Ipinahinga muna ni Julie ang sarili niya nang makaalis na si Elmo. Hindi na niya napansin pa ang oras, kinakain na ng dilim ang kwarto niya ng siya’y magising. At ng kunin niya ang kanyang cellphone para tingnan ang oras ay bigla siyang napatayo mula sa pagkakahiga niya dahil lagpas na siya sa oras ng hapunan ng mga anak niya.
“Shit Julie!” sambit niya sa kanyang isipan habang nagmamadali siyang naglakad papunta sa comfort room upang magmumog. Pagkatapos noon ay nanakbo na siya papalabas ng kanilang kwarto para i-check kung nakakain na ang mga anak niya.
“Ma’am!” Napatigil si Julie sa pagbaba ng hagdan ng tawagin siya ng tagapag-alaga ni Sophie.
“Oh yaya, nakakain na po ba si Lance at Sophie?” nag-aalalang sambit ni Julie.
“Ma’am ayun nga po, si Lance kanina pa pinakain ni Inday pero si Sophie po ayaw talagang kumain.” Ipinakita niya sa kanyang amo ang dala-dala niyang tray na naglalaman ng meal ni Sophie. “Kanina ko pa po ako katok ng katok sa pinto niya para alukin siyang kumain pero ayaw niya po talaga akong pagbuksan ng pinto.”
“Ganun ba yaya?” Umakyat muli si Julie mula sa kanilang hagdan upang marating ang kinakatayuan ng yaya ni Sophie. “Sige yaya ako nalang ang bahala, pakikuha nalang yung duplicate key ng room niya, nandun po sa drawer malapit sa play room nila.” Kinuha ni Julie ang tray mula rito at dumiretso na sa kwarto ni Sophie upang subukang pakainin ang kanyang anak.
“Sophie? Baby?” Patuloy parin sa pagkatok si Julie sa pintuan ng kanyang panganay na anak. “Please open the door my angel, hindi ka pa raw nakain sabi ni yaya.”
“I said I don’t want to eat mom!!” Sigaw ni Sophie mula sa loob ng kanyang kwarto.
“Baby bakit ayaw mong kumain? Favorite mo naman ‘tong food na niluto ni yaya ah, fried chicken ‘to oh. Sige ka si mommy ang kakain nito.”
“Go ahead mom, eat that.” Sophie sounded like a spoiled brat.
“Sophia Lorraine, I said open your door!” Hindi na nakapagtimpi pa si Julie ng marinig niya ang pabalang na pagsagot sa kanya ni Sophie.
“I don’t want mom, just go away!”
“Sophie ano ba, bakit ka ba nagkakaganyan?”
“Ayoko sayo mommy! Bad ka!”
“Sop-”
“Ma’am ito na po.” Natigilan si Julie sa pagsasalita ng biglang lumapit sa kanya ang yaya ni Sophie upang i-abot sa kanya ang susi ng kwartong iyon.
“Salamat po yaya, pwede pong pahawak muna nito?” Inabot ni Julie ang hawak-hawak niyang tray sa kasambahay nila upang siya mismo ang magbukas ng pinto ng kwarto ni Sophie.
Madaling nabuksan ni Julie pinto, binuksan niya kaagad iyon upang makita na ang kanyang anak. Nakasandal si Sophie sa headboard ng kama niya at nakasimangot ng makita niya ito. Nagtimpi ng galit si Julie upang hindi na lumala pa ang pagtotoyo ng kanyang anak.
BINABASA MO ANG
Forevermore Book 3
Fiksi PenggemarNagsimula ang kanilang kwento sa isang pagkakamali, nagkaroon sila ng anak sa murang edad. Tulad ng ibang buhay mag-asawa dumaan at dadaan pa sila sa maraming pagsubok. Hindi maiiwasan ang tinatawag nilang relationship flaws pero patutunayan nila Ju...