Ilang linggo narin simula noong maghiwalay si Elmo at Julie. Araw-araw kinukulit ng mga anak niya si Julie ngunit hindi niya magawang saguting ang mga tanong ng mga ito at imbes na sabihin sa mga ito ang tunay na dahilan ay iniiba niya na lamang ang usapan o iginagala kung saan-saan ang mga ito para pansamantalang makalimutan ang daddy nila.
Lalo lamang naiinis si Julie kay Elmo dahil mas lumalala ang pag-iinom nito to the point na may mga article nang lumalabas ukol sa excessive na pag-iinom ng kanyang asawa. May mga pagkakataon na nagkikita sila ni Elmo ngunit ramdam na ramdam niya na nakikipagmatigasan sa kanya si Elmo. Hindi niya hinihiling na suyuin siya nito, ang tanging hinihiling niya lamang ay malaman ni Elmo ang mga bagay na dapat niyang unahin at magising ito sa katotohanan dahil in no time maaaring sirain ng bisyo niya ang kanyang career.
“Mommy kailan po ba uuwi si daddy?” Umupo si Sophie sa tabi ni Julie at humiga sa dibdib ng kanyang ina. “I miss him already.” She pouted.
She wrapped her arms around her daughter as she plays with her hair. “Baby, kasi kami ng daddy mo-”
“Sophie!” Parehong napalingon si Julie at Sophie sa likuran nila ng may narinig silang sumigaw.
“Daddy!!!” Mabilis na tumakbo si Sophie papalapit kay Elmo at kaagad nitong niyakap ang kanyang ama. “I miss you daddy!”
“I miss you too my angel.” Sambit ni Elmo habang yakap-yakap niya ang kanyang anak.
Kaagad na humiwalay si Sophie sa kanyang ama ng naamoy niya na amoy alak si Elmo. “Daddy? Lasing ka po ba?”
“Ako baby? Hindi ako lasing ha.” Sambit ni Elmo habang tinitingnan niya si Sophie.
“Sophie go to your room.” Lumapit si Julie sa mag-ama niya upang kunin si Sophie mula kay Elmo.
“But mommy-”
“I said go to your room.” She said seriously to her daughter.
“Julie let me talk to her please.” Pakiusap ni Elmo kay Julie habang tinitingnan siya nito ng masama.
“No Elmo.” Tiningnan muli ni Julie ang anak niya. “Sophie naririnig mo ba si mommy?”
“Yes mom.” Wala nang nagawa pa si Sophie kundi ang umakyat sa kanyang kwarto tulad ng utos sa kanya ng kanyang ina. Ayaw niya mang iwan ang daddy niya ng mag-isa ngunit pinangunahan siya ng takot dahil unang beses niyang nakita ang mommy niya na kausapin siya ng ganun.
“Elmo ano na naman ba ‘to?”
“Julie please let me go home.”
“Home?” She rolled her eyes. “Nag-eenjoy ka na sa new life mo di ba? Bakit mo pa kailangan na umuwi rito?”
“This is still my house.” He said seriously.
“Okay fine, this is your house. Gusto mong bumalik? Edi sige bumalik ka.”
“Talaga? Hahayaan mo akong gawin yun?”
“Oo bakit naman hindi?” She laughed bitterly. “Pero kapag umuwi ka rito wag mo ng aasahan na titira pa kami ng mga anak mo rito.”
“Alam mo ang daya mo na, anak ko rin naman sila ah.”
“Anak?” She paused. “Elmo kahit ano pa ang gawin mo kahit pag-awayan pa natin ang custody ng mga bata hinding-hindi ko sila ibibigay sayo.”
“Julie bakit mo ba ako ginaganito?”
“Bakit ako ang tinatanong mo nyan? Hindi ba dapat ikaw ang nagtatanong nyan sa sarili mo?” She breathed in. “Ngayon Elmo ibabalik ko ang tanong sayo, bakit kita tinatrato ng ganito?”
“Julie please-” lumapit si Elmo para hawakan ang kamay ng kanyang asawa ngunit nagmatigas lamang ito sa kanya.
“Elmo sinira mo na yung relasyon natin, wag mo naman hayaan na pati ang relasyon mo sa mga bata masira rin. Sa tingin mo ba magiging good influence sa kanila na uuwi ka ng bahay na lasing ka? Sa tingin mo ba makakatulong sa kanila yang mga ginagawa mo?” Huminga ng malalim si Julie. “I had enough Elmo, nakakapagod ng intindihin ka sa mga bagay na hindi ko alam kung paano ka na iintindihin.” She crossed her arms. “At kung sa tingin mo madadala mo ako sa mga ganyang pakiusap mo, well you’re totally wrong. Kasi Elmo tinuruan mo na ako kung paano ka tiisin, kung paano ang mabuhay ng wala ka.” She smirked. “Kinaya ko nga ng one week, several years pa kaya?”
“Please tell me what to do Julie, sabihin mo lang magbabago ako para sayo, sa inyo ng mga anak po.” He was teary eyed. “Bumalik lang kayo sakin.”
“Gusto mo kaming bumalik sayo Elmo?” He immediately nodded. “Pwes patunayan mo kasi habang hindi mo yan napapatunayan hinding-hindi kita papayagan na makalapit sa mga anak mo.” Naglakad siya papalayo sa kanyang asawa.
“Julie, I love you.” Tuluyan ng tumulo ang mga gumigilid na luha sa mga mata ni Elmo. Napatigil naman si Julie sa paglalakad ng sandaling marinig niya iyon mula sa bibig ng kanyang asawa.
“Hindi ko na kayang sagutin yan ngayon Elmo-“ She paused. “dahil hindi ko na alam kung dapat pa ba kitang mahalin at pagtuunan ng pansin.” Pinigilan ni Julie ang kanyang mga luha mula sa pagpatak dahil ayaw na niyang iyakan pa ang lalaking nagbibigay pasakit sa kanya.
She turned herself around in order to face her husband as she was looking at him fearlessly.
“Pwede ka ng makaalis.” She said unemotionally while she was staring at her husband… straight-faced.
TO BE CONTINUED….
BINABASA MO ANG
Forevermore Book 3
FanfictionNagsimula ang kanilang kwento sa isang pagkakamali, nagkaroon sila ng anak sa murang edad. Tulad ng ibang buhay mag-asawa dumaan at dadaan pa sila sa maraming pagsubok. Hindi maiiwasan ang tinatawag nilang relationship flaws pero patutunayan nila Ju...