Chapter 47: The News

2.7K 30 0
                                    

Busyng-busy ang mga anak ni Julie sa paglalaro ng dumating si Maqui sa bahay ng kanyang kaibigan. Dumirecho siya sa kanyang mga inaanak dahil hindi niya makita si Julie kahit saan man siya lumingon.

“Sophie where’s your mom?”

“Ninang nasa room pa po nila ni daddy, she’s not feeling well daw.” Sambit ni Sophie habang patuloy parin silang naglalaro ni Lance ng badminton gamit ang kanilang wii.

“I see, puntahan ko nalang siya sa room niya.”

“Okay po.”

Excited na umakyat si Maqui papunta sa kwarto kung nasaan ang kanyang kaibigan dahil mayroon siyang magandang ibabalita kay Julie na tiyak na ikatutuwa rin nito. Kumatok siya sa kwarto nila Julie ngunit wala namang sumagot sa kanya kung kaya ay napilitan siyang buksan na lamang iyon.

“Julie?”

“Maqui I’m here.” Napalingon si Maqui sa comfort room kung saan nanggaling ang boses ni Julie.

“My gosh Julie, okay ka lang?” Lumapit kaagad si Maqui papunta sa kanyang namumutlang kaibigan upang alalayan ito sa paglalakad.

“Ewan ko ba Maq pero parang ang bigat-bigat ng katawan ko. Feeling ko lalagnatin ako.” Sambit ni Julie ng makaupo na siya sa couch. Tumabi naman kagaad sa kanya si Maqui upang i-check ang kanyang temperatura.

“Uminom ka na ba ng gamot?”

“Hindi pa, hindi naman kasi ako mainit.”

“Pansin ko nga. Wait hanapan kita ng gamot, nasaan ang medicine cabinet niyo?”

“Nandyan sa may tabi ng drawer.” Sambit ni Julie habang itinuturo niya kay Maqui ang direksyon.

Tumayo na kaagad si Maqui dahil alam niyang nanghihina na si Julie. Kaagad siyang pumunta sa medicine cabinet na itinuro sa kanya ng kaibigan, habang naghahanap siya ng gamot ay bigla siyang natigilan. “Julie?” Her friend didn’t respond. “Huy Julie naririnig mo ba ako?” nilingon niya muli ang direksyon kung saan nakaupo si Julie at laking gulat niya na lamang ng makita niya itong nakahiga at tila ba’y walang malay.

“Tulong!!!” sigaw ni Maqui. “Tuloooooong!!!!”

Kaagad siyang nagtatakbo kay Julie matapos niyang manghingi ng tulong, tinapik niya agad ang dalawang balikat nito ng siya’y makalapit ngunit kahit anong gawin niya ay wala na talaga siyang nakukuhang response mula sa kanyang kaibigan.

“Julie wake up!” Naluluhang sambit niya habang tinitingnan ang walang malay niyang kaibigan.

Mabilis namang rumisponde ang mga kasama sa bahay nila Julie, binuhat kaagad ni Dodong ang kanyang amo at itinakbo ito papunta sa sasakyan. Sumunod naman kaagad si Maqui kay Dodong at ipinagbilin niya ang mga bata sa mga tagapag-alaga nito.

Umiiyak sina Sophie at Lance dahil nakikita nila ang kanilang mommy na halos lupaypay na habang karga-karga ng driver nila at nakadagdag pa sa pag-iyak nila ang pagkataranta ng mga tao sa bahay nila maging ng kanilang Ninang Maqui.

Forevermore Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon