Nagmamadaling binuhat ni Julie si Lance papapasok sa backseat ng sasakyan niya. Inayos niya ang seatbelt nito bago siya humarap sa kanyang likuran upang alalayan naman si Sophie sa pagsakay nito.
“Mommy bilisan mo na, baka maabutan po tayo ni Daddy.”
“Ito na nga my angel binibilisan na ni Mommy.” Natataranta si Julie habang hinahanap niya ang susi ng kanyang sasakyan sa bag na dala niya.
Dahil abala si Julie sa ginagawa niyang paghahanap ng susi ng sasakayan ay hindi na niya namalayan pa ang dahan-dahang paglapit ni Elmo sa kanyang likuran upang siya ay gulatin.
“Julie!”
“Ay butiki ka.” Gulat na sambit ni Julie.
“Hahaha! Nagulat kita no?”
“Hindi, hindi mo ako nagulat. Hindi nga ako napasigaw di ba?” She said sarcastically.
“Teka, saan ba kayo pupunta at bihis na bihis ka ata pati ‘yang mga anak mo?”
Tiningnan ni Julie ang suot ng kanyang asawa habang pinapaikot nito ang susi sa kanyang mga kamay. “Eh ikaw saan ka pupunta?”
“May taping ako ngayon-” sinilip niya ang kanyang mga anak sa loob ng sasakyan ni Julie na ngayon ay ngiting-ngiti sa kanya. “Wag mong sabihing isasama mo sila sa taping mo?”
“Of course not-” mabilis na sagot ni Julie. “maggo-grocery lang kaming tatlo, kaya ikaw Elmo boy, kailangan mong umuwi ng maaga mamaya kasi magluluto ako ng favorite foods mo.”
“Talaga?!” He said excitedly. “Sige ba basta sarapan mo ha?”
“Kailan pa ba ako nagluto ng hindi masarap?” She raised her left eyebrow.
Pinigil na lamang ni Elmo ang pagtawa niya dahil alam naman nilang pareho na kung hindi pa pumasok sa isang sikat na culinary school si Julie ay hindi ito matututong magluto ng iba’t-ibang putahe.
“Never.” He giggled.
“Liar!” Inirapan niya si Elmo habang panay parin ang ngiti nito sa kanya. “Sige na nga, aalis na kami baka mamaya mawalan pa ako ng time sa pagpe-prepare.” Tumalikod na si Julie upang saraduhan niya ang backseat door.
“Wait lang-” Hinawakan ni Elmo ng marahan ang braso ni Julie upang paharapin niya ito sa kanya. “Kiss ko?” malambing na sambit niya.
Kaagad namang lumapit si Julie sa kanyang asawa upang pagbigyan ang kahilingan nito. Sinamahan niya pa ito ng yakap at marahang pagpisil sa ilong bago siya humiwalay dito at magsalitang muli. “Ha-”
“Mommy let’s go!” Sophie interfered.
“Yes baby, mommy’s coming.” Tiningnan niya sa muli si Elmo sa mga mata nito sabay ngiti rito. “I have to go baby, see you later ha?”
BINABASA MO ANG
Forevermore Book 3
FanficNagsimula ang kanilang kwento sa isang pagkakamali, nagkaroon sila ng anak sa murang edad. Tulad ng ibang buhay mag-asawa dumaan at dadaan pa sila sa maraming pagsubok. Hindi maiiwasan ang tinatawag nilang relationship flaws pero patutunayan nila Ju...