Chapter 39: Easing Pain

2.1K 24 0
                                    

Halos hindi na si Julie makahinga sa sobrang pag-iyak niya, hikbi na siya ng hikbi habang sinusubukan niyang tawagan si Rocco. Kalahating oras na siyang nakaupo sa tapat ng entrance door nila at nag-iisip kung paano niya hahanapin si Elmo.

“Hello?” napatayo si Julie ng may sumagot sa numerong tinawagan niya.

“Hello Rocco?”

“Si Enzo ‘to, Julie ikaw ba talaga ‘to? Julie Anne lang kasi nalabas dito sa contact ni Rocco.”

“Oo ako nga Enzo, pwede bang magtanong sayo?”

“Oo naman, ano yun?”

“Nandyan ba si Elmo?”

“Ah! Si Moe? Oo nandito siya, kaso nandun lang siya sa sulok sinusubukan naming kausapin pero badtrip eh, nasita kasi siya nung isang officer malapit dito sa bar.”

“Ha? Bakit daw?” Nag-aalalang sambit ni Julie.

“Sobrang bilis daw kasi magpatakbo tsaka beating the red light pero don’t worry Julie, okay lang siya nabayaran narin namin dapat niyang bayaran.”

“No Enzo it’s not okay-” She paused. “Nasaan kayo ngayon? Gusto ko ng sunduin ang asawa ko.”

“Ah ganun ba Julie? Sige sunduin mo na nga kasi mukhang hindi na siya okay. Itetext ko nalang sayo gamit ang phone ko kasi malolowbat narin si Rocco.”

“Sige Enzo thanks.”

“No problem Julie, ingat ka papunta rito ha?”

“I will, thanks for the concern.” Ibinaba na ni Julie ang cellphone niya at pumasok siyang muli sa kanilang bahay upang kunin ang susi ng kotse niya. Inilock niya muna ang pinto nila bago niya buksan ang gate nila upang mailabas ang kanyang kotse, pagkatapos noon ay isinara niyang muli ang kanilang gate at nagmaneho na sa address na itinext sa kanya ni Enzo.

Nanginginig man ang buo niyang katawan dahil sa panghihina sa walang humpay niyang pag-iyak ay pinilit niya paring magmaneho dahil sa sobrang pag-alala niya sa kanyang asawa.

“Elmo bakit ba kasi kahit anong gawin mo lagi akong nagkakaganito dahil sayo? Nakakainis laging effective ‘yang pagwa-walkout mo.” Napailing na lamang si Julie habang kinakausap niya ang kanyang sarili.

Sa sobrang pagmamadali ni Julie ay bineat niya narin ang red light, fortunately hindi siya kasing malas ni Elmo dahil walang pulis na nakahuli sa ginawa niyang iyon. Wala na siyang pakialam kung sobra na siya sa speed limit basta ang alam niya lang, kailangan niyang makarating sa bar kung nasaan ang asawa niya.

***

“Elmo Magalona.” Umupo sa tabi niya ang isang babae na nakasuot ng sexy black dress habang may hawak itong shot glass na naglalaman ng neon-colored drink. Sinulyapan lamang siya ni Elmo at pagkatapos noon ay ibinalik na muli nito ang atensyon sa iniinom nitong beer. “Suplado ka pala talaga.”

Forevermore Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon