Maagang umuwi si Elmo nang matapos ang taping niya sa bagong afternoon show na ibinigay sa kanya ng GMA Network. Nakuha niya pang dumaan sa isang flower shop malapit sa kanila kahit na hindi pa siya gaanong nakakapagpahinga mula sa kanyang trabaho.
Tulog na ang mga anak niya ng makarating siya sa kanilang bahay. Alam niyang si Julie ang nagpatulog sa mga bata dahil naaamoy niya pa sa mga kwarto nila Sophie at Lance ang pabango ng kanyang asawa.
Inayos niya muna ang higa ng mga ito bago siya tuluyang pumunta sa kanilang kwarto. Nang makapasok siya sa kwarto nila ay naabutan niyang nagbabasa pa si Julie ng magazine habang nakasandal ito sa headboard ng kanilang kama. Kaagad niyang itinago ang hawak-hawak niyang boquet ng bulaklak sa kanyang likuran matapos niyang saraduhan ang pinto.
“9pm na, bakit gising ka parin?”
Napatingin sa direksyon ni Elmo si Julie ng marinig niya ang boses nito.
“Bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag ko?” nagtatampong sambit ni Julie habang inilalagay niya ang magazine sa side table na nasa tabi ng kanilang kama.
“Kasi miss bubbly nalowbatt ako.” Hinalikan niya muna ang noo ni Julie bago siya umupo sa tabi nito.
She crossed her arms. “Lowbatt daw.”
“Oo nga.” Nakangiting sambit ni Elmo. “Gusto mong tingnan ‘yung phone ko?”
“Joke lang!” Mabilis na hinalikan ni Julie ang labi ni Elmo bago tuluyang makipagtitigan muli sa kanyang asawa. “I miss you Mosey boy.”
“Mosey boy?” natatawang sambit ni Elmo habang tinitingnan niya ang irresistable charm ni Julie.
“Ang cute kayang pakinggan.” She giggled. “Anyway kumain ka na ba?”
“Ikaw kumain ka na ba?”
“Yup, sabi mo kasi wag na kitang hintayin para sa dinner kaya sumabay na ako sa mga bata.”
“Good.” He smiled.
“Eh teka bakit parang hindi mo sinagot ang tanong ko?”
“Kumain na ako, don’t worry.”
“Are you sure?”
“Yes.”
Inayos ni Elmo ang pagkakahawak niya sa boquet ng bulaklak upang hindi pa muna iyon makita ni Julie ngunit nagkamali siya sa ginawa niyang iyon dahil mas nakuha nito ang atensyon ng kanyang asawa.
“Ano ‘yang nasa likod mo?”
“Wala.”
Binigyan ni Julie ng kakaibang tingin ang kanyang asawa upang ilabas na nito ang kung ano mang itinatago nito sa kanya. “Elmo.”
BINABASA MO ANG
Forevermore Book 3
FanfictionNagsimula ang kanilang kwento sa isang pagkakamali, nagkaroon sila ng anak sa murang edad. Tulad ng ibang buhay mag-asawa dumaan at dadaan pa sila sa maraming pagsubok. Hindi maiiwasan ang tinatawag nilang relationship flaws pero patutunayan nila Ju...