Maagang nagising sila Julie at Elmo dahil narin sa maagang pangungulit sa kanila ng kanilang mga anak. Matapos silang gisingin nila Sophie at Lance ay bumaba narin ang mga ito sa playroom upang sila’y makapaglaro.
Kasalukuyang nagtutupi si Julie ng kanilang magulong higaan habang pinapanood siya ni Elmo na sa di kalayuan. Nakasuot ng shorts at tank top si Julie habang nakatali ng lahatan ang buhok nito, ng hindi na matiis ni Elmo ang charisma ng kanyang asawa ay lumapit na siya rito para makipagkulitan.
Ipinaharap niya muna sa kanya si Julie bago niya ito tuluyang ihiga sa kanilang kama. Nakangiti lamang si Elmo habang tinitingnan niya si Julie habang nasa ibabaw siya nito at habang hawak-hawak niya ang bewang ng kanyang asawa.
“Stop seducing me Julie.”
Hindi naiwasang matawa ni Julie ng sandaling marinig niya iyon mula kay Elmo. Imbes na itulak niya ito papalayo ay iniangat niya pa ang katawan niya upang makapaglapit ang kanilang mga mukha.
“Bakit ka kasi nagpapa-seduce sakin Elmo?” She said seductively.
“Kasi-” Saglit na idinampi ni Elmo ang kanyang labi sa mapupulang labi ni Julie bago niya muling tingnan ito ng mata-sa-mata. “tama na ‘yang pagpapa-sexy mo kapag kaharap mo ako.”
“Sorry, I’m sexy and you know it.” Pinigil ni Julie ang kanyang pagtawa dahil sa pangalawang pagkakataon ay sinubukan niyang akitin ang kanyang asawa.
“Since sini-seduce mo ako, edi pwede kong gawin ‘to?” Bahagyang itinaas ni Elmo ang suot na tank top ni Julie while he was gently kissing his wife.
“Moe-” Mabilis na nilingon ni Julie ang kanilang pintuan. “mamaya biglang pumasok na naman yung mga bata, anong i-eexplain mo sa kanila?”
“Wag kang mag-alala kaya natin ‘yang lusutan.” Hinalikan ni Elmo ang noo ni Julie bago siya tumayo upang alalayan din ang kanyang asawa sa pagtayo nito. “Don’t you trust me?”
“No because you’re corrupting their minds.” She laughed.
Hinawakan muli ni Elmo ang bewang ni Julie upang marahan itong hilahin papalapit sa kanya. “And you’re corrupting mine.” He embraced her. “I love you baby.”
Niyakap din ni Julie ang kanyang asawa habang hindi mapawi ang ngiti sa kanyang mga labi. “I love you too Elmo boy.”
Matagal din silang nanatili sa ganoong posisyon, pareho silang nakangiti habang mahigpit ang yakap nila sa isa’t-isa. From time to time ay hinahalikan ni Elmo ang buhok ni Julie kasabay ng pag-amoy niya sa mabangong buhok nito.
“Ay baby oo nga pala-” Humiwalay si Julie sa pagkakayakap niya sa kanyang asawa upang makapag-usap sila ng maayos.
“Bakit baby? Anong meron?” nagtatakang sambit ni Elmo.
“Kasi si Mama J ininvite tayo sa birthday party niya tonight kasi gusto niya raw nandun ang all time favorite loveteam partner niya, pwede ka ba?”
BINABASA MO ANG
Forevermore Book 3
FanficNagsimula ang kanilang kwento sa isang pagkakamali, nagkaroon sila ng anak sa murang edad. Tulad ng ibang buhay mag-asawa dumaan at dadaan pa sila sa maraming pagsubok. Hindi maiiwasan ang tinatawag nilang relationship flaws pero patutunayan nila Ju...