Chapter [74] Rose 🌹

57 8 2
                                    



Chapter [74] I'll wait for you♥️

Sydney's POV

Hinatid na rin ako ni Kean pauwi. Hindi ko na rin nakain ang cookies na na-bake ni tita kanina kasi nakakahiya na.

Nahihiya ako sa sarili ko. Mukha ako kaninang kaawa-awa. Mukha akong baliw. Mukha akong tanga. Mukha akong---

"Sabing 'wag mo nang isipin ang sinabi ko sayo kanina." Napalingon ako sa kanya. Kasalukuyang nasa kotse kami ngayon at nagd-drive sya.

"What? Anong sinabi mo kanina?"

"Lutang lang? Basta. Never mind." Hindi ko na rin sya kinulit do'n. Naghintay nalang ako hanggang sa makauwi na ako. Wala rin naman akong mabuksang topic, kaya tumahimik nalang ako. Gano'n rin naman sya.

Pagdating namin sa bahay, binuksan ko kaagad yung pinto saka bumaba. "Thank you." Sambit ko habang hindi tumitingin sa kanya. Sinarado ko na rin yung pinto saka naglakad papasok sa bahay. Hindi na ako lumingon.

Pagpasok ko, walang tao sa bahay. Ako nanaman ang mag-isa. Buti nalang talaga may dala ako laging susi. Just incase.

Paakyat na sana ako pero may nakita akong papel sa center table. Hindi naman sa pakielamera ako, pero curious lang ako.

-_-

Tsaka wala namang nakalagay kung para kanino. Umupo ako sa sofa saka kinuha yon....

Dear Bunso,

Hehe. Umalis nanaman kami. (: Sorreh! Si Kuya kasi nagyaya lumabas. Wala ka naman kaya pumayag kami. Alam namin na ikaw ang unang uuwi kaya nagsulat ako ng letter. (: Nga pala, nandito kami sa Mall. Manonood kami ng sine! Kung gusto mo sumama, tara na! Wag mo na ituloy basahin to basta tara na! 4:00Pm naman mags-start yung movie. Pero kung ayaw mo, sige relax relax ka lang dyan. Gagabihin kami ng konti, Syd! Pero don't worry, may dala kaming susi kapag nasa taas ka na at natutulog. Kanina nga pala, nakita ko sa itsura mo na parang may problema ka. Stay positive, alright? Nandito lang kami. (: Always smile! 😁😁😁 Muah~!
-Ate mong pango pero maganda😉

Napailing nalang ako saka binalik yung letter sa dati nitong pwesto. Uminom muna ako ng tubig sa kusina at umakyat na.

Kinabukasan, may natanggap ulit akong text. Pero hindi ko muna kinuha ang phone ko. Sunday na ngayon. Bukas may pasok na. Tapos na ang sembreak.

Napaisip ako. Hindi natapos ni Nathan ang school year? Lumipat ulit sya sa dati nyang school.

Napatunganga muna ako ng mga 30 minutes sa kisame at napagdesisyunan ko na bumangon na. Timecheck : 6:30 AM. Pwede pang mag-jogging sa labas.

Dumiretso ako sa banyo saka naligo. After non, nag-leggings ako saka nag sports bra. Pero pinatungan ko naman 'yon ng jacket. Pero hindi nga lang naka zipper.

> _ <

Dinampot ko naman ang phone ko saka ang earphones ko saka sinaksak 'yon sa tenga ko.

[Now playing : Kung Di Rin Lang Ikaw -December Avenue Ft Moira Dela Torre]

Maaga pa so, tulog pa sila. Nagdala ako ng susi saka lumabas tapos ni-lock ulit yung pinto. Sinalubong ako ng malamig na hangin. Ang sarap sa pakiramdam. Nakaka-relax.

Naglakad lakad muna ako hanggang sa mapadaan ako sa isang pamilyar na bahay. Hindi ko alam pero napangiti ako mag-isa. Malaki na siguro ang batang iyon. Four years na ang dumaan.

Nagsimula ulit ako maglakad pero ngayon, medyo tumatakbo na ako. Konti lang ah.

Pero napatalon ako nang may bumusina sa likod ko. Lumingon ako sa likod.

"Ang laki laki kaya ng space do'n." Bulong ko sa sarili ko. Sinipa ko nalang yung gulong ng kotse nya. Ipademanda ko kaya 'to.

Bumukas yung pinto saka lumabas sya.

"Masyado yatang mainitin ang ulo mo ngayon?" Tinaasan ko sya ng kilay.

"Ano ba? Papansin ka ba? Ang laki laki ng space don oh." Turo ko sa kabilang side. Tumingin sya do'n pero binalik din agad sa akin.

"Ako papansin? Okay sabihin na natin na totoo 'yon. But you have to come with me." Ma-awtoridad na sambit nya. Pero syempre tinaasan ko sya ng kilay.

"At saan naman tayo pupunta?"

"Oh come on, kung makasabi ka naman ng ganyan, akala mo hindi mo ako kilala." Umirap sya. Aba ginaganyan nya ako ah.

Sa huli, edi sumama nalang ako.

***

Dinala nya ako sa isang place na mapuno. Lumabas agad ako at sinalubong ako ng napakalamig na hangin.

"You liked it here?" Hindi ko sya sinagot. Nakatingin lang ako sa malawak na lupain.

Pumunta sya sa likod ng kotse nya at parang may kinuha sya do'n. Lumapit sya sa akin at pinaharap nya ako sa kanya.

"Happy Birthday, Sydney..." Napalunok ako. Ni ako nga nakalimutan kong birthday ko ngayon. Kinuha ko ang isang pirasong red rose.

Ngumiti ako.

"Thank you. Buti naalala mo?"

"Of course. I always celebrate it, even though, you know." Nag-iwas naman ako ng tingin.

"Kaya mo ba ako dinala dito kasi birthday ko?" Tanong ko. Binalingan ko sya dahil hindi ako nakarinig ng tugon.

May kinukuha sya sa bulsa ng pants nya. Napalunok ulit ako. Hehe ang bilis ko naman mag-isip. Hindi pa gano'n 'yon.

Nilabas nya ang isang necklace na ang pendant ay yung rose na pink. Pero may cheche bureche pang nakalagay.

"Para saan naman 'yan?" Tumingin sya sa mga mata ko saka ngumiti.

"It's my gift for you."

Tinignan ko naman sya ng ilan pang segundo pero wala na yata syang balak sabihin pang iba.

"Oh, ano ang gusto mo'ng gawin ko ngayon?"

"Tumalikod ka."

"At ba't naman ako tatalikod?"

"Malamang, isusuot ko 'to sa'yo." Tinignan ko pa muna ang kwintas bago tumalikod. Nang maikabit na nya, nagulat ako nang hawakan nya ang dalawa ko'ng balikat saka hinarap ako sa kanya. Niyakap nya ako.

"Please give me another chance, will you?"

****

A

/N : Owkeeyyy, maraming maraming salamat talaga guys!! Tenkyuu💗😆

I'm InLove with a Superstar Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon