Kinapa ni Elmo ang kama nila habang siya ay nakapikit. Dahil wala siyang maramdamang katabi ay hindi na siya nagdalawang-isip pa na imulat ang kanyang mga mata. Wala si Julie sa kanyang tabi. Masakit man ang ulo niya ay hindi na siya nag-atubili pang tumayo upang gawin ang kanyang morning rituals bago siya tuluyang bumaba upang hanapin ang kanyang asawa.
Napangiti siya ng makita niyang nagkakape si Julie sa kanilang sala habang abala ito sa pagtingin sa kanyang cellphone. Dahan-dahan siyang lumapit at umupo sa tabi nito para makahingi siya ng sorry sa kanyang asawa.
“Good morning baby.”
Julie didn’t act in response.
“Galit ka pa?” Nilambing ni Elmo si Julie sa pamamagitan ng sunod-sunod na paghalik sa balikat nito ngunit hindi parin niya nakuha ang atensyon nito. “Julie?”
Kinuha ni Julie ang kape niya sa center table upang ito’y inumin. Hindi niya parin pinapansin si Elmo kahit na nagpapapansin pa ito sa kanya.
“Baby sorry na oh.”
She stood up.
Tumayo rin si Elmo upang pigilan ang asawa niya sa pag-iwas sa kanya. Hinawakan niya ang kamay nito at dahan-dahan niyang hinila papalapit sa kanya si Julie habang nakatalikod ito sa kanya. He wrapped his arms around her and then he kissed her neck. “Sorry na please?”
Tinaggal ni Julie ang mga kamay ni Elmo na nakayakap sa katawan niya, tiningnan niya muna ito ng masama bago niya iniwang mag-isa ang kanyang asawa sa kanilang sala.
“Yung coffee mo.” Pahabol na sambit ni Elmo ngunit hindi na siya nilingon pa ni Julie. “Not again.” He sighed.
***
Sinusulyapan ni Elmo si Julie habang kumakain sila kasabay ang kanilang mga anak ngunit nagmamatigas parin talaga ang kanyang asawa. Alam niyang hindi dapat siya mainggit sa pag-aasikaso ni Julie kay Sophie at Lance pero hindi niya maiwasang hanap-hanapin ang pagkamalambing ng kanyang asawa lalo na kapag oras na ng pagkain.
“Mommy, paabot naman ng adobo.” Sinubukan niyang magpapansin kay Julie habang nandyan pa ang mga anak nila dahil alam niyang ayaw na ayaw ni Julie na nahahalata ng mga anak nila na nag-aaway sila.
“Daddy, malapit na sayo yung adobo kunin mo nalang may kamay ka naman di ba?” She said sarcastically.
“Sige na mommy, ang sakit ng kamay ko oh.” Nagkunwa-kunwarian siyang nasasaktan ang kanyang kamay habang tinitingnan niya ang reaksyon ni Julie.
“Mommy go, kawawa naman po si Daddy asikasuhin niyo na po siya.” Nag-aalalang sambit ni Sophie sa daddy niya.
“Baby, nagjo-joke lang kaya si Daddy.” Nakangiti si Julie sa anak niya habang pahapyaw niyang tinitingnan ng masama si Elmo.
“He’s not joking mommy, look oh.” Nagsakit-sakitan ulit ng kamay si Elmo.
“Okay baby, mommy got it.”
Tumayo si Julie para kunin ang adobong pinapaabot sa kanya ni Elmo. Tumalikod siya sa mga anak nila para hindi makita nito ang mukha niya habang inaabot niya ang adobo kay Elmo. Basta-basta lamang ang pagbigay niya kung kaya’y hindi naiwasang matapon ang sabaw ng adobo sa damit ni Elmo.
“Oops daddy, sorry.” Nang-iinis na sambit ni Julie sa kanyang asawa.
“Okay lang mommy, punasan mo nalang para matanggal ang mantsa.” He smirked.
“Daddy kaya mo na yan.” Pinanlalakihan na ng mata ni Julie si Elmo.
“Hmm. Sophie ano ang laging sinasabi ni mommy sa inyo kapag nakatapon kayo ng food?”
BINABASA MO ANG
Forevermore Book 3
FanfictionNagsimula ang kanilang kwento sa isang pagkakamali, nagkaroon sila ng anak sa murang edad. Tulad ng ibang buhay mag-asawa dumaan at dadaan pa sila sa maraming pagsubok. Hindi maiiwasan ang tinatawag nilang relationship flaws pero patutunayan nila Ju...