Chapter [79] My Girl

52 7 0
                                    

Chapter [79] My Girl

Sydney's POV

Hindi nya ako pinapaalis sa tabi nya!!! Habang  naglalakad kami, todo ang kapit ko sa kanya! Kahit magkamot lang ako, ayaw nya!

"Ano ba?" Bulong ko sa kanya. Nasa malawak kaming park pero wala masyadong tao. Mangilan ngilan lang.

"Wag kang hihiwalay sa akin." Madiin nyang sambit.

Whatever.

Pinaupo nya ako sa isang bench doon sa ilalim ng puno. Kaya hindi ako tinatamaan masyado ng sinag ng araw.

"Stay there." Sambit nya saka umalis.

Akala ko ba ayaw nya akong mawala sa tabi nya!? Eh bat nya ako iniwan dito!?

Inhale, Exhale.

Highblood ka nanaman, Sydney.

After 5 minutes, bumalik sya. Sinamaan ko sya ng tingin.

"What?" Tanong nya saka umupo sa tabi ko.

"Bat mo ako iniwan?"

"Iniwan? May kinuha lang ako saglit." Sabi nya kaya napakunot noo ako.

"Anong kinuha mo?"

"Ito." Hinarap nya sa akin ang isang rose. Tumingin ako sakanya pero ngumiti sya. "Ayaw mo?"

Kinuha ko naman agad yon. "Thank you. Saan ka nakakuha nito? May nagtitinda ba dito?"

"Hmm, It's a secret babe." Tinaasan ko sya ng kilay.

"Bat ang lambing mo ngayon? Nambabae ka kasi kanina, ano? Oh ano? Sinagot ka ba?" At doon na sya sumimangot.

"Hindi ako nambabae. Sabi ko sayo, ikaw lang ang babae ko."

"Sus, bolero." Bulong ko.

"Ano?"

"Wala!" Sigaw ko mismo sa tainga nya.

"Aray, ah." I smirked.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko.

"Wala. Tititigan ang isa't-isa."

"Anak ng tokneneng. Alam mo bang hinalukat ko pa to sa damitan ni mama? Akala ko naman may gagawin tayo!" Sabi ko saka pinalo sya ng marahan.

"What, babe? May gagawin tayo? Ano?" Lumapit sya sa akin at ako naman tong todo atras pero nasandalan ko na yung dulong part nung bench.

"W-wala. Something like, kakain, mag-uusap. Hay nako! Expect the unexpected nga pala." I pouted. Pero nagulat ako nang halikan nya ako! Pero dampi lang naman.

Pinalo ko sya saka tumingin tingin sa paligid. "Ano ba? Baka may makakita sa atin."

"Ano naman? May ginagawa ba tayong masama?"

"W-wala naman."

"Yon naman pala eh." Sabi nya saka umayos na ng upo. "Umayos ka nga. May sasabihin ako sayo." Sabi nya saka tumingin sa akin.

Kaya naman umayos ako saka tumingin din sa kanya.

"Ano?"

"Alam mo namang mahal kita, diba?" Nanlaki ang mga mata ko. Ang tagal nyang hindi nasabi sa akin yon! "Oh? Bat parang hindi mo alam?"

"W-wala." Yumuko ako. Anong sasabihin ko? Hinawakan nya ang baba ko saka pinatingin sa kanya.

"Kanina. Hindi ako nambabae. I talked to your brother." Mas lalo akong nagulat. "Nagpaalam lang ako."

I'm InLove with a Superstar Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon