Chapter 25: Playful

2K 21 0
                                    

Simula noong nagising si Elmo ay hindi na siya, iniimikan ni Julie, maswerte na siya kung tatanguan siya nito. Nararamdaman niyang wala ito sa mood kahit hindi man ito sabihin ng kanyang asawa.

Hindi makapag-focus si Elmo sa pagmamaneho niya dahil sa katahimikang bumabalot sa loob ng kanyang sasakyan. Sinubukan niyang hawakan ang kamay ni Julie ngunit kaagad umiwas ito bago pa man lumapat ang kanyang kamay sa malambot na palad ng kanyang asawa.

“Baby galit ka na naman ba? May nagawa ba akong mali?”

She glared at Elmo. “Don’t call me baby.”

Napangiti si Elmo ng makita niya ang galit sa mukha ni Julie, alam niyang hindi dapat siya magdiwang dahil galit ito sa kanya, but upon seeing his wife’s cute mad expression, he couldn’t impede himself from smiling.

With her left eyebrow raised, she looked at her husband dubiously. “Anong ngini-ngiti mo dyan Magalona?”

“Eh ikaw Magalona anomg  tinitingin-tingin mo dyan?” He said cutely while he was keeping an eye on the road.

“Ha-ha.” She said sarcastically. “Talk to my hand.” She gestured.

Nang ginawa iyon ni Julie ay kaagad kinuha ni Elmo ang kamay ng kanyang asawa upang halikan ito. He softly kissed her hand and then he glanced at his wife’s eyes afterward.

“Whatever it is baby, I’m sorry.” Elmo said sincerely.

“Mukha ka namang I’m sorry, puro nalang I’m sorry.” Inirapan niya si Elmo. “Alam mo pwede nang palitan ang pangalan mo ng I’m sorry Magalona gusto mo papalitan na natin sa NSO?”

Ihininto na ni Elmo ang sasakyan niya nang makarating na sila sa location ng taping ni Julie. Seryoso parin ang mukha ng kanyang asawa habang nag-aayos ito ng kanyang sarili. Pinagmasdan niya lamang ito dahil alam niyang ayaw na ayaw ni Julie kapag malagkit ang tingin niya rito.

“Bakit ka nagpapaganda? Siguro may pinapagandahan ka no?”

Itinago ni Julie ang press powder niya sa bag bago niya muling lingunin si Elmo. “Oo si Sam bakit may angal ka?”

“Hindi ka magta-taping.” Elmo said seriously. Tiningnan din niya ng masama si Julie ngunit wala itong epekto sa kanyang asawa.

“Anong hindi?” Sinubukang buksan ni Julie ang pinto ng sasakayan ngunit nailock na ito ni Elmo bago pa man siya makalabas. “Buksan mo nga ‘to Moe.”

“Makakalabas ka lang dito kung kasama mo ako.”

“Uuwi ka na.”

“Manunuod ako.” Nakikipagmatigasan parin si Elmo kay Julie.

“I said, uuwi ka na.”

“Hindi nga.”

“Elmo ano ba!” Tiningnan niya ang kanyang wristwatch. “Alam mo naman na ayoko ng late di ba?”

“At alam mo rin naman na ayokong may ibang aagaw sayo di ba?”

“You’re begging the question Moe.” She smiled forcefully. “Hindi na ako galit, pwede na akong lumabas?”

“I’ll let you go, only if you will kiss me.” Pinout ni Elmo ang labi niya.

“Kiss your face.” Natatawang sambit ni Julie ng maramdaman niyang  niloloko na siya ni Elmo.

“Dali na.” He pouted again.

“Bakit ako ang gagawa nyan? Sino ba ang may kasalanan sating dalawa?”

He impatiently pulled Julie towards him. He kissed her deeply as he touched his wife’s overwhelming curves.

She slowly pushed Elmo to end their cozy kiss. “Moe-” Napangiti si Julie ng maramdaman niya ang kamay ni Elmo sa kanyang bewang. “Nakikiliti ako.” She giggled.

“Alam mo ang cute mo talaga.” Sambit ni Elmo habang hinahawakan niya ang pisngi ni Julie.

“Thanks baby.” She smiled. “Ihatid mo nalang ako para makabawi ka sakin.”

“Akala ko ba ayaw mo?”

“Ayoko lang na manuod ka, hindi ako makapag-concentrate.”

“Ang gwapo ko kasi no? Ang hot ko pa.”

“Oo kaya tapos ang humble mo pa.” Julie said sarcastically.

He laughed. “Mana sayo mommy doo eh.”

“Ewan sayo daddy doo.”

Kinuha ni Elmo ang mga gamit ni Julie sa likuran ng sasakyan niya. “Susunduin nga pala kita mamaya ha?”

“Anong nakain mo at naisipan mo yata akong sunduin?”

“Pagmamahal mo.” Biglang banat ni Elmo.

“Ihatid mo na nga ako bago pa tayo magkalokohan dito Moe.”

“Basta wag kang magpapaganda sa iba ha?” Hinawakan niya ang kamay ni Julie. “Sakin lang.”

“Yes Elmo boy.” Niyakap niya ng mahigpit ang kanyang asawa. “Sayo lang ako, sana ganun ka rin sakin.”

 

TO BE CONTINUED…

 

Forevermore Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon