Chapter 65: So far yet so close

2K 24 0
                                    

Apat na araw na simula noong umalis si Julie ng bansa. Halos lahat na ng paglilibang ay ginawa ni Elmo para lamang hindi niya mamiss si Julie ngunit walang epekto ang mga ginagawa niya dahil kahit anong gawin niya ay si Julie parin at si Julie ang pumapasok sa isipan niya.

Nakahiga si Elmo sa sofa ng living room nila habang nagbabasa ng mga libro ni Julie na naka-display sa kwarto nila. Dahil wala na siyang ibang magawa ay ang mga ito na ang pinagdiskitahan niyang basahin.

“Daddy?”

Napatigil si Elmo sa pagbabasa ng libro ng lapitan siya ni Sophie. “Yes baby?”

“Kailan po uuwi si Mommy?” sambit ni Sophie matapos niyang tumabi sa kanyang ama.

“Tomorrow na uuwi si mommy-” pinahiga niya sa kanyang tabi si Sophie upang mayakap niya ito. “Miss mo na ba?”

“Yes dad-” Sophie said sadly. “We miss mommy a lot.”

“Hayaan niyo, bukas tayo ang susundo sa kanya.” He kissed his daughter’s forehead. “Where’s Lance and Baby Ellie?”

“They’re still playing in the playroom dad.”

“Alone?”

“Hindi po dad, kasama nila si yaya inday.”

“Ah. Buti naman. Hindi naman naiyak si Ellie?”

“Nope dad.” Lumapit si Sophie kay Elmo upang maglambing sa kanyang ama. “Daddy?”

“Mukhang may request ka na naman my angel ah, ano yun?”

She giggled before talking again. “Pwede po ba kaming maligo sa ulan?”

“Naulan ba?”

“Magpapaalam po ba ako kung hindi?” She joked.

“Ikaw talaga-” Pinisil ni Elmo ang ilong ni Sophie bago siya tuluyang tumayo sa kanyang pagkakahiga. “Basta wag niyong sasabihin kay mommy na pinaligo ko kayo sa ulan ha?”

“Yes dad!” Sophie said excitedly.

Pinagbihis lamang ni Elmo ang mga anak niya bago sila nagpunta sa kanilang pool side para doon ay maglaro. Naka-swimsuit sina Sophie at Baby Ellie habang si Lance naman at Elmo ay naka-trunks.

“Ser!”

Napalingon si Elmo sa likuran niya habang karga niya si Baby Ellie nang may tumawag sa kanya. Hindi niya napigilang matawa ng makita niya ang yaya ni Lance na nakasuot din ng swimsuit, at hindi pa dyan nagtatapos ang get-up niya dahil naka-shades pa ito habang magkaholding hands sila ni Dodong.

“Yaya? Ano yan?” natatawang sambit ni Elmo.

Forevermore Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon