Chapter 31: Suspicion

2.3K 22 0
                                    

“Ano?! Pinatawad mo ng ganun-ganun lang?!” Napaayos ng upo si Maqui nang hindi siya makapaniwala sa mga ikinwento sa kanya ni Julie tungkol sa problema ng kaibigan niya at ng asawa nito.

“Maq wag mo namang masyadong lakasan ‘yang boses mo-” Itinuro ni Julie ang mga gumagalaw na camera sa harapan nila ni Maqui. “on-going pa ang shoot oh.”

“Eh kasi naman Julie-” Tiningnan niya ng seryoso ang kanyang kaibigan. “’dapat pinahirapan mo pa siya, yung tipong hinayaan mo siyang kumain ng apoy o tumulay sa alambre, hindi yung ganyan na isang chorva lang keri na ulit.” She rolled her eyes.

“Sinabi ko na naman sayo na hindi ko siya pinansin, hindi pa ba yun enough?” Julie said worriedly.

“Magiging enough lang yun kung mare-realize niya ang mga mali niya. Now tell me, natuto ba naman siya sa ginawa niya?”

Hindi kaagad nakapagsalita si Julie dahil alam niyang maaaring magalit sa kanya si Maqui kung sasabihin niya rito ang totoo. At nang hindi na niya natiis pa ang kanyang kaibigan ay hindi na siya nagdalawang isip na sagutin ang katanungan nito.

“Actually-” She heaved a sigh. “Nalabas parin siya kasama nila Rocco pero hindi na ganun kadalas.”

“Naglalasing parin?!”

“Oo pero hindi na ‘yung lasing na lasing.”

“At kinukunsinte mo naman?”

“Ayoko lang pigilan siya sa ginagawa niya Maq, ayokong sakalin siya kaya kahit mahirap mang intindihin ginagawa ko nalang kesa mag-away kaming dalawa.”

Inilapit ni Maqui ang upuan niyan sa tabi ng upuan ni Julie upang mas makita at marinig niya ang kanyang kaibigan.

“Sabihin mo nga Julie, may problema ba kayong mag-asawa?”

“Maq wala nga, as in okay kami.” She looked at her friend. “Teka nga, akala ko ba pumunta ka rito sa taping kasi miss mo ako? Nakiki-chismis ka na ha, reporter lang?” She joked.

“Chismosa na kung chismosa.” Maqui raised her left eyebrow. ”May angal ka sa bago kong trabaho?”

“Ewan ko nga sayo.” Julie chuckled. “Bakit ba kasi parang against ka kay Moe?”

“Julie, hindi ako against sa kanya. Kung against ako edi sana nung kasal niyo palang sumigaw na ako ng ‘itigil ang kasal!’” She crossed her arms. “Ang akin lang kasi, mukhang sinasamantala na ng asawa mo na siya ang kahinaan mo.” She paused. “Tapos ikaw naman ‘tong si Mrs. over sa understanding konting ‘I’m sorry baby’ at ‘I miss you baby’ lang bumibigay na.” She heaved a sigh. “Alam mo bessy, alam ko namang mabait ka eh at alam ko kung gaano mo siya kamahal pero yung magpakatanga ka para sa kanya? Parang sobra na naman ata.” Dismayadong sambit ni Maqui sa kanyang matalik na kaibigan habang nakatingin parin siya sa mga mata nito.

“Maq-” Hinawakan ni Julie ang kamay ni Maqui bago siya sumandal sa balikat nito upang lambingin ang kanyang kaibigan. “We’re okay now, wala ka ng dapat ipag-alala pa at kung mangyayari man yun uli, promise ko sayo papahirapan ko siya ng mas malala pa sa mga sinabi mo kaninang obstacles.”

Forevermore Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon