Chapter 40: Tempting

2.2K 26 0
                                    

Masama ang pakiramdam ni Julie ng siya’y magising. Halos buong gabi siya umiyak upang mailabas ang sakit na nararamdaman niya. Habang siya’y bumaba ng hagdan ay nakita niyang nagkukulitan ang dalawa niyang anak, at tila ba’y napawi ng mga ito ang sakit na nararamdaman niya dahil lamang sa mga tawang naririnig niya mula sa mga ito.

“Mommy!” nagpaunahan sila Sophie at Lance na kalapit kay Julie ng makita nila ang kanilang ina. Niyakap nila si Julie ng mahigpit ng makalapit sila dito sabay sambit ng cute na cute na- “Good evening mommy doo!” Hinalikan nila ng paulit-ulit ang tig-isang pisngi ni Julie ng may halong panggigigil.

“Kayo talagang dalawa-” marahang hinila ni Julie papalapit sa kanya ang dalawa niyang chikiting papalapit sa kanya upang mayakap niya at mahagkan ang mga ito bago siya umalis papapunta sa rehearsal niya para sa party pilinas.

“Mommy bakit ka po nakashades? Wala naman pong araw ah.” Nagtatakang sambit ni Sophie.

“Baby, nairritate kasi ang mata ni mommy kaya I have to wear this thing.” She lied.

“I see mommy, may rehearsal ka po ngayon?”

“Yes my angel, why?”

“Bakit hindi niyo po kasama si daddy? I haven’t seen him, where is he?”

“Ah kiddos late na kasi si mommy, bukas nalang tayo mag-usap. You sleep early okay?” She kissed their foreheads. “I love you soph and lanchi.” Iniba na lamang niya ang usapan dahil hindi niya alam kung papaano maipapaliwanag ang sitwasyon nila ni Elmo sa mga anak nila.

“We love you too mommy!!!”

Nakangiting lumabas ng bahay nila ni Julie, huminga muna siya ng malalim bago siya nagsimulang magmaneho. Lumilipad ang isip niya ng mga oras na iyon at sa kabutihang palad ay nakarating siya ng buhay sa GMA Network.

Saglit siyang naghintay para makasakay sa elevator at habang naghahantay sa turn niyang makasakay ay nag-iisip na siya ng paraan kung papaano niya iiwasan si Elmo upang hindi sila makapag-usap. Hindi parin kasi nawawala sa isip niya ang away nilang dalawa, at sa tuwing naalala niya iyon ay hindi niya maiwasang maging emosyonal.

“Hi Julie!” bati ni Sam sa kanya. Hindi na niya namalayan na nagawa niyang makarating sa studio ng hindi niya nalalaman dahil nawawala na naman sa kanyang sarili.

“Oh Sam.” Pinilit niyang ngumiti sa kanyang bagong kapareha.

“Mukhang malungkot ka ah-” He smirked. “Di bale sasaya ka narin mamaya for sure.”

“Ha?”

“Hindi ka pa ba naiinform ni direk mark?”

“Na ano?” nagtatakang sambit niya.

“So hindi mo pa nga alam…”

Forevermore Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon