Chapter [10]

111 12 2
                                    

Chapter [10]

Kean's POV

Hanggang ngayon hindi parin nagigising si Sydney. Mas lalo akong nagaalala para sakanya. 2 days na syang tulog.

Nandito ako ngayon sa room nya sa hospital. Ako lang ang nandito kasi pinauwi ko na si Tita Adri dahil nung isang araw pa sya dito kaya sinabi ko na ako nalang ang magbabantay kay Sydney.

Hinawakan ko ang kamay nya. "Sydney, gumising kana please? Nagaalala na kami sayo dito." Pagkasabi ko nun, hinalikan ko ang kamay nya.

Nang bitawan ko yun, sakto naman na gumalaw ang kamay nya kaya napatayo ako.

"Sydney?"

Unti-unti nyang binuksan ang mga mata nya. "N-nasaan ako?" Tanong nya agad pero niyakap ko agad sya.

"Buti nagising kana. Alam mo bang nagaalala na ang mama mo?" Ngumiti ako. Ako rin naman nagaalala eh.

"Teka, nasan bako?" Tanong nya ulit.

"Wala ka bang naalala?" Umiling sya. "Nasa hospital ka kasi nabagsakan ng plywood ang ulo mo. Buti hindi malala sabi daw ng doktor." Ngumisi naman ako.

"Anong ngi-ni-ngisi-ngisi mo dyan?" Nakataas na kilay na tanong nya. Buti okay na sya.

"So, hindi natuloy ang 'kissing scene' natin, pwede bang gawin natin ngayon?" Namilog ang mga mata nya saka nya ako hinampas.

"Ikaw, buti hindi ako masyadong malakas dahil pag ako wala dito, tiyak na naka-confine ka rin ngayon dito dahil sa palo ko sayo!" Sabi nya sabay irap.

"Sydney, seryoso, na-miss kita." Seryosong sabi ko na syang ikinamula nya. "Uhm. Sige, tawagan ko lang sina Tita na gising kana." Tumango nalang ito.

"Hello, Kean?" Bungad ni Tita Adri sakin.

"Hello po Tita, gising na po si Sydney." Masayang sabi ko.

"Talaga? Sige, papunta na kami dyan. Bantayan mo lang sya. Salamat Kean!" Sabi nya sabay patay ng tawag.

"Ano daw sabi?" Sabi ni Sydney sakin. Hmm, maloko nga ito.

"Sabi nila, halikan na daw kita." Natigilan naman sya kaya binawi ko na agad ang sinabi ko. "Joke lang. Hintayin nalang natin sila." Tumango nalang ito.

After 15 minutes...

"Sydney anak!" Bungad ni Tita Adri pagkabukas ng pintuan saka sya niyakap. "Kamusta kana? Okay kana ba? Wala na bang masakit sayo? Binantayan kaba ng mabuti ni Kean?" Sunod sunod na tanong nya kay Sydney.

"Ma, okay lang po ako. Tsaka, binantayan naman ako ni Kean ng mabuti." Sabi ni Sydney sa mama nya. Dumapo naman ang tingin ni Tita sakin saka lumapit sakin.

"Salamat Kean. Maaasahan ka talaga." Ngumiti nalang ako.

"Syempre po para kay Sydney. Uhm, sige po bibili nalang ako ng fruits." Tumango sya saka ako umalis.

***

Sydney's POV

"Oh my gosh sis!" Tumakbo sakin si Ate saka ako niyakap. "Okay kana ba? Sure ka?" Tumango nalang ako.

"Faith, baka maistress naman ang kapatid natin. Tama na yan." Inirapan lang ni Ate si Kuya.

"Ugh, namiss ko lang kapatid natin." Sabi ni Ate sabay upo sa tabi ko.

"Ako rin naman eh." Nakakunot na sambit ni Kuya.

"Pwede ba mga anak, hayaan nyo muna si Sydney magpahinga. Kakagising nya lang iniistress nyo agad sya. Tsk." Sabi ni mama. Sakto naman na bumukas ang pinto.

"Ara?"

Oo, si Ara nga. Lumapit sya sakin.

"Sydney, are you okay? Are you fine now? Nakita ko kung paano bumagsak ang plywood sa ulo mo. Pag nahanap ko talaga kung sino ang gumawa sayo nun, sya ang babagsakan ko!" Sabi nya sabay irap.

"Okay nako Ara. Thanks." Ngumiti sya.

"Siguro naman, magfriends na tayo?" Tanong nya.

"Syempre naman Ara." Sabi ko naman sabay upo.

"Para sayo nga pala oh. Alam ko, favorite mo daw ang buttered shrimp? Niluto ko yan para sayo." Sabay labas nya ng Tupperware na punong puno ng shrimp.

"Wow, thanks talaga Ara..." Sabi ko sabay subo. Grabe, sarap!

"Uhm. Sydney, una nako. Hinatid ko lang yan dito para may makain ka. Meron pa kasi akong pupuntahan eh." Tumango ako.

"Sige, okay lang Ara. Thanks ulit." Ngumiti sya bago umalis.

***

Kean's POV

May nabangga akong babae. Pabalik na sana ako ng room ni Sydney kasi nakabili nako ng fruits.

Nagtama ang mga mata namin.

"Ara?" Kilala ko sya kasi ex-girlfriend ko sya dati. Nung nagpapractice kami ng sayaw, Hindi ko nga sya pinapansin eh.

Past is past Kean...

Sabi ko nalang sa sarili ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Masama bang dalawin ang kapatid ko?" Ha? May kapatid ba sya? Sino?

"Meron kabang kapatid? Sino?" Tanong ko pero umalis agad sya. Hmm, maybe this is not the right time to say it.

Dumiretso nalang ako sa kwarto ni Sydney. Pagbukas ko, nakita ko syang kumakain ng buttered shrimp.

"Hi Sydney." Ngumiti nalang ito. "Nasaan na sila Tita at mga kapatid mo?" Nilunok muna nya ang kinakain bago ako sinagot.

"Umuwi na. Meron pa silang aasikasuhin eh. Hindi ba sila nagtext sayo?" Pagkasabi nya nun, tinignan ko agad ang phone ko.

From Tita Adri : Alis na kami Kean. Pakibantay naman ulit si Sydney pwede ba?

5 minutes ago...

"Ah, oo meron nga." Sabi ko pero hindi na sya sumagot. Nilapag ko sa table ang fruits.

"Wooooow!! Grabe Kean ang dami naman." Tuwang tuwa na sabi nya.
"Para kanino lahat ito?"

"Sydney, don't state the obvious." Nagpout pa sya bago nya niligpit ang pinagkainan nya. "Ako na dyan. Kumain ka nalang ng prutas na binili ko." Sabi ko pero Hindi sya nakinig.

"Kean, nakakahiya naman. Ako na." Hinawakan ko na ang Tupperware pero hinihila pa rin nya. "Kaya ko na toh, saglit lang naman eh." I glared at her. At ayun, nakuha naman sa tingin.

"Next time, sumunod ka nalang sakin Hon." Nilagay ko sa sink ng bathroom ang Tupperware. Paglabas ko, nakita ko syang namumula. Anong sinabi ko?

"Next time, sumunod ka nalang sakin Hon."

"Next time, sumunod ka nalang sakin Hon."

"Next time, sumunod ka nalang sakin Hon."

Siguro, ito na ang time para sabihin ko sakanya ang totoo kong nararamdaman....

Tutal, nasabi ko na naman ang 'hon' na word eh. Gusto ko ngang itawag sakanya ay 'babe'.

"Sydney, meron akong sasabihin sayo..." Tumingin sya sakin. Alam kong kinakabahan sya pero Hindi nya lang pinapahalata.

"B-bakit?" Oh, tignan nyo. Nabubulol na sya.

"Sydney, sana wag kang magalit at sana... Seryosohin mo itong sasabihin ko sayo." Tumango sya kahit pilit.

Fvck! Why am I like this? Bakit ako kinakabahan? HINDI.AKO.TORPE.

This is it Kean. It's now or never.

"Sydney, I already fall for you."



I'm InLove with a Superstar Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon