Chapter 69: Happy Family

2.1K 23 0
                                    

It was a bright sunny day. Abalang-abala sila Elmo at Julie habang naghuhugas silang pareho ng kanilang kinainan. Halos magta-tatlong narin simula noong napagdesisyunan muna nilang manirahan sa farm ng pamilya nila Elmo sa Batangas dahil gusto nilang pareho na mabigyan ng memorable summer vacation ang kanilang mga anak. Hindi muna sila tumanggap ng offers kahit na guesting lang sapagkat nais nilang magkaroon ng quality time kasama ang kanilang tatlong makukulit na chikiting.

Walang ginawa mag-asawa kundi bantayan at igala ang mga anak nila sa iba’t-ibang parte ng farm kada-araw. Noong isang araw ay nag-gatas sila ng mga baka at nang sumunod na araw naman ay nag-horseback riding sila. Kung tutuusin mas nakakapagod ang ginagawa nila ngayon kaysa sa kanilang trabaho na aarte, sasayaw at kakanta lamang sila ngunit sa tuwing nakikita nila ang walang katumbas na ngiti sa labi ng kanilang mga anak ay tila ba’y naiibsan nito ang pagod na kanilang nararamdaman.

Pinagmamasdan nila Julie at Elmo ang katapat nilang bintana habang sila’y patuloy na naghuhugas dahil nasa likod-bahay ang kanilang mga anak. Hindi nila mawari kung ano ang ginagawa ng mga ito, panay laro sa lupa at tila ba’y may pinupulot ang mga ito na kung ano. Imbes na pagalitan o pagsabihan ay hinayaan lamang nila ang mga ito, besides, hindi enjoy ang pagkabata kung hindi mo mararanasan ang paglalaro ng lupa.

“Nung bata ka ba naglaro ka rin ng lupa?” Tanong ni Elmo habang patuloy siya sa paglilinis ng mga kutsara’t-tinidor.

“Oo naman, kahit ayaw nila mama gumagawa ako ng paraan para makatakas sa paglalaro ng lupa sa mga paso ng halaman.” She giggled. “Ikaw nakapaglaro ka ban g ganyan?”

Napangisi si Elmo bago niya sagutin ang tanong ng kanyang asawa. Nakatingin lamang ito sa kanya habang naghihintay ng kanyang isasagot. “Ilang beses akong napalo ni mommy sa pwet kasi nagbubungkal ako ng lupa sa garden namin-”

“Ha? Bakit ka niya papaluin? Kasi marumi?”

He shook his head immediately. “May bermuda grass kasing nakatanim.” He laughed. “Ang babaw no?”

She laughed as well. “Mas OA pala si mama kay mommy.”

“Bakit?” natatawang sambit ni Elmo.

“Kasi pinalo niya ako dati, naglaro rin kasi ako ng lupa sa garden niya-”

“bermuda grass din ang reason?”

“Hindi. Hahaha. Muntik lang naman akong makakain ng carabao grass.” Natawang muli si Julie ng maalala niya ang kalokohang ginawa niya noong bata pa siya.

“Carabao grass?! Anong lasa?!”

Mabilis na binatukan ni Julie si Elmo na nakatayo sa tabi niya kahit pa may bula-bula pa ang kanyang kamay. “Muntik nga di ba?! Muntik.” She raised her left eyebrow. “Anong tingin mo sakin, kalabaw?!”

“Ito naman, hindi ka na talaga mabiro.” Pinisil ni Elmo ang ilong ni Julie habang punong-puno rin ito ng bula mula sa dishwashing liquid. “Pero kung saka-sakaling naging kalabaw ka, for sure-” Pinigil niya ang kanyang tawa bago muling magsalita. “Ang puti mong kalabaw.” He laughed.

Forevermore Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon