Chapter 44: Unanswered

2.4K 22 0
                                    

“Huy Julie!” Marahang hinampas ni Maqui ang naka-cross arms na kamay ni Julie. Nakatingin ang kanyang kaibigan sa panganay na anak nito na ngayon ay sumasabak na sa madugong workshop sa pangangalaga ni Direk Gina Alajar.

“Maq-” namomroblemang tumingin si Julie kay Maqui. “Sa tingin mo ba tama ‘tong desisyon ko na papasukin si Sophie sa showbizness?”

“Julie-” She wrapped her arms around her bestfriend. “Si Sophie naman ang may gusto niyan, tsaka nasa dugo niyo na ang pag-aartista. Anong ineexpect mo sa mga anak mo? Malamang susundan nyan mga footsteps niyo.” She paused. “Sayang ang lahi niyo kung hindi mo ishe-share sa madla.” Natatawang sambit ni Maqui habang tinitingnan niya ang walang emosyong mukha ng kanyang kaibigan.

Muling tiningnan ni Julie ang anak niya na ngayon ay halos humagulhol na sa pag-iyak. “Naaawa na kasi ako sa kanya Maq, kanina pa siya pinapaiyak ni Direk Gina halos madehydrate na ang anak ko.”

“Sira, hindi lang talaga sanay umiyak si Sophie kaya feeling mo nahihirapan na siya.”

“Ayoko kasing nakikitang umiiyak mga anak ko Maq, kaya nga kahit sagad sa buto na ang kakulitan nila pinipilit ko paring maging pasensyosa.” She heaved a sigh.

“Eh teka nga pala bessy, alam ba ni Elmo na mag-aartista na si Sophie?” humiwalay si Maqui sa pagkakayakap niya kay Julie upang makausap ito ng maayos.

Muling tiningnan ni Julie ang kanyang kaibigan sa mga nito. “Ayoko na muna siyang pag-usapan Maqui.”

Sinubukang pigilan ni Maqui ang kanyang tawa ngunit huli na ng gawin niya iyon. Natawa na siya dahil sa sagot sa kanya ni Julie na dinaig pa ang ampalaya sa kapaitan. “Taray ha! May paganyan-ganyan ka ng nalalaman ngayon. Defensive ka masyado friend.” She laughed.

“Eh kasi naman Maqui, stress na nga ako dumadagdag ka pa.”

“Ang mahirap kasi sayo ja masyado kang seryoso sa buhay mo, minsan kaya try mo magsaya. Tulad ng ginagawa ni Elmo, mag-bar ka rin!” pang-aasar ni Maqui sa kanyang kaibigan.

“Alam mo Maq, ibibigay ko nalang ang spare time ko sa mga anak ko kesa ubusin sa bar.”

“Bumi-bitter ka ha. Infairness.” She was still teasing Julie.

“Whatever.” Inalis na lamang ni Julie ang kanyang tingin kay Maqui upang hindi na siya nito asarin pa. Tiningnan niya na lamang ulit ang anak niya na ngayon ay nakangiti na habang kausap si Direk Gina.

“Wait, sino nga pala ang manager ni Sophie? Si Tita Pia?”

Mabilis na umiling si Julie. “Hindi pwede kay mommy, malalaman lang ni Elmo ‘to baka hindi niya lang patuluyin si Sophie sa pagpasok sa showbizness.”

“Shunga ka pala friend eh.” Sambit ni Maqui habang iniirapan niya ang kanyang kaibigan. “Sino ang maghahandle sa anak mo nyan? Ikaw? Ano namang alam mo dyan?”

“I know Maq-” She looked at Maqui’s face. “May kilala ka bang magaling na handler na pwedeng humawak kay Sophie? Hindi ko kasi alam kung kaya kong pagsabayin ang career ko at pagmamanage sa kanya.” Nag-aaalalang sambit ni Julie.

Forevermore Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon