Chapter 14: Bolt from the blue

2.6K 26 0
                                    

Tumatama na ang sikat ng araw sa katawan ni Julie ng siya ay magising. Yakap-yakap siya ni Elmo habang ito ay himbing na himbing pa sa pagtulog. Nilingon ni Julie ng kaunti ang kanyang ulo upang mapagmasdan ang mukha ng lalaking nagpapatibok ng puso niya simula’t sapul pa. She was smiling like a baby when she realized how things have changed since the very first day that she decided to be with Elmo.

Humarap siya kay Elmo ng dahan-dahan upang hindi niya magising ang kanyang asawa. Napangiti siyang muli dahil natanto niya na tanging ang kanilang makapal na kumot lamang ang bumabalot sa kanilang mga katawan. She could still remember how Elmo transformed her lethargy to seventh heaven.

Hinaplos niya ang mukha ng kanyang asawa mula sa pisngi nito hanggang sa baba ng kanyang labi habang tinitingnan niya ang singsing na nagpapatunay ng kanilang sumpaan sa isa’t-isa.

Gayun nalang ang pagkagulat ni Julie ng biglang hawakan ni Elmo ang kanyang kamay na nasa mukha nito. He gently kissed his wife’s right hand and smiled after that while his eyes were still closed.

“Kanina ka pa gising?” Lumapit si Julie ng mas malapit pa kay Elmo upang makasiksik siya sa pwesto nito. “You’re such a naughty boy baby, sana hindi mag-mana si Lance sayo.” She giggled.

He giggled as well as he opened his eyes. “Another great night with you, Julie girl.” He planted a kiss on her lips. “Good morning baby.”

She smiled widely. “Good morning baby.” She played with Elmo’s finger tips. “Baba na tayo?”

Hinigpitan pa ni Elmo ang pagkakayakap niya kay Julie. “5am palang baby.”

“5am ka dyan, 7am na kaya.” Natatawang sambit niya habang tinitingnan niya ang pagsimangot ni Elmo sa kanya.

“Ah basta dito lang tayo.” He hid his head on her covered chest. “Please?”

“Miss ko na yung mga bata eh.”

“Hindi pa naman sila gising, 8am pa nagigising yung mga yun.” He assured her.

“Edi tayo na ang gigising sa kanila.” Julie said while she was touching his hair. “Dali na kasi Moe gisingin natin sila ng sabay, please?” She begged.

Tiningnan ni Elmo ang nagmamakaawang mukha ng kanyang asawa. Hindi niya naiwasang matawa dahil bukod sa effective ang pagpapaawa ni Julie sa kanya ay nakuha pa nitong magtaas-baba ng kilay habang nagpa-puppy eyes.

“Sige na nga.” She freed Julie from his tight embrace. “Basta ba-”

“Mag-tigil ka Moses.”

Sabay silang nag-suot ng kanya-kanya nilang bathrobe bago sila pumunta sa kanilang closet para kumuha ng damit. Kumuha silang pareho ng shorts at sando bago muling magtinginan na tila ba’y may gusto silang iparating sa isa’t-isa.

Nang makuha nilang pareho ang ibig nilang iparating sa isa’t-isa ay nagpaunahan sila sa kanilang comfort room upang malaman kung sino sa kanila ang unang gagamit noon para makapag-bihis at makapag-sagawa ng morning rituals. Para silang mga bata na naglalaro ng taya-tayaan ng oras na iyon at sa kasamaang palad ay sabay silang nakarating doon. Natawa silang dalawa habang nagtititigan dahil pareho silang kinakapos sa hininga ng sila’y tumigil sa pagtakbo.

Forevermore Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon