Chapter 56: Being a dad and a man at the same time

2.3K 25 0
                                    

Mariing sinusuri ni Elmo ang mga papel na nasa harapan niya. Iba’t-ibang bills iyon na kailangan niyang bayaran at pati narin ang copy ng savings nilang mag-asawa sa bangko.

“Baby? Bakit gising ka pa? Ilang gabi ka ng walang tulog ah. May problema ba?” sambit ni Julie habang bahagyang nakapikit pa ang mga mata nito.

Mahimbing ng natutulog si Julie nang tumayo si Elmo upang i-check ang mga papel na iyon kung kaya ay laking gulat niya na lamang ng bigla niyang naramdaman na nakatingin na ito sa ginagawa niya.

“Oh baby-” kaagad na isinalansan ni Elmo ang mga papel na nagkalat sa kama nila. “Ah wala, binabasa ko lang yung script na binigay sakin ni Direk kahapon.”

“Elmo-” sambit ni Julie na tila ba’y pinaghihinalaan niya ang kanyang asawa.

“What?”

“Anong what? Eh di ba hindi ka umalis ng bahay kahapon para bantayan ako?”

“Oo nga pala.” He heaved a sigh. “Wag mo nalang alamin ‘to baby, masyado ka ng nahihirapan dyan sa pagbubuntis mo. Tama na yan, kaya ko na ‘to.”

“Moe-” lumapit si Julie sa kanyang asawa upang haplusin ang likod nito. “Sabi ko naman sayo di ba na kapag may problema dapat share tayo? Ang daya mo naman eh.” She said very, very cutely.

“Baby kasi ayoko ng ma-stress ka.” He faked a smile.

“Bakit sa tingin mo ba hindi ako naiistress lalo na ngayon na wala akong idea dyan sa mga papers na tinitingnan mo?”

“Julie-”

“Moe, I can handle this-” She paused. “We can handle this.” She said calmly.

Humarap siya kay Julie upang hawakan ang dalawang kamay nito. “Baby kaya ko na talaga ‘to.”

“Moe, kaya natin ‘to.” She insisted. “Come on tell me, ano bang problema?” Hinawakan niya ang dalawang pisngi ni Elmo at pagktapos ay hinaplos niya iyon ng dahan-dahan nang may ngiti sa kanyang mga labi.

Biglang nawala ang mga alalahanin ni Elmo ng makita niya ang panatag na mukha ni Julie. Kahit minsan ay hindi siya binigo ng kanyang asawa sa tuwing may problema sila, simpleng ngiti lamang nito ay sapat na upang pagaanin ang kanyang loob.

“Gusto mo ba talagang malaman?” Mabilis na tumango si Julie. “Iniisip ko lang kasi yung mga expenses natin para kasing medyo nagsho-short tayo sa budget.”

“Nagsho-short? Bakit?”

“I’m sorry baby pero mukhang naparami ang gastos ko nung nag-away tayo dati. Hindi ko napansin na marami-rami narin pala ang nakuha ko.” Problemadong sambit niya.

“Yun lang ba?” Ngumiti muli si Julie. “Pwede naman akong manghiram kila mama, I’m sure naman na papahiramin nila tayo.”

Forevermore Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon