Epilogue: Part Two

3K 51 3
                                    

“Mommy! Daddy!”

Biglang napabalikwas si Julie sa kanyang pagkakahiga ng marinig niya ang sunod-sunod na pagkatok ng mga anak nila sa pinto. Hawak-hawak niya ang kumot na nakatakip sa kanyang dibdib nang bigla siyang higitin ni Elmo papabalik sa pagkakahiga nila kanina.

“Chill baby.” Nakangiting sambit ni Elmo habang tinitingnan niya ang kanyang asawa na tila ba’y nagtataka sa ginagawa niya.

“Chill ka dyan.” Bumangon muli si Julie upang abutin ang robe niya na nasa tabi ni Elmo.

“Ang bigat.” He joked.

“Ewan ko sayo-” She snobbed. “Paabot nga ng bathrobe ko.”

“Bakit maliligo na tayo?” He said naughtily.

“Tigilan mo nga ako Elmo, kunin mo nalang kasi.”

“Paano kung ayoko?”

“Ayaw mo?” Inayos ni Julie ang pagkakaupo niya sapat para makabwelo sa pagkurot sa tagiliran ng kanyang asawa. “Kukunin mo o hindi?” Natatawang sambit niya habang pinipigil at tinitiis ni Elmo na hindi sumigaw. “Isa.” Banta pa niya.

“Oo ito na-” Mabilis niyang inabot kay Julie ang bathrobe na hinihingi nito. “Kapag ito nagkasugat papagalingin mo ‘to ng kiss.”

“Hindi magkakasugat yan, balat kalabaw ka naman.” She giggled while she was putting her robe on.

“Kung kalabaw ako, alimango ka naman. Sipit ng sipit.” He murmured.

“May sinasabi ka Elmo?” Sambit ni Julie habang nakataas ang kilay nito.

“Wala no, nagha-hallucinate ka na naman.” He chuckled.

“Magbihis ka na dyan, mamaya sabihin pa ng mga anak mo-”

“Sasabihin ko sa kanila nirape ako ni mommy doo kagabi.” Natatawang sambit niya habang nagsusuot siya ng v-neck na t-shirt at spongebob na boxer shorts na iniregalo sa kanya ng kanyang asawa two months ago.

“Sino kaya ang rapist sating dalawa.” Natatawang sambit din ni Julie habang hinahantay niyang makapagbihis si Elmo.

“Oh ayan oh, mamboboso pa.” Pabirong sambit niya ng mahuli niyang sumulyap sa kanya si Julie.

“Ha-ha! Funny.” She said sarcastically.

“Magbihis ka na.”

“Mamaya na.”

“Magbibihis ka o ako magbibihis sayo?”

“Oo na nga.” Pumunta si Julie sa lugar kung nasaan ang maleta niya upang kumuha ng sando at shorts. Bago siya tuluyang pumasok sa loob ng comfort room ay nilingon niya muna ang kanyang asawa na nakatingin din sa kanya. “Buksan mo na ‘yung pinto.”

Forevermore Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon