Chapter 43: Realization

2.3K 23 0
                                    

Pinapalibutan si Elmo ng magulong crowd. Sayaw dito, sayaw doon. Inom dito, inom doon. Kung isang normal na taong papasok sa ganoong kagulong bar ay hindi niya magugustuhan ang kaganapan doon dahil bukod sa magulo ang bawat sulok ng lugar na iyon ay halo-halo rin ang mga amoy na nagkalat sa buong paligid. Nakakasuka. Nakakasulasok.

Tulala lamang si Elmo habang panay ang tungga niya sa pang-pitong bote ng beer na nasa harapan niya. Hindi niya maipaliwanag sa kanyang sarili kung bakit hindi siya malasing-lasing kahit pa beer na ang kanyang iniinom. Gustuhin man niyang malasing upang makalimutan si Julie ng panandalian ay mukhang malabo naring mangyari dahil nasanay na ang kanyang katawan sa routine na iyon. Itinaas niyang muli ang kamay niya upang maka-order muli ng tatlo pang beer habang inaayos niya ang kanyang pag-upo sa may bar counter.

“Look who’s here.” Pasuray-suray na lumapit si Lauren kay Elmo at umupo sa tabi nito habang may hawak-hawak itong ladies drink. Nilingon siya ni Elmo ng panandalian at pagkatapos ay tumingin na itong muli sa malayo. “Mukhang wala kang planong umuwi sa asawa mo ah-” She smirked. “try mo kaya sa bahay ko.” Lauren joked.

“Lauren wala akong balak makipagbiruan sayo. I’m not in the mood.” Seryosong sambit ni Elmo matapos niyang lunukin ang natitirang liquor sa loob ng boteng hawak niya.

“Alam mo ikaw napakaseryoso mo talagang tao. Ano bang problema mo?”

“Marami Lauren, at ayoko ng dumagdag ka pa dun.”

Napatawa si Lauren ng tarayan siya ni Elmo ng ganoon. “So sweet of you to say Moe, I love you too.” She joked again.

“Lauren pwede ba!” Madiing ibinaba ni Elmo ang bote ng alak na nasa kanyang kamay sabay tingin ng masama kay Lauren. “Kung naghahanap ka ng kabiruan wag ako ang biruin mo.”

“I’m just trying to help you out.” Sambit ni Lauren habang nilalaro niya ang gilid ng basong hawak niya. “I heard hindi raw kayo okay ni Julie.”

“Saan mo naman narinig yan?”

“Edi malamang, sa mga chismoso mong kaibigan.” She rolled her eyes.

“At ano naman sayo ngayon kung hindi kami okay ni Julie?”

“Wala, I’m just concerned.” Sinenyasan ni Lauren ang waiter na bigyan siya ng isa pang inumin bago siya muling tumingin kay Elmo. “Ganyan din kasi ang husband-” She cleared her throat. “Ex-husband ko, nalulong siya sa mga bisyo niya kaya ayun lumala ang pagsasama namin. To the point na ginawa na naming sport ang pagmamahal namin sa isa’t-isa.” She giggled bitterly. “Minsan boxing tapos minsan naman sumo, kung sino ang unang magka-blackeye talo.”

“Pinapayagan mong ganunin ka niya?”

“Syempre hindi, kaya nga paunahan kaming magka-blackeye di ba? Kilala mo ako, hindi ako mahilig magpatalo.”

“Nasaan na ang anak mo? Nakwento sakin ni Julie dati na may baby ka na.”

Napatungga si Lauren ng alak ng tanungin iyon sa kanya ni Elmo. Sandali itong nanahimik bago nakakuha ulit ng pagkakataon na magsalita. Biglang namuo ang luha sa gilid ng mga mata ni Lauren at sa pagkurap ng mata nito ay tuluyan ng pumatak ang mga luhang pinipigilan niya sa pagpatak.

Forevermore Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon