Chapter 27: This means war

2.1K 19 0
                                    

Nilalagpas-lagpasan lamang ni Julie si Elmo, pareho silang hindi nag-iimikan. Gustuhin man ni Elmo na kausapin ang kanyang asawa ngunit natatakot siya sa pwede nitong isagot sa kanya dahil alam niya na isang maling galaw niya lang ay mag-aaway na naman sila ni Julie.

Bihis na bihis si Julie, naglalagay ito ng hikaw sa magkabilang tenga niya ng wala man lang kaimik-imik. Samantala, palihim naman na tinititigan ni Elmo ang kanyang asawa habang hindi nito napapansin ang pagmamasid niya sa bawat galaw nito.

“Lapitan ko na kaya? Ay hindi, baka masapak lang ako nyan.” Pag-aalangan ni Elmo habang kinakausap niya ang kanyang sarili. “She’s a tigress.” He added.

Dahil desperado na si Elmo na mapansin siya ni Julie ay tumayo na siya sa kinauupuan niya upang lapitan ang kanyang asawa, sakto naman humarap ito bago niya pa man mahawakan ang braso ni Julie.

Nang dahil sa gulat ay para bang isang makahiya si Elmo na unti-unting tumitiklop. Isinuksok ang kanyang mga kamay sa dalawang bulsa ng walking shorts niya sabay sipol kasabay ang maaliwalas na hangin na pumapasok mula sa bintana ng kanilang kwarto upang hindi mahalata ni Julie ang naunsyaming na damoves niya. 

Hindi parin siya pinansin ni Julie, dire-direcho lamang ito sa closet nila para kumuha ng panibagong bag. Pinalitan ni Julie ang bag na parati niyang ginagamit dahil bigay iyon ng kanyang asawa sa kanya. Nais niyang iparating kay Elmo na hindi na siya natutuwa sa set-up nilang dalawa at ang pag-iwas at hindi pagkausap dito ang tanging paraan na nakikita niya upang makaramdam si Elmo na ayusin ang kanilang hindi pagkaka-intindihan.

“I know galit ka.” Elmo cleared his throat. “Pero sana naman kausapin mo ako para mapag-usapan natin ‘to.”

Hindi parin umiimik si Julie, ipagpapatuloy niya lamang ang paglipat ng kanyang mga gamit sa isa niya pang bag.

“Uyy.” Dahan-dahan na siyang lumapit kay Julie upang mayakap niya ito ng kahit sandali lamang ngunit mabilis itong lumipat ng ibang pwesto bago pa man siya makalapit dito.

Kumuha na si Julie ng sapatos na maaari niya maipareha sa kanyang suot na blue dress, umasta na lamang siya na siya lamang ang naroroon sa kwarto nila kahit pa kanina pa sunod ng sunod sa likuran niya si Elmo. Dedma kung dedma ang peg niya kay Magalona.

“Aalis nga pala ako mamayang gabi, may gig sila Rocco.” Matapos magsuot ni Julie ng kanyang pair of stiletto ay kaagad niyang hinawakan ang kamay nito. “Hindi mo ba ako pipigilan?”

“Elmo sabihin mo nga, kailan ba kita pinigilan sa mga gusto mong gawin?” She heaved a sigh. Her face was still dull. “Kung yan ang gusto mo, may magagawa pa ba ako para pigilan ka?”

Hinawakan muli ni Elmo ang isa pang kamay ni Julie ngunit kaagad itong bumitaw sa pagkakahawak niya. Kinuha nito ang kanyang bag at dumirecho na sa pinto ng kanilang kwarto ng walang pasubali.

“Teka saan ka ba pupunta at bihis na bihis ka?”

Panandaliang tumigil si Julie ng hindi niya magustuhan ang tono ng pagsasalita ni Elmo. Nilingon niya ito para tingnan mata-sa-mata ang kanyang asawa. “Makikipagkita ako kay Maqui at ihahatid ko yung mga bata sa condo ni Ate Maxx, may angal ka pa?”

“Ako nalang ang maghahatid sa inyo.” He offered.

“Wag na, baka kasi makaistorbo pa kami ng mga anak mo sa GIG mo.” She emphasized.

“Julie-”

“And Elmo, please lang, si Maqui ang maghahatid sa akin pag-uwi ingat-ingat lang sa pagiging impulsive mo baka masapak mo pa ang bestfriend ko ng wala sa oras.” She paused. “Just so-you-know.” Julie said mockingly before she left her husband alone.

***

Nakakabinging ingay, nakakasilaw na mga ilaw, puro usok mula sa mga lalaking naninigarilyo at mga tingin ng mga babaeng nais na may iparating sa kanya. Ito ang halos gabi-gabi ng nakikita ni Elmo sa bar kung saan sila palaging nagpupunta nila Rocco.

Buo na naman ang barkadahan nila, maraming pulutan at beer ang nagkalat sa kanilang lamesa at tulad ng dati pambabae na naman ang inaatupag ng mga kaibigan niya.

“Oh Moe kamusta na kayo ni Julie?” Tanong ni Rocco habang nakikipaglandian siya sa babaeng nakaupo sa kanyang tabi.

“Ayun, nag-away kami kagabi.” Sambit ni Elmo matapos niyang inumin ang natitirang alak sa loob ng boteng hawak-hawak niya.

“Nag-away? Bakit naman?” Enzo interrupted.

“Nasapak ko kasi yung leading man niya, biruin niyo ba naman mga pare nakita ko silang magkayakap at hinahalikan pa ata ni Julie sa pisngi yung Sam na yun.” Kumuha si Elmo ng isang pang bote ng alak.

“Talaga pare? Eh kung gantihan mo kaya si Julie?” Umayos si Rocco ng upo upang makita niya ng maayos si Elmo.

Napakunot ng noo si Elmo. “Anong ibig mong sabihin?”

“Tama!” Enzo butted in again. “Mambabae ka tapos pipicture-an ka namin tapos i-sesend namin yun kay Julie via SMS. Tingnan lang natin kung hindi ka pa makaganti dyan sa asawa mo.”

Pinagbabatukan ni Niel si Rocco at Enzo ng marinig niya ang mga balbal na payo ng mga ito. “Mga ulul ba kayo? Nakita niyo na nga nag-aaway na yung mag-asawa tapos papalalain niyo pa? Palibhasa kasi wala kayong alam sa buhay may asawa.”

“Bakit ikaw Niel may alam ka? Pare-pareho lang naman tayong single ah.”

“Kaya nga ibahin niyo si Moe, hindi siya katulad natin na happy go lucky may asawa’t mga anak yan, tapos ganyan ang mga pinagsasabi niyo?”

“Gusto lang naman naming ipagtanggol si Elmo, anong masama dun?” Enzo argued.

“Rocco, Enzo-” Niel paused. “Walang masamang ipinakisama sa atin si Julie, magpasalamat nalang tayo at pinapayagan niyang makasama natin si Elmo gabi-gabi.”

“Ah basta, Moe-” Tumingin si Rocco kay Elmo. “Mambabae ka para malaman ng asawa mo kung sino ang dapat masunod sa inyo.”

“Moe wag kang makinig dyan kay Rocco, para mo naring sinabi na hindi kayang ibigay ni Julie ang mga bagay na kailangan mo kung maghahanap ka ng ibang babae.” Niel defended his friend’s wife.

Inubos ni Elmo ang bote ng alak na hawak niya habang patuloy parin sa pagtatalo sila Niel, Rocco at Enzo. Namumula na siya dahil sa sobrang pag-inom ngunit itinuloy parin niya iyon hanggang sa maubos na niya ang laman nito. Nandoon man ang pisikal na pangangatawan niya kasama ang kanyang mga kaibigan ngunit hindi niya parin maiwaksi sa kanyang isipan ang lumalalang sitwasyon nilang mag-asawa. He missed Julie so much but it seems like his wife doesn’t care about him… at all.

“Bigyan niyo ako ng babae.” Sabay-sabay na napatingin sa kanya ang kanyang mga kaibigan ng seryoso niyang sambitin iyon matapos niyang ibaba ng may diin ang hawak niyang bote sa lamesa.

TO BE CONTINUED…

Forevermore Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon