Chapter 68: Reward

1.8K 26 0
                                    

Nakasandal si Julie sa headboard ng kanilang kama habang abala siyang nagbabasa ng libro. Ang ilaw na nagmumula sa lampshade nila ang siyang tangi niyang kasangga sa pagbabasa. Pangatlong libro na ang binabasa niya ngayon dahil sa kakahintay sa pagdating ni Elmo.

Sandali siyang tumingin sa orasan para i-check kung anong oras na. Mag-aalas-dyes na ngunit wala parin ang kanyang asawa, halos isang oras at kalahati na simula noong itext siya nito na papauwi na ngunit magpasahanggang ngayon ay wala parin ito sa kanilang bahay.

“Ano na kayang nangyari dun?” Ibinalik na lamang muli ni Julie ang atensyon sa binabasa niya upang hindi na siya masyadong mag-alala kay Elmo.

Napatigil siya sa pagbabasa ng biglang bumukas ang pinto ng kanilang kwarto. Kaagad niyang ibinaba sa side table ang libro upang masalubong niya ang kanyang asawa na naaninag niyang nakasimangot habang may hawak-hawak na jacket.

“Kumain ka na?”

“Yes.” Nakasimangot parin si Elmo habang tinitingnan niya ang asawa niyang nakangiti sa kanya.

“Oh bakit ka nakasimagot?”

Ibinaba ni Elmo ang hawak niyang jacket sa gilid ng couch bago niya muling tingnan ang kanyang asawa. “Badtrip kasi yung traffic.”

“What’s new?” She giggled.

“Masyado kasing matagal ngayon, excited pa naman akong umuwi ng bahay kanina.” He pouted.

Lumapit si Julie kay Elmo ng mas malapit pa, hinawakan niya ang batok nito gamit ang kanyang kanang kamay habang hindi niya pinuputol ang patitig niya rito. “Edi hindi ka na excited ngayon?”

“Bakit may dapat ba ako na ika-excite?” Pilyong sambit ni Elmo habang inilalagay niya ang kanyang mga kamay sa magkabilang bewang ni Julie.

“Paano kung sabihin kong may reward sakin ‘yung kasweetan mo kanina sa interview ni Sweet sayo?”

“Nanuod ka?” Gulat na sambit niya.

“Ang daya mo nga eh, bakit hindi mo sinabi sakin na meron kang guesting sa show ni Sweet?”

“Bakit mo pinanuod?”

She raised her eyebrow. “Bakit bawal ba?”

“Eh surprise ko sana yun sayo bukas pag-gising mo.” His forehead wrinkled. “Sinong nagsabi sayo? Patay siya sakin.”

“Si Maqui lang naman.” She said while laughing.

“Kahit kailan talaga ‘yang besftriend mo sagabal sa mga plano ko.”

“Ang sama mo.” Hinampas niya ang braso ni Elmo. “It’s okay, kung ipapanood mo sakin bukas edi sige lang. Hindi ko na naman naabutan yung mga unang tanong sayo eh.”

Forevermore Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon