Chapter [7]

110 8 2
                                    

Chapter [7]

Sydney's POV

"That was my first kiss." Sabi niya. Hindi nalang ako sumagot. Nakakahiyaaa!! "Ikaw? First kiss mo ba yun?" Tanong nya at umiling ako. "Hindi?! Sinong first kiss mo?!" Nagulat ako sa pagtaas ng boses nya pero, hindi naman gaanong kalakas. Yung kami lang ang nakakarinig.

Natawa ako. "Yung mga mga magulang ko. Duh?" Nakita ko syang sumimangot pero di kalaunan, napalitan yun ng ngisi.

"So, I'm your first kiss except on your parents?" Nahihiya akong tumango. "Okay... Sapat na yun." Bulong nya. Hindi ko nalang yun pinansin.

"Okay, pahinga muna kayo! Kakausapin ko lang sina Kean." Sabi ni Ms Cynthia. Nagpractice na yung iba. Kami lang ang hindi.

"Why Ms?" Agad na tanong ni Kean. Umupo si Ms Cynthia sa harapan namin.

"Uhm. Ano? Nasabi mo na ba kay Sydney ang balak kong ending ng sayaw?" Shucks! Nawala sa isip ko! Arrrghhhh!! Kami nga pala ang ending! Oops! Wala palang 'kami'.

"Yes Ms. But, I'm not sure kung papayag sya." Sabi nya saka tumingin sakin. Dali dali naman akong umiwas ng tingin.

"Sydney, please. Alam kong ayaw mong tanggapin yun pero please. Iyon lang ang magagawa natin para mapaganda ang sayaw. Tsaka, once lang toh." Sabi ni Ms saka, hinawakan ang kamay ko.

"Bakit po kami pa? Meron naman iba po diba?" Ngumiti sya sakin.

"Ang iba?" Bumuntong hininga sya. "Mas maarte pa ang mga yan sayo Sydney. Tsaka, kayo lang ni Kean ang bagay para sa 'kissing scene' na yon. Please. Pumayag kana. Ang isipin mo, para nalang toh sa school." Wala namang mawawala kung pumayag ako diba? Hays! Okay!

"S-sige po." Nagulat sya sa sagot ko. Pati na rin si Kean pero hindi ko yun pinansin kasi nakatingin lang ako kay Ms.

"Talaga iha? Salamat!" Saka nya ako niyakap. "Sige, pagusapan natin yan mamaya. Magpractice muna tayo ng sayaw." Sabi nya saka umalis.

"Oh? Nakatulala ka dyan?" Tanong ko sakanya. Umiwas sya bigla ng tingin.

"Pumayag ka talaga?" Paninigurado nya. Tinulungan nya akong tumayo.

"Oo. Bakit ayaw mo ba? Tsaka, para yun sa school." Sabay irap ko. Baka kasi magassume sya dyan. "Wag kang magassume." Sabi ko. Nagulat ako nang akbayan nya ulit ako.

"Hindi ako nagaassume. Baka ikaw?" Sinamaan ko sya ng tingin.

"Aba, bakit ako?" Tinaasan ko sya ng kilay.

"Hep hep hep! Tama na muna Yang kasweetan nyo ah? Practice muna tayo." Sabi ni Audrey. Napalayo tuloy ako kay Kean.

***

"May pupuntahan ka?" Tanong ni Kean sakin. Tapos na ang practice namin. Sabi ni Ms, bukas nalang daw practisin ang 'kiss' na yon kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Wala eh. Bakit?" Inabutan nya ako ng tubig. Tinanggap ko naman yun. Uhaw ako ei! Walang malisya.

"Wala. By the way, natanggap mo ba ang flower?" Kumunot ang noo ko. "Yes, pinabigay ko yon sayo." Nakita ko syang ngumisi kaya umiwas ako ng tingin.

"Okay... Sige, una na ako." Paalis na ako nang hawakan nya ang braso ko.

"Wait. Hatid na kita." Umiling naman ako.

"Wag na. Baka may makakita sayo dun. Tsaka, nandun si Ate baka hindi ka na nya pauwiin." Natatawang sabi ko. Tinanggal ko ang kamay nya sa braso ko. Kumunot naman ang noo nya.

"Bakit naman?"

"Hays! Ang slow mo. Idol na idol ka kasi ni Ate." Sabi ko. Sya naman, tumango nalang. "Sige na. Uuwi nako. Bye."

Kean's POV

"Sige na. Uuwi nako. Bye." Tumalikod na sya.

"Ingat...." Oh sht! Why am I feeling like this? Nagugustuhan ko na ba sya? No, bawal. Hindi pwede.

Dumiretso ako sa unit ko. Gusto kong may makausap. Nakakaboring.

"Hello? Bakit ka napatawag?" Yes, tinawagan ko si Xander. Ang boring talaga!

"Bro, punta ka naman dito sa unit ko. I need a friend now! Wag mong isasama ang dalawang baliw ah?" Pagkasabi ko nun, inend ko na agad ako call.

Kumuha ako sa fridge ng alak tsaka ko nilagay sa table. Wala pang ilang minuto, may kumatok na sa pintuan ko.

"Oh. Buti dumating ka." Hinila ko sya papasok. Baka may makakita pa saamin eh.

"Teka nga bro, may problema kaba?" Agad na tanong nya Sakin. Umiling lang ako. Wala naman akong problema. Magtatanong lang. "Yun naman pala eh. Bakit moko pinapunta dito?" Sambit nya.

"Halika nga muna." Umupo sya sa upuan at kumuha ng beer. "Diba? Yan lang katapat mo eh." Ngumisi ito.

"Syempre lalo na ngayon na nahanap ko na ang ina ng anak ko." Nagulat ako. "Oh? Diba aware kana na may anak ako? Tsaka nga pala, Chelsea pangalan ng babaeng yun."

"Yeah right. Nice name." Sabi ko at tumungga. "May itatanong lang sana ako." Sambit ko nanaman.

"Ano yon? Naku! Mukhang seryoso ah?" Bumuntong hininga ako. Buti nalang, wala dito ang dalawang baliw kaya walang tatawa sakin.

"Bro, kelan mo malalaman kung may gusto kana sa isang babae?" Saglit na magisip sya. Oh, diba? Hindi nya ako pinagtawanan.

"Una sa lahat, meron kanang care sakanya." Tumango ako. Fvck! Meron nakong care kay Sydney! Oh fudge! 1 check.

"Oh tapos?" Yun nalang ang nasagot ko.

"Pangalawa, palagi mo syang iniisip king anong ginagawa nya, kahit iba naman ang kasama mo." Takte! Yes, palagi ko syang iniisip. And so?  2, check.

"Ang third, gusto mo palagi mo syang kasama." Ngumiti sya. "Ano? Satisfied?" Tumango ako saka lagok ng alak.

"Sige, salamat." Saka ako tumayo pero hinawakan nya ako. "What?"

"Teka, pinapunta moko dito para tanungin ako nyan?" Tumango ako. "Aish! Sige una nako." Sinuot nya ang cap at shades nya saka umalis.

Humiga ako sa kama at nakipagtitigan sa kisame. Anong nangyayari sakin? Bakit parang bumait ako kay Sydney? Fvck naman!

Ano bang gagawin ko? Iiwasan ko sya? Pero paano? Alam kong mahirap. Kakainin lang ako ng curiosity ko kapag nilayuan ko sya.

Sht! Am I starting to like her?

I'm InLove with a Superstar Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon