Chapter 11: Resentment

2.6K 29 0
                                    

Masayang nakangiti si Julie habang pinagmamasdan ang sasakyang pumaparada sa bakanteng lote kung saan nagaganap ang kauna-unahang shoot ng bagong project niya sa GMA7.

Mabilis siyang lumapit sa tapat ng pinto ng driver’s seat ng pulang kotseng iyon para salubungin ang bababa rito.

“Maq buti nakarating ka.” Bati ni Julie sa kanyang kaibigan ng ito’y nakababa na.

“Grabe lang friend ha. Akala ko naman preggy alert na naman kaya ka napatawag kanina, yun pala pang-nanny mode ang peg ko today.” Humiwalay si Maqui matapos niyang makipagbeso-beso kay Julie. “Sino ba ang babantayan ko today? Si Lance o si Sophie?”

“Actually Maq-” Nangingiti-ngiti si Julie sa harap ng kaibigan. “Si Elmo ang pababantayan ko sayo.”

“What?!” Hinubad ni Maqui ang sout niyang sun glass at itinago ito sa kanyang shoulder bag. “Julie naman, okay pa ako sa mga baby mo pero sa baby damulag?” She crossed her arms as she rolled her displeased eyes. “Please lang.”

Julie expressed her burden through heaving a sigh. “Maq kasi he won’t listen to me.”

“At sa tingin mo makikinig sakin yun?”

Kumapit si Julie sa braso ng kaibigan sabay hilig ng ulo niya sa balikat nito. “Please Maq, alam mo naman si Elmo, masyadong paranoid yun di ba?” Naglambing pa si Julie kay Maqui para pagbigyan siya nito. “May scene ata kami ni Sam ngayon na ihahabol si Direk, at mukhang hindi yun magugustuhan ni Moe.”

“Bakit mo kasi sinama yung mokong na yun?” Napakamot si Maqui sa ulo niya. “Gumising - gising pa ako ng maaga yun pala asawa mo lang ang babantayan ko.”

“Kung ako lang Maq, hindi ko papasamahin yan kaso nagpumilit eh. Bumalik narin kasi mga tagapag-alaga nila Sophie kaya may reason siya na sumama.”

“Wala ka bang hinire na yaya for him?”

“Meron naman.” Julie chuckled. “Kung papayag siya sa hinihiling ko.” Tumingala siya sa kaibigan para makita nito ang nagmamaka-awa niyang mukha. “Please Maq, I’m begging you.”

“Ewan ko nga sayo bessy, basta mga trip mo talaga lagi nalang hindi kaaya-aya.” Tumingin si Maqui sa paligid niya. “Where’s your stubborn husband anyway?”

“Yes!” She joyfully said. “Nasa dressing room ko siya, let’s go?”

“May dala ka bang blindfold?”

“Blindfold? For what?”

Napangisi si Maqui. “Para tatakpan ko nalang yung mata niya para hindi na siya magselos sa scene niyo ni Sam.” They started walking toward the shop’s doorway. “Infairness ha, ang lakas parin ng dating mo kay Elmo, dear. Aminin mo nga, ginagayuma mo no?”

“Gayuma ng pagmamahal bessy.” Sinakyan ni Julie ang pang-aasar sa kanya ni Maqui sabay pakawala ng kanyang nakakahawang tawa.

“Whatever.” Maqui laughed too.

***

“ACTION!” Sigaw ng direktor nila Julie na nakaupo sa di kalayuan habang ito ay pinag-gigitnaan ng mga naglalakihang camera.

Ang eksenang kukuhaan ay ang unang pagkikita nila Julie at Sam sa isang coffee shop, matatapunan ni Julie ng mainit na kape ang leading man niya dahil sa kanyang pagka-clumsy. At doon iikot ang kwentong iyon.

Natahimik na lamang si Elmo ng magsimula nang umarte sila Sam at Julie. Pinagmamasdan niya lamang ang magandang mukha ng kanyang asawa habang may hawak-hawak itong tray na naglalaman ng kape.

Forevermore Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon