A/N : *Sighed* Again, trip ko'ng maglagay ng heart dyan. (/^▽^)/ Mwehehehehe. Sige na nga! (Sus, akala mo pinilit eh) Number kasi 'yan ni Tao!! Hahahaha! Yung former member ng EXO. So, yeah. 'Yon lang. Try nyo 'tong basahin habang pinapatugtog yung 'Walang papalit' ng Music Hero. Yiiieee Na-LSS ako do'n! Ganda promise!! Hahahaha!
♥️❣️♥️❣️♥️❣️♥️
Sydney's POV
"Napano ka?" Napalingon ako kay Kean nang tanongin nya 'yon. Nang lingunin ko sya, sa akin nga sya nakatingin.
"Wala 'to." Nag-iwas ako ng tingin.
"Wala? Eh bakit parang meron?" Ang kulit naman neto.
"Wala nga. Aksidente lang to." Sambit ko saka akmang tatayo pero pinigilan nya ako.
"Teka lang, nag-uusap pa tayo, oh? Parang nawala na yata ang respeto mo nang magkaroon ka ng pasikat na boyfriend?" Sarkastiko nyang sabi.
Kami na lang ang nandito dahil iniwan kami ng mga kasama namin. Kung bakit ba kasi nasabi ni Audrey 'yon eh. Edi sana, naka-uwi na ako.
Hinarap ko sya.
"Ano'ng alam mo sa kanya?" Tinaasan ko sya ng isang kilay. "Tsaka, kung makapagsalita ka, akala mo kilala mo sya. Kilala mo nga ba sya?"
"Hindi."
" 'Yon naman pala, eh. Hindi. Kaya 'wag kang magsalita ng masama dyan." Sabi ko pa saka aalis na pero pinigilan nya namaman ako. "Ano nanaman ba?"
"Mahal mo ba talaga sya?"
Nagulat ako sa tanong nya.
"Bakit mo naman 'yan natanong?"
"Basta sagutin mo nalang."
"Oo, syempre. Mahal ko sya." Nakita kong bumagsak ang mga balikat nya saka nag-iwas ng tingin.
"Mahal na mahal?"
"Oo." Do'n na sya humarap sa akin. Sana nagkakamali lang ako sa nababasa ko sa mga mata nya na nasasaktan sya.
Mali ka talaga, Sydney. Ba't naman sya masasaktan?
Matagal kaming nagtitigan pero ako ang unang bumigay. Tumalikod ako sa kanya. Pero hindi nagtagal, naramdaman kong yumakap sya sa likod ko.
"A-anong ginagawa mo?"
Hindi sya sumagot kaya naman hinawakan ko ang kamay nya saka pinipilit alisin yung pagkakayakap nya sa akin pero nagmatigas sya.
"Ano ba?"
"Kahit ngayon nalang ulit, hayaan mo akong yakapin kita.." Hindi ko alam kung bakit yung katawan ko, sumunod sa sinabi nya. Pero yung utak ko, kanina pa umalis.
Ilang minuto pa kaming nasa gano'ng posisyon. Sya na yung unang bumitiw. Nanatili lang akong nakatalikod sa kanya. Aaminin ko, naiilang ako.
Pinaharap nya ako sa kanya pero nakatingin lang ako sa sahig.
Hinawakan nya yung baba ko saka pilit na pinapatingin ako sa kanya. Nang tumingin ako sa kanya, medyo nagulat ako dahil parang basa ang mga mata nya.
BINABASA MO ANG
I'm InLove with a Superstar
FanficLove is, something that you will gave up even if it's hard, to make that person happy. ~~~ Status: Completed [UNEDITED] Posted: September 1, 2017 - January 13, 2019 p.s: i'm sorry for my childish wri...