Nang iminulat ni Julie ang kanyang mga mata ay tumingin kaagad siya sa kanyang kaliwa upang tingnan kung naroroon sa tabi niya si Elmo. Napasimangot kaagad si Julie ng hindi niya makita ang kanyang asawa sa pagmulat ng kanyang mata, bahagya niyang iniangat ang katawan niya upang sumandal sa headboard ng kama. Nag-cross arms siya dahil sa pagkadismaya sa sama ng kanyang loob.
“Sinabi ko naman sa kanya na gusto ko every morning kong makikita ang smile niya pero hindi niya yun ginawa ngayon. I hate him!” inis na sambit ni Julie ng biglang bumukas ang kanilang pintuan.
Nakangiting pumasok si Elmo habang inaalalayan niya ang bed tray na kanyang hawak-hawak at habang may kagat-kagat siyang white rose sa kanyang bibig. Halos isang na simula noong nakalabas si Julie sa ospital at simula rin ng araw na iyon ay ininda na ni Elmo ang maselang pagbubuntis ng kanyang asawa at ang galit nito sa kanya.
May mga gabing ayaw nitong katabi si Elmo sa kanyang pagtulog ngunit ang request naman palagi ni Julie ay makita niya ang kanyang asawa na nakangiti kada-umaga sa kanya. Dahil dito, wala pang maayos na tulog si Elmo dahil bukod sa kailangan niyang matulog sa guest room nila ay kinakailangan niya ring siguraduhin na gigising siya ng maaga upang makalipat sa kwarto nila upang makita siya ni Julie sa oras paggising nito.
“What’s this?” gulat na sambit ni Julie habang naglalakad papalapit sa kanya ang kanyang asawa.
Ibinaba kaagad ni Elmo ang bed tray na naglalaman ng breakfast in bed ni Julie sa ibabaw ng legs nito na natatakluban parin ng kanilang blanket. Pagkatapos noon ay kinuha niya ang white rose na kanyang kagat-kagat upang iabot iyon kay Julie habang nakalock ang tingin nila sa isa’t-isa.
“Good morning baby.” He leaned forward to kiss his wife’s forehead for a little while. “I love you.”
“I love you na naman? Hindi ka pa ba nagsasawa?”
“Bakit naman ako magsasawa kung ‘yun naman talaga ang nararamdaman ko?”
Napangiti lang si Elmo ng tarayan na naman siya ni Julie. Kahit anong taray na gawin sa kanya ng kanyang asawa ay wala itong epekto dahil moody si Julie sa first trimester ng pagbubuntis nito.
“Mahal kita Julie pero hindi ko hinihingi na paniwalaan mo ako.” He smiled again. “Ang gusto ko lang ay malaman mo na hindi ka mawawalan ng magmamahal sayo hangga’t nandito ako.”
“Sus, para namang totoo yan.” Pinigil ni Julie ang kanyang pag-ngiti.
Sumandal din si Elmo sa headboard ng kama at dahan-dahang dumamoves sa pamamagitan ng paglagay ng kanyang kanang kamay sa balikat ni Julie. “Alam mo ba may interview ako kahapon, the reporter asked me ‘Sino si Julie sa buhay mo?’Tapos hindi ako sumasagot.” He giggled.
“Thank you sa pagkwento ha.” Umurong si Julie ng kaunti papalayo kay Elmo.
“Hindi pa kasi tapos-” Hinigpitan ni Elmo ang pagkakahawak sa braso ni Julie. “Syempre, he repeated his question again, he said, ‘Mr. Elmo Magalona, sino nga ba si Julie sa buhay mo?’”
“Anong sinabi mo?”
“Without a glimpse, I replied to him-“ He paused. “Si Julie? Siya ang buhay ko.” Sambit ni Elmo ng may ngiti sa kanyang mga labi.
BINABASA MO ANG
Forevermore Book 3
Fiksi PenggemarNagsimula ang kanilang kwento sa isang pagkakamali, nagkaroon sila ng anak sa murang edad. Tulad ng ibang buhay mag-asawa dumaan at dadaan pa sila sa maraming pagsubok. Hindi maiiwasan ang tinatawag nilang relationship flaws pero patutunayan nila Ju...