pang magready.
Ri-ne-touch ako ng isang make-up artist doon at nagpalit ako ng damit para perfect na.
Pero hindi perfect ang buhay ko kapag wala sya....
Sana maging masaya kana.... Sydney.
BINABASA MO ANG
I'm InLove with a Superstar
FanfictionLove is, something that you will gave up even if it's hard, to make that person happy. ~~~ Status: Completed [UNEDITED] Posted: September 1, 2017 - January 13, 2019 p.s: i'm sorry for my childish wri...