Chapter 28: Beyond the borderline

2K 24 0
                                    

Hiniram muna ni Maxene ang kotse ni Julie kung kaya ay si Stephen, ang boyfriend ni Maqui na direktor, ang siyang naghatid sa kanya upang makauwi siya sa bahay nila.

Nakatingin lamang sa labas ng bintana si Julie. Lumilipad ang isip niya habang nagmamasid siya sa mga nadadaanan nilang istraktura. Nang mapansin ni Maqui na may kakaiba kay Julie ay kaagad niyang nilingon ang kanyang kaibigan upang kausapin ito.

“Bessy kanina ka pa ata tahimik dyan.”

Nawala ang pagmumuni-muni ni Julie ng marinig niya ang malambing na boses ni Maqui. “Ah wala bessy, pagod lang siguro ako.”

“Pagod? Eh wala ka ngang ginawa kanina sa restaurant kundi ang tumingin sa malayo.” Tiningnan niya rin ang tinitingnan ni Julie sa labas ng bintana. “Hindi ka pa ba nagsasawa sa mga buildings na yan? Halos araw-araw mo yang nakikita di ba?”

“Bawal tumingin Maq?” She joked.

“May problema ka ba Juls?” nag-aalalang sambit nito sa kaibigan.

“Ako?” Julie pointed to herself.

“Hindi bessy, baka ako.” Maqui said seriously.

Ngumiti si Julie upang maitago niya kay Maqui ang kanyang problema. Ayaw niyang masira ang araw nito dahil lamang sa problema nila ni Elmo kung kaya’y minabuti niya na lamang na sarilinin ang problema nilang mag-asawa. “Wala naman akong problema, pagod lang talaga ako.”

“Okay sabi mo eh.” Maqui smiled as well. “Pagdating mo sa inyo, magpahinga ka na. Wag ka ng makipaglaro sa asawa mo ng hide and seek, ipagpabukas mo nalang yan.”

“Maqui!” Nahihiyang sambit ni Julie dahil obviously, naririnig ni Stephen ang pinag-uusapan nilang dalawa.

“What? Concerned lang naman ako sayo.” Umayos ng upo si Maqui. “But seriously Julie, magpahinga ka na, feeling ko may sakit ka.”

“Sana nga sakit nalang.” She muttered.

Humarap muli si Maqui kay Julie. “Anong sabi mo?”

“Wala, sabi ko may sakit nga yata ako.”

***

Nang makapasok na si Julie sa bahay nila ay nanibago siya sa katahimikan na nadatnan niya, wala kasi ang dalawa niyang anak na palaging sumasalubong sa kanya sa tuwing siya’y darating. Isang kasambahay lamang ang natira sa loob ng kanilang bahay dahil pinasama niya kay Maxene ang personal yaya ng mga anak niya upang hindi ito mahirapan sa pag-aalaga kay Sophie at Lance.

Kaagad na siyang dumirecho sa kwarto nila upang siya’y makapagpalit na, tiningnan niya muna ang oras bago siya tuluyang mahiga sa kama. Alas-diyes na ng gabi ngunit wala parin si Elmo, gusto man niyang tawagan ito pero mas nangingibabaw ang galit niya rito kaya hindi na lamang niya iyon ginawa.

“Masanay ka na Julie, mamaya pa ang dating nun. Itulog mo nalang yan.” Sambit ni Julie sa kanyang sarili habang inaayos niya ang kanyang unan.

Ikot dito. Ikot doon. Halos mag-aalas-dose na ngunit wala parin ang kanyang asawa, ni tunog ng makina ng kotse nito ay hindi parin niya naririnig. Galit man siya kay Elmo pero hindi parin maiaalis sa kanya ang pag-aalala lalo pa’t alam niyang napapadalas na ang pag-inom nito kasama ang kanyang mga kaibigan.

“Papatayin mo talaga ako Elmo sa pag-aalala.Nakakawala ka na talaga ng pasensya.” Sinubukang ipikit ni Julie ang kanyang mga mata pero wala parin talaga. Iniisip niya kung nasaan na si Elmo, anong ginagawa nito at kung kumain na ba ito ng dinner.

“Sh*t naman oh!” She said exasperatingly.

Nagising si Julie ng may maramdaman siyang kakaiba. Hindi na niya namalayan pa na nakatulog na siya sa kakahintay sa pagdating ni Elmo. Nagulat siya ng maramdaman ang labi ng kanyang asawa habang hinahalikan siya nito ng madiin. Without a doubt, Elmo was taking advantage of her while she was asleep.

Mabilis siyang umupo para putulin ang paghalik sa kanya ni Elmo, sinampal niya ito dahil ramdam niya na hindi tama ang ginawang iyon ng kanyang asawa.

“Ano bang pumapasok dyan sa isip mo ha?” Inis na sambit ni Julie habang tinitingnan niya si Elmo na pulang-pula na dahil sa kalasingan nito.

“Julie hayaan mo nalang ako.”

“Anong hayaan? Nasisiraan ka na ba?”

“Hindi ko itinuloy ang plano kong pambababae kasi narealize ko na tama si Niel, dahil alam kong kaya mong ibigay ang mga bagay na kailangan ko.” He paused. “Dahil alam kong ikaw lang ang babaeng mahal ko, ikaw lang at wala ng iba. Tapos ngayon inaayawan mo ako?”

Nagpantig ang tenga ni Julie ng marinig niya iyon mula kay Elmo. Sinampal niya ang kabilang pisngi nito, and this time mas malakas iyon kesa sa naunang sampal niya.

“I’m not your toy Elmo, I’m your wife!” She was shaking. “I’m your wife!” She repeated.

“I’m getting tired from all the talk.” He said and in few long strides, he had grabbed her and kissed her forcefully.

“Elmo ano ba nasasaktan ako.” She’s trying to push him off her as hard as she can. His arm snaked around her waist, while the other hand grabbed the back of her neck, forcing her lips against his. “I said stop!” She successfully detangled herself to him and started to run towards the door. But she only managed to grab the door knob as Elmo grabbed her waist, causing her to yelp in pain.

She was pulled once again close to him, her back is pressed against his chest; both of his arms are wrapped around her waist. “I want you.” He paused. “I need you.” She heard him whisper before kissing the length of her neck. She struggled violently but he only tightened his grip on her while he continued to kiss, kiss and kiss the sensitive part of her neck.

“Elmo please let me go, lasing ka.” Hindi na napigilan ni Julie ang umiyak dahil sa ginagawa sa kanya ng kanyang asawa. She was too weak to get rid of him and the only way that she could thought of was to please her husband to let her go.

Natigil sa ginagawa niya si Elmo ng marinig niya ang pag-iyak ni Julie. Dahan-dahan siyang lumayo mula sa kanyang asawa, isinandal niya ang likuran niya sa pader habang hindi niya pinuputol ang tingin niya kay Julie.

“Gusto mo ba maging ganito na tayo habang buhay, ito ba ang gusto mo?” nangingiyak-ngiyak na sambit ni Elmo.

“Elmo wag mo akong sisihin sa mga bagay na ikaw ang may gawa.” Inayos ni Julie ang damit niya habang patuloy parin ang pagtulo ng kanyang luha mula sa kanyang mga mata. “Hindi na kita kilala.”

Lumapit muli si Elmo kay Julie upang hawakan ang kamay nito. “Halika, matulog nalang tayo.”

“Ayoko!” Naiinis na hinila ni Julie pabalik ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Elmo rito. “Kung gusto mong matulog, dyan ka sa kama.”

“At saan ka naman matutulog?”

“Sa guest room.” She breathed in. “Tatabi lang ako sayo kapag kaya mo ng ibalik ‘yung Elmo na pinakasalan ko.” Pinunasan niya ang mga luhang nasa kanyang pisngi “Yung Elmo na nirerespeto ako.”

Idinabog ni Julie ang pintuan ng kwarto nila ng lumabas siya mula rito. Nanumbalik muli ang iyak niya ng makita niya ang pagpatak ng luha ni Elmo bago niya iwan ito. Alam niyang nasasaktan ang kanyang asawa ngunit kung may mas nasasaktan man ay siya mismo iyon dahil wala na siyang ginawa kundi ang ibigay ang lahat ng makakaya niya sa kanyang mga anak at sa lalaking pinangakuan niya ng panghambang-buhay na pagmamahal.

TO BE CONTINUED…

Forevermore Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon