Chapter [32]

58 9 0
                                    

Chapter [32]

Sydney's POV

"So, kayo na?" Napahiwalay agad kami ni Nathan sa yakap namin at sabay naming tinignan sila Mama at Tita. Nakita ko sa mukha nila ang malaking question mark.

"What? Mom--- No!" Sambit ni Nathan. Umiwas lang ako ng tingin.

"Hay, akala ko pa naman magiging balae na kita Mars." Sabi ni Tita Alice kay Mama. Balae? WATDAPAK?

"Oo nga Mars eh." Malungkot na sabi naman ni Mama. Umiwas ako ng tingin nang magtama ang mata namin ni Nathan. Buiset. Bakit ako nahihiya?

"Mom, I'm just comforting her. No malice." He said. Napatingin ulit ako sakanya at sakto namang nakatingin sya sakin. Ngumiti nalang ako at tumingin na Kay Mama.

"Yeah, he's right Ma." I agreed.

Tumango-tango nalang silang dalawa.

"Okay. Pero, bakit sa gitna pa ng mall? Para kayong couple." Kinikilig na sabi ni Tita. Yumuko nalang ako. Shucks! Pwede bang wag silang mang-asar ng ganyan?

"Oo nga. Ayiiee." Asar pa ni Mama na tinulak ako Kay Nathan.

"Oppss. Sorry." Sabi ko at napakamot nalang sa batok. Sinamaan ko ng tingin si Mama. Ugh! Pwede bang tumigil na sila? "Ma, I'm going to the restroom." Sabi ko at tumuloy na don. Hindi ko na sila pinagsalita at baka may masabi nanaman sila. Jusko, ang dadaldal!

Pagdating ko sa restroom, nagkulong agad ako sa isang cubicle don. Buti nalang walang masydong tao dito kaya maraming bakanteng cubicle.

"Hay, what a scene." Bulong ko sa sarili ko. Nagiging baliw na yata ako dito. "Bakit ba kasi kailangan pa nya akong yakapin?" Bulong ko nanaman.

"Bakit nya ginawa yon? Gusto ba nya ako?" Bulong ko. Anong sinabi ko? Tss! T*nga ko talaga. Sya na nga ang nagsabi na hindi nya ako type diba?

"Wag kang mag-assume Sydney." Bulong ko nanaman sa sarili ko. Natigilan ako nang may kumatok sa pinto.

"Hello? Miss? Do you have someone to talk with, there? You're so slow. It's 15 minutes past. There's no free cubicle here." Narinig kong sabi nang nasa labas. Napakagat labi nalang ako.

Syempre nag-ayos muna ako ng damit ang buhok ko bago ko binuksan ang pinto.

"Sorry." Sabi ko don sa babae. Tumapat ako sa salamin don. Nilabas ko sa bag ko ang lip balm at suklay. Inayos ko muna ulit ang tali ko. Syempre ponytail. I got  ponytail I got a ponytail, I got a po-po-po-po-po-po-po-po ponytail.

Syempre pagkatapos non, naglip balm ako at nag pulbos. Mahirap na baka pagtawanan ako ni Nathan na mukha akong losyang.

What the heck?

"Why am I being conscious?" Bulong ko sa sarili ko. Umirap nalang ako sa hangin.

Wala akong mapapala dito kung kakausapin ko lang ang sarili ko kaya lumabas na ako. Paglabas ko, nakita ko si Nathan. Nandyan ba sya dahil hinihintay nya ako?

What the?! Bakit iniisip ko yon? Erase!

"I've waited for you for so long. Bakit ang tagal mo?" Sambit nya na halatang naiinis.

Tinaasan ko sya ng isang kilay. "At sino naman kasing nagsabi na hintayin mo ako dito?" Sabi ko. Umiwas sya ng tingin at tumingin dun sa malayo.

"Ah, ano, inutos ni Mom. Oh yeah tama. Inutos nga nya. Now, c'mon." Sabi nya sabay hatak sa kamay ko.

Pumunta kami sa restaurant na Korean food ang hinahain. Ehhh!! Maraming maaanghang dito. Exciting!

Nandun na rin pala sila Mama na naghihintay samin. Pagkadating namin, tumingin sila agad sa amin. Oh, hindi pala sa amin. Sa kamay pala namin.

Napabitaw agad ako sa kamay ni Nathan. Shucks I smell something smelly here.

"Oh, nandyan na pala ang mag fiancé." Kinikilig na sabi ni Tita. What the heck? Fiancé?

Bitch please.

"We're not even together Mom." Sabi ni Nathan at umupo na. Umupo nalang ako sa tabi ni Mama.

"Oh, kaya pala magkahawak ang kamay nyo?" Sabi nanaman ni Tita. Sya na nga ang nag-utos Kay Nathan na hintayin ako dun diba?

"Wait Tita, diba po inutos nyo Kay Nathan na hintayin ako sa labas ng restroom? So yeah, paglabas ko hinila nya ako kaagad dito kaya po magkahawak ang kamay namin." Paliwanag ko. Kumunot naman ako noo nya.

"Huh? Inutos? Wala akong inuutos Kay Nathan, Sydney." Sabi nya. Ako naman ang napakunot ang noo. Napatingin ako Kay Nathan na ngayon ay hindi makatingin sakin. "Nathan, bawal magsinungaling. Ikaw ang umalis kanina nung umalis si Sydney. Malay ba namin kung saan ka pupunta eh wala ka namang nabanggit sa amin ng Tita mo. Diba Mars?" Sabi nanaman ni Tita Alice. Nag-agree nalang si Mama.

"U-umalis ako kasi ang lakas nyo pong mang-asar. Then, nag-restroom din naman po ako eh. But, naisip ko na nandun na naman ako so, I just waited for her." Sambit nya.

Yeah right, that's the reason.

After 1 hour...

"I'll go home." Biglang sambit ni Nathan Kay Mama at Tita.

"What--- Wait. Hintayin mo si Sydney." Sabi ni Tita pero umiling ako.

"No, hihintayin ko nalang po kayo." Sabi ko. Nandito kasi kami ngayon sa salon 💈at wala naman syang ginagawa dito kaya siguro naisipan na nyang umuwi. 4:30 na kasi ng hapon dito.

"Sydney, maaga ka pa bukas. Better if you go with Nathan. Matulog kana pagbalik mo sa bahay ah? Goodnight." Sabi ni Mama. Umiling pa din ako. Ang aga pa kaya.

"Ayoko pa pong umuwi. Dito muna ako." Pagpupumilit ko. Eh sa gusto ko pa dito eh.

"Sydney, wala ka namang ginagawa dito anak." Sabi nanaman ni Mama. Napabuntong hininga nalang ako. Okay, she wins. Tumayo na ako sa pagkakaupo ko.

"Fine, bye Ma, Bye Tita." Sabi ko bago nauna lumabas.

Hinintay ko si Nathan sa parking. Bakit ba kasi ang tagal-tagal ng lalaking yon?

"Sorry. Bumili pa ako ng coffee eh. Want some?" Sabi nya sabay about ng sakin ng isang cup. Ayoko naman syang mapahiya kaya kinuha ko na yon.

"Thanks."

"So, tomorrow is your flight right? Kailan ka babalik?" Tanong nya.

"Bakit ka naman naging interested sa pagbalik ko dito?" Tanong ko naman. Nakapoker face lang sya.

"Just answer me." Matigas na sabi nya. Haluh, katakot. May side pala syang ganito?

"By next week. Saglit lang ako dun." Sabi ko sabay higop sa coffee. Ang init ah.

"Okay." Sabi nya. "May tanong ako sayo. Take it seriously okay?" Napatingin ako sakanya. Bakit may 'take it seriously' pa syang nalalaman?

"Fine. What's that?" Tanong ko.

"Anong gusto mo sa isang lalaki?" Biglang tanong nya.

"Bakit mo naman yan natanong? Gusto mo ako no?" Tanong ko habang nakangisi.

"Answer me." Sabi nanaman nya.

"Syempre gusto ko, yung mamahalin din ako pabalik tsaka mabait, magalang, yung tipo na hindi naglilihim sa akin." Sabi ko. Naalala ko nanaman si Kean. Siguro, kung hindi sya naglihim sa akin, kami na siguro. Sasagutin ko na sana sya eh.

"Okay. C'mon it's getting dark." Sabi nya sabay hila sa akin papunta sa kotse.



I'm InLove with a Superstar Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon