Kaagad na inuwi ni Elmo sila Lance at Sophie sa bahay nila upang madala niya si Julie sa ospital dahil hindi na siya makapag-hintay pa na marinig sa physician nito na magkakaroon na ulit sila ng bagong anghel sa kanilang pamilya.
Dahan-dahan lamang siya sa pagda-drive habang papunta sila sa ospital kung nasaan ang regular physician ni Julie. Sinusulyapan ni Elmo ang kanyang asawa na nakatingin lamang labas ng bintana ng sasakyan niya. Seryosong-seryoso ito at mukhang may dinadalang problema na hindi niya malaman kung ano kung kaya ay minabuti niya na lamang na hayaan ito upang makapag-isip-isip.
Katulad ng dati, todo alalay si Elmo sa kanyang asawa hanggang makarating sila sa ospital. Kahit na hindi siya iniimikan ni Julie ay patuloy parin siya sa pag-alalay dito. Nang hindi niya na matiis pa ang katahimikan ng kanyang asawa ay napilitan na siyang kausapin ito.
“May problema ba baby?” He gently pulled her closer to his arms as he gazed at her somber face. “May gusto ka bang kainin? how about drink? may masakit ba sayo? Please, wag ka namang tumahimik ng ganyan, kinakabahan ako sayo kapag ganyan ka.”
Julie merely shook her head to serve as an answer at his question. The gloominess on her face was very observable and her quietness made him edgy, to the point that he was already over-thinking.
Hindi na pinatulan pa ni Elmo ang sudden mood swing ng kanyang asawa, imbis na mainis ay mas inintindi niya pa ito dahil alam niyang malaki ang posibilidad na nagdadalang tao si Julie.
He heaved a sigh. “Sige na kung ayaw mo talagang mag-salita, sumusuko na ako. Basta kung may masakit sayo sabihin mo agad sakin ha?” Mahinahong sambit ni Elmo.
Hindi nagsasalita si Julie hanggang sa makarating sila sa office ni Dra. Olga. Umupo sila sa dalawang upuan na naroroon sa harap ng table nito at hinintay ang pagdating ng doktor ni Julie.
“Oh Mr. and Mrs. Magalona, napasugod ata kayo.” Gulat na sambit ni Dra. Olga ng makita si Julie at Elmo ‘pag pasok niya sa kanyang office.
“Dra, ipapa-check up ko po sana si Julie.” He said while he was full-smiling.
Naglakad si Dra. Olga papunta sa table niya upang umupo sa harap nilang dalawa. Tiningnan niya si Julie na ngayon ay medyo kalmado na kung ikukumpara sa mukha nito kanina. “Oh bakit anong meron sa’yo Julie?”
Sinulyapan niya si Elmo bago siya magsalita, tumango lamang sa kanya ang kanyang asawa kasabay ng ngiting nagpapalubag ng kanyang loob kahit papaano.
“Kasi Dra, early this morning dumuwal ako.”
“So you mean positive ka ulit Julie?”
Napakunot siya ng noo ng marinig ang salitang ‘postive’. “Yun nga ang pinagtataka ko doktora, bakit biglaan nalang akong dumuwal?”
“Sinusunod mo ba yung sinabi ko dati sayo?”
Natigilan si Julie ng banggitin iyon ng doktor niya, kaagad siyang tumingin kay Elmo na halatang nagtataka narin sa pinag-uusapan nila. Bigla siyang kinabahan sa maaaring maging reaksyon ni Elmo kung saka-sakaling malaman nito na gumagamit siya ng contraceptive ng patago.
BINABASA MO ANG
Forevermore Book 3
FanficNagsimula ang kanilang kwento sa isang pagkakamali, nagkaroon sila ng anak sa murang edad. Tulad ng ibang buhay mag-asawa dumaan at dadaan pa sila sa maraming pagsubok. Hindi maiiwasan ang tinatawag nilang relationship flaws pero patutunayan nila Ju...