Chapter 5: Spare time, breezy time

2.9K 33 0
                                    

Matiyagang naghihintay si Julie sa Voulez-Vous, isang sikat na restaurant sa Makati. Siya ay nakaupo sa dulo ng restaurant na iyon at pinagmamasdan ang mga taong dumadaan sa paligid niya. May mga napapansin siya tulad ng couple na mukhang ngayon palang magde-date at meron din namang mga mag-asawa na tila ba’y nag-cecelebrate ng kanilang wedding anniversary. Hindi mapawi ang ngiti ni Julie dahil sa mga ka-sweetang nakikita niya sa paligid, bigla tuloy niyang namiss si Elmo dahil sa mga ito.

“Bessy!” Mahigpit na niyakap ni Maqui ang matalik niyang kaibigan ng makalapit siya rito.

“Oh my gosh Maq, I miss you so much!”

Niyakap din ni Julie pabalik si Maqui. Hindi siya makapaniwala na matapos ang dalawang taon ay magkikita muli sila ng isa sa mga matatalik niyang kaibigan sa paborito nilang restaurant na kainan. Tinahak na ni Maqui ang Indie Films kung saan nakilala na siya rito ng iba’t-ibang bansa dahil narin sa kabilang siya sa mga pinakamamagaling na aktres sa nabanggit na larangan sa industriya.

“Akala ko hindi ka na sisipot.” Biro ni Julie habang nakangiti.

“Pwede ba namang indyanin kita Juls.” Maqui seated in front of Julie. “So ano order na muna tayo?”

Julie smiled widely and took her seat as well. “Oo syempre naman, kanina pa ako nagke-crave eh.”

“Crave?” Maqui stared at her maliciously. “Wag mong sabihing-”

“Maq, hindi ako buntis okay?” She assured her.

“Hmm.” May pag-aalangang tono sa pananalita ni Maqui. “Blooming ka kaya bessy. Ikaw ha.”

“Anong ako ha?”

“Masyado mo na atang naeenjoy ang sex life Juls.” Natatawang sambit ni Maqui sa kaibigan.

“Maqui!” Nanlaki ang mata ni Julie at tiningnan niya kaagad kung may nakakarinig sa kanilang dalawa. “Ano ka ba Maq, mamaya may makarinig sa’yo sabihin pa nila-”

“Bakit? Mag-asawa naman kayo ni Elmo ah.” Tinaasan ni Maqui ng kilay si Julie. “Wag mong sabihing hindi kayo nag-se-”

Mabilis na tinakpan ni Julie ang bibig ni Maqui upang hindi na ito makapagsalita pa.

“Maq, ano ba. Para ka talagang sira.” Natatawang sambit niya. “Hindi ako buntis, though yes-” lumapit si Julie sa harapan ng kaibigan para ipagpatuloy ang sinasabi niya. “Tama ka, I’m really enjoying it.” She uncovered Maqui’s mouth and moved back to her seat. “Happy?”

“Hindi ka talaga buntis?” May masliyang sambit parin ni Maqui sa kaibigan. “Kasi kung magbubuntis ka ngayon sayang ang stardom mo, alam mo naman yang asawa mo mas maselan pa sayo kapag nagbubuntis ka. First trimester mo palang pinagki-quit ka na sa trabaho.” She chuckled. “Elmo is so vulnerable when it comes to you.”

“Thank for the concern Maq pero hindi talaga ako buntis. I have been using-”

Forevermore Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon