Naalimpungatan si Julie sa pagtulog ng maramdaman niyang may nakatitig sa kanya. Binuksan ang mga mata niya at sa sandaling makita niya na nakatingin si Elmo sa kanya ay kaagad niyang nginitian ito.
“Can’t sleep?” Hinawakan niya ang pisngi ni Elmo gamit ang kanyang kaliwang kamay.
Hinalikan ni Elmo ang kamay ni Julie na nasa kanyang pisngi. “May iniisip lang kasi ako baby.”
“Iniisip? Ano naman yun?” She paused. “Money problem na naman ba?”
He shook his head. “Wala yun, matulog ka nalang ulit.
“Eh ikaw?”
“Hayaan mo lang na tingnan kita habang natutulog ka.” Nakangiting sambit ni Elmo.
“Ayoko, sabay nalang tayo matulog.” Humiga si Julie sa braso ng kanyang asawa sabay yakap sa dibdib nito. “Baby, pwede na ba ulit akong bumalik sa trabaho?”
“Bakit? Nakukulangan ka na ba sa binibigay ko sayo?”
“No, it’s not that. Namiss ko lang na mag-trabaho at tsaka mas okay narin kung tayong dalawa ang magpo-provide ng mga kailangan nila Sophie right?”
“Julie-” He wrapped his arms around her. “Kailangan ka pa ni Baby Ellie, tsaka hindi ka pa nasa kundisyon para magtrabaho ulit.”
“So, ‘No’ ang answer mo?”
“Yes.”
“’No’ na talaga? Hindi pwedeng ‘Maybe’?”
“I already said No Julie and that’s final.”
“Okay.”
“Okay?” gulat na sambit ni Elmo ng sambitin iyon ng kanyang asawa.
She raised her eyebrow. “Oh bakit? Ngayon ka lang nakarinig ng salitang okay?”
He laughed. “Ngayon ka lang kasi nagpatalo sakin.”
“Talo na ako sayo makikipagtalo pa ba ako?”
Idinampi niya ang kanyang labi sa noo ni Julie. “Joke lang kasi, alam mo naman na ayaw kong pinipigalan ka sa gusto mo kaya sige lang. Basta kapag nag-isang taon nalang si Baby Ellie ha?”
“Sige, gusto ko rin naman makasama si Baby Ellie sobrang cute niya no?” Masayang sambit ni Julie.
Hinaplos-haplos ni Elmo ang baba niya habang nagpapacute siya kay Julie. “Kanino pa ba magmamana si Baby Ellie? Edi syempre sakin.” He laughed again.
Ohah! Ohah!
Ohah! Ohah!
BINABASA MO ANG
Forevermore Book 3
FanficNagsimula ang kanilang kwento sa isang pagkakamali, nagkaroon sila ng anak sa murang edad. Tulad ng ibang buhay mag-asawa dumaan at dadaan pa sila sa maraming pagsubok. Hindi maiiwasan ang tinatawag nilang relationship flaws pero patutunayan nila Ju...