Chapter 24: When problem strikes

2.3K 22 0
                                    

Maagang sumugod si Maqui sa bahay nila Julie, nang makarating siya doon ay hindi niya nakaya ang nakabibinging katahimikang bumabalot sa bahay ng kanyang kaibigan. Aktong papasok na siya sa loob ng bigla siyang salubungin ng isa sa mga katulong nila Julie na daig pa ang nangudngod sa drum ng harina sa sobrang puti ng mukha nito at hindi pa pantay ang pagkakalagay ng blush on sa pisngi nito.

“My gosh!” Nag-pangrus si Maqui. “Yaya naman akala ko kung sinong white lady na ang lumabas sa bahay nila Julie.” Huminga siya ng maluwang. “Kaloka.”

“Wayt lidi? Grabi ka naman mam Maqui.” Patampong sambit nito sa kaibigan ng amo niya na nagiging kabiruan niya sa tuwing bumibisita ito roon.

“White lady yaya, as in ano-” She bit her lips. “Mala-Madonna style. Oha! Ganda mo kaya.”

“Talaga mam? Matutuwa na ba si Dudung nito?”

“Dudung? Sino yun?”

“Si Dudung mam, yung draybir nila ser Ilmu.”

“Ah! Dodong!” Tinapik ni Maqui ang balikat ng kasambahay nila Julie. “Akala ko naman yaya may dugong na sa bahay nila Julie.” She laughed. “Matutuwa yun.”

“Talaga mam?” The maid said happily. “Yis!”

“Opo.” Nagpunas si Maqui ng luha niya dahil sa sobra niyang pagtawa. “Oo nga pala yaya nasaan si Julie? Wala siyang taping today di ba?”

“Yis mam nasa dirti kitsin po siya.”

“Dirti kitsin?” Pinigil ni Maqui ang tawa niya dahil baka hindi na ito sakyan pa ng kasambahay nila Julie. “You mean dirty kitchen yaya?”

“Opo yun, dirti kitsin.” Sambit nito habang nag-aayos ng buhok.

“Ah, I see, sige yaya. Good luck kay Dudung.” She teased Lance’s nanny before she left.

***

Dumirecho na kaagad si Maqui sa dirty kitchen, nakita niya itong nag-aayos ng labahin. Seryosong-seryoso ang kanyang kaibigan sa kanyang ginagawa at mukhang hindi maganda ang mood nito, gayunpaman hindi siya nagdalawang-isip na lapitan si Julie para malaman nitong naroroon siya.

“Huy!” Tinapik niya si Julie ngunit hindi parin siya nilingon nito, tuloy-tuloy parin ito sa paghihiwalay ng mga labahin. “Problema mo?” Hinigit ni Maqui ang isang upuan para makaupo siya sa tabi ng kanyang kaibigan. “Julie.” She added.

“Ano ba Maq?” naiinis na sambit ni Julie kay Maqui.

“High blood lang teh?” Tiningnan niya ang pwetan ni Julie. “Meron ka ba?”

“Wala.” She emphasized.

“Eh bakit ang bitter mo? Ano bang ulam niyo kanina ampalaya?” She teased Julie.

“Maqui wala ako sa mood makipag-biruan ngayon.”

Napakamot sa ulo si Maqui. “Bakit ngaaaaa.”

Inabot ni Julie ang jacket na nasa tabi niya sa kanyang kaibigan.

“Ano ‘to?” Nagtataka si Maqui habang pinagmamasdan ang jacket na kanyang hawak-hawak. “Magreregalo ka nalang galing pa sa labahan, at kay Elmo pa. Ganyan ka na ba kabarat ngayon bessy?”

“Baliw! Tingnan mo kasi yung collar.”

“Oh, anong meron dito?” Sambit ni Maqui habang sinusuri niya collar ng jacket na iyon.

“May lipstick bulag ka na ba?”

“Sus, ikaw lang naman naglagay nyan.”

“Anong ako?” Kinuha muli ni Julie ang jacket mula kay Maqui sabay simangot. “Bessy may ibang babae ata si Moe.” She said worriedly.

Forevermore Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon