Kakatapos pa lamang ng madugong commercial shoot ni Elmo para sa bagong produkto ng isang sikat na brand ng body spray na malapit ng ilabas sa market. Nagbihis na siya kaagad ng damit upang siya’y makabili na ng ipinagbibiling mango cheese cake ni Julie sa kanya.
Ngunit sa kanyang paglabas ay hindi niya inaasahang makita sina Rocco, Niel at Enzo na matiyagang naghihintay sa kanya sa main lobby ng building na iyon.
Kaagad siyang lumapit sa mga ito upang batiin ang kanyang mga kaibigan. “Mga pare, anong ginagawa niyo rito?”
“Grabe pare, ‘yan ba ang tamang tanong saming mga kaibigan mo na almost five hours ng naghihintay sa’yo?” patampong sambit ni Niel.
“Hindi naman sa ganun pare.” He paused. “Oo nga pala paano niyo nalaman na nandito ako ngayon?”
Magkaka-sabay na tumingin si Enzo at Niel kay Rocco upang maiparating kay Elmo na ito ang naging daan nila upang matunton ang mailap na kaibigan nila.
“Oh bakit ako?” Batikos ni Rocco nang tinitingnan siya ng mga kaibigan niya.
“Teka nga, sabihin niyo nga sakin kung bakit kayo nandito.” Elmo said calmly.
“Moe, iiinvite ka lang sana namin na pumunta sa bar ngayon.”
“Bar?” His forehead wrinkled. “Pasesnsya na mga bro pero hindi ako pwede ngayon. May utos pa si misis na kailangan kong sundin.”
“Alam mo Moe nagbago ka na.” Neil exhaled. “Dati-rati naman isang yayaan lang namin sayo, sasama ka na kaagad pero ngayon, kailangan pa ng pilitan para sumama ka lang.”
“Oo nga Moe, simula nung nag-asawa ka, nakalimutan mo ng mag-enjoy kasama kami.” Enzo silenced. “Hindi naman sa against kami kay Julie, alam mo kung gaano kami kaboto sa asawa mo pero Moe, for once, sana matuto ka namang lumabas sa comfort zone mo. Masyado ka ng nagpapaka-tatay.” He added.
Nginitian ni Rocco si Elmo. “Pagbigyan mo na kami Moe, minsan lang naman. At pinapangako namin sayo na hinding-hindi mo ‘to pagsisisihan.”
Nag-isip sandali si Elmo habang pinagmamasdan niya ang kanyang mga kaibigan, matagal-tagal narin simula noong huli silang nagsama-samang apat at aminin niya man o sa hindi ay namimiss niya ring kasama ang mga ito.
“Sige na, sige na.” Sabay-sabay nag-ngitian ang kanyang mga kaibigan ng marinig nilang pumayag na si Elmo sa kagustuhan nila. “Magpapa-alam lang ako kay Julie.”
Hinigit nila si Elmo papunta sa elevator upang makalabas na sila ng building na iyon. “Wag na, I’m sure na maiintindihan ka naman ni Julie.”
***
Nasa isang private room si Elmo kasama ang mga kaibigan niya, halos punuin na ng mga ito ng alak ang buong lamesa sa kwartong iyon. Inom dito, inom doon ang ginagawa nila Enzo, Niel at Rocco habang si Elmo naman ay hindi mapakali sa kanyang kinakaupuan habang tinititigan ang cellphone niyang nakapatay.
“Oh Moe.” Naalis ang tingin ni Elmo sa kanyang cellphone nang bigyan siya ng shot glass ni Enzo.
“Salamat pare.” Inabot niya ang shot glass mula kay Enzo at ininom ito.
“Oo nga pala Moe, kamusta na kayo ni Julie?” Tanong ni Niel habang ngumunguya ito ng kanilang pulutan.
“Ayos naman pare, medyo wala na kaming problema.”
“Sino ba naman ang magkakaproblema kay Julie eh perfect wife na yun.” Napangiti lamang si Elmo ng purihin ni Enzo ang kanyang asawa.
“Balita ko nagwo-work yung loveteam nila ni Sam ah.” Dagdag pa ni Niel.
“Iba parin ang chemistry ng loveteam namin.” He mumbled.
Nagtawanan sila Rocco ng makita ang pagbabago sa ekspresyon sa mukha ni Elmo. “Naje-jelly!” They said in unison.
“Mga siraulo.” He chuckled. “Kayo naman ang magkwento tungkol sa mga buhay niyo.” He changed their topic.
***
Masayang nagke-kwentuhan ang kanilang barkadahan, ni hindi na nila napansin pa ang oras sa sobrang sarap ng kanilang kwentuhan. Panay ang kanilang asaran at pagbalik sa mga karanasan nila noong sila ay mga bata pa nang biglang may pumasok sa pribadong kwartong kanilang kinuha.
Napatigil si Elmo sa pag-inom ng makita niya ang apat na babae na papalapit sa kanila. Kaagad niyang tiningnan ang mga kaibigan niya ngunit ngiti lamang ang isinagot ng mga ito sa kanya.
“Friname-up niyo ako.” He said infuriatingly. “Akala ko ba mag-iinom lang tayo?”
Inayos ni Enzo ang kanyang pagkakaupo ng sandaling nilapitan na siya ng isang pagka-ganda gandang babae. “Relax Moe, babae lang yan.”
“Babae din ang asawa ko Enzo, kung gusto niyong mangbabae wag niyo akong idamay. Mapapatay ako ni Julie nito.” Nag-aalalang sambit ni Elmo habang tinitingnan siya ng babaeng nakaupo sa kanyang tabi.
“You want to play some game Sir?” The lady said seductively while she was touching Elmo’s robust body.
Hinubad ni Elmo ang kanyang jacket at inilagay iyon sa gilid ng upuan niya. “Pasensya na miss pero hindi ako mahilig makipaglaro sa ibang babae.” Ipinakita niya ang kanyang singsing sa babaeng nasa tabi niya. “I’m happily married and I don’t want you to ruin our marriage.” Tumayo siya upang ayusing ang kanyang t-shirt. “Excuse me.”
Hindi na lamang pinansin nila Rocco si Elmo ng lumabas ito, halatang parehong badtrip si Elmo at ang babaeng iniwan niya sa loob ng kwartong iyon. Masyado ng abala sila Rocco sa mga babaeng kasama nila ng bumalik si Elmo para kunin ang jacket at ang cellphone niya upang siya’y makauwi na.
Nakahinga na siya ng maluwang ng wala ang babaeng nang-aakit sa kanya ng siya’y makabalik. Tinapik niya ang mga balikat ng mga kaibigan niya upang magpaalam sa mga ito na aalis na siya. Tumango naman ang mga ito sa kanya, at dahil busyng-busy na sila Enzo ay hindi na siya nag-atubili pa na umuwi.
***
Mistulang akyat bahay gang si Elmo habang dahan-dahan siyang naglalakad papapasok sa kanilang kwarto. Hindi na niya binuksan pa ang ilaw at kaagad na siyang nagpalit ng pantulog na damit upang makahiga na siya sa tabi ni ng kanyang asawa.
He was still moving stealthily while he was lying on their bed.
“Bakit ngayon ka lang?”
Nanigas ang buong katawan ni Elmo ng marinig niya ang boses ni Julie. Hindi siya kaagad nakapagsalita dahil ramdam niya na nakatingin sa kanya si Julie kahit na hindi niya maaninagan ang mukha nito.
“Bakit gising ka pa?”
“Obvious ba? Malamang hinahantay kita.” Umupo si Julie upang sumandal sa headboard ng kama nila. “Bakit ka nga pala amoy alak ka?”
Yumakap si Elmo kay Julie. “Baby bukas nalang natin pag-usapan ‘to please, pagod na ako.”
“Kung pagod ka, mas pagod ako kakahintay sayo.” Naiinis na tinanggal ni Julie ang pagkakayakap sa kanya ni Elmo at tuluyan na siyang tumayo. “Kausapin mo nalang ako kapag may naisip ka ng palusot Magalona.”
Napaupo si Elmo ng marinig ang yabag ng mga paa ni Julie. “Saan ka pupunta? Halika na rito, matulog na tayo.”
Hindi na umimik pa si Julie at nagpatuloy na sa paglabas sa kanilang kwarto. Napabuntong hininga nalang si Elmo ng iwan siya nang kanyang asawa ng mag-isa, dahil sa pagod, hinayaan niya na lamang si Julie at nagdesisyon ng matulog kahit wala sa tabi niya si Julie sapagkat alam niya na babalik din ito sa kanyang tabi.
TO BE CONTINUED…
BINABASA MO ANG
Forevermore Book 3
FanfictionNagsimula ang kanilang kwento sa isang pagkakamali, nagkaroon sila ng anak sa murang edad. Tulad ng ibang buhay mag-asawa dumaan at dadaan pa sila sa maraming pagsubok. Hindi maiiwasan ang tinatawag nilang relationship flaws pero patutunayan nila Ju...