Marami ng tao nang makarating sila Julie at Elmo sa Broadway Centrum, halos hindi na mahulugang karayom ang buong store nila. Dahil pinagkaguluhan sila ng mga taong naroroon ay kinailangan na nila ng bouncers upang sila ay makarating kung nasaan ang buong Magalona clan.
Karga-karga ni Elmo si Lance habang hawak naman ni Julie ang kaliwang kamay ni Sophie. Magkahawak ang kamay nila Julie at Elmo habang sila ay naglalakad sa gitna ng maraming tao na halatang natutuwa na makita ang buong pamilya nila sa unang pagkakataon.
Halata sa mukha ni Sophie ang saya lalo pa’t hindi ito mapakali sa kanyang pag-ngiti sa mga taong bumabati sa kanya. Nang makarating na sila kung nasaan sila Maxene ay sandali muna silang nag-beso sa bawat isa’t-isa.
Maraming flashes at shutters ng camera ang kanilang nakikita’t naririnig. Mayroon ding mga sumusigaw at syempre kinikilig lalo pa ngayon na hawak-hawak ni Elmo ang bewang ni Julie at may ibinubulong ito sa kanyang asawa.
“Ang lakas mo talaga sa mga fans mo, nandito na agad sila?”
“May plano ata talaga silang pumunta rito o baka na-sense na nila na pupunta tayo.” She chuckled.
“Ibang klase ka talaga sa hakutan ng fans, kahit hindi mo sila sabihan nandyan sila.” He smiled. “Yung sakin kaya?”
Bahagyang siniko ni Julie ang tagiliran ni Elmo. “Tse! Eh nandyan na nga sila o ang laki-laki pa ng mga banner.” Tiningnan ni Julie ang mga fans ni Elmo at kumaway sa mga ito. “Ayun oh, SuperElmo Holics at Elmonatics.” She murmured. “Ang dami na nila grabe.”
“Kaya nga tapos may Julielmo Pexers, Julielmo.Inc, Team Mayayaman, Julienation, Team Desperadas, Juliepores, JAdikz at Julie’s Army pa.” Natutuwang sambit ni Elmo habang tinitingnan niya rin ang mga fans nila na naroroon.
“Hay nako, nagbilangan pa kayong dalawa ng fans dyan.” Elmo’s mom laughed. “Anyway, buti naisipan niyong isama sila Sophie at Lance dito.” Kinuha niya ang kanyang cute na apo mula kay Elmo.
“Hay nako mommy, ayaw pa nga ni Elmo kanina pinilit ko lang po talaga.” Binigyan ni Julie ng mapang-asar na tingin ang kanyang asawa.
“Buti nalang talaga Jules ikaw ang naging daughter-in-law ko.” She paused to kiss her grandson’s chubby cheek. “Di ba Lance?” She smiled at her grandson. “Kung wala si mommy walang cute na Lanchi.”
“Ehem!” Elmo cleared his throat. “Parang may kulang ata Ma.”
“Bakit cute ka ba?” Pambabara ng kanyang ina kay Elmo. “Swerte ka lang talaga kay Julie, magpasalamat ka kasi ikaw ang pinili niyang pakasalan.” She joked.
“Ah ganon Ma.” He teased his mom. “Kung hindi kaya kami mag-perform ni Julie ngayon?”
She showed her fist to her son. “Ito gusto mo?”
“Syempre joke lang Mom.” Lumapit siya sa kanyang ina upang halikan ang pisngi nito.
“Sus. Oo nga pala, ano ang kakantahin niyo ngayon?”
“Bestfriend.” They said in chorus.
“Bakit yun?”
“Dun naman talaga kami nagsimula bago maging kami nung high school mommy.” Elmo smiled.
“I see.” Inayos niya ang karga sa kanyang apo. “Oh pa’no simulan na natin ‘to kasi may press people pa mamaya na mag-iinterview satin.” She looked at Elmo and Julie. “And I’m pretty sure kayo ang target nila.”
“Okay lang mommy, wala namang bago sa mga tinatanong nila.” Julie paused for a little while. “Maka-issue lang samin.” She chuckled.
“Precisely!” Napailing siya. “Showbizness talaga.”
BINABASA MO ANG
Forevermore Book 3
FanfictionNagsimula ang kanilang kwento sa isang pagkakamali, nagkaroon sila ng anak sa murang edad. Tulad ng ibang buhay mag-asawa dumaan at dadaan pa sila sa maraming pagsubok. Hindi maiiwasan ang tinatawag nilang relationship flaws pero patutunayan nila Ju...