Nagising ng madaling araw si Julie dahil kinailangan niyang asikasuhin si Elmo para sa maagang call time nito sa trabaho. Natulog sa kwarto nila ang mga anak nila kaya medyo napuyat si Julie dahil sa kakulitan nila Sophie, Lance at Ellie sa tuwing itatabi nila ang mga ito sa pagtulog.
Nang makaalis si Elmo ay bumalik ng muli si Julie sa higaan upang ipagpatuloy ang nabitin niyang tulog. After a few hours, ginising naman siya ng tunog ng telepono nila na nasa gilid niya lamang.
Ayaw niya sanang sagutin iyon ngunit maaari nitong magising ang mga anak niya kaya kahit labag man sa kalooban niya ay inabot niya ang telepono upang sagutin kung sino man ang tumatawag sa kanila ng ganoong kaaga.
“Hello?” sambit niya habang nakasimangot.
“Julie Anne San Jose- Magalona, ano ba bakit ang bagal mong sumagot?!”
“Maqui?” Napakamot siya sa kanyang ulo. “Bakit na naman ba?”
“Anong bakit na naman ba? Nasa tv ang asawa mo.”
“Oh eh ano naman? Anong bago? Artista siya edi syempre nasa tv talaga siya.”
“Gaga! May interview kaya siya, hindi mo alam?”
“Anong interview?”
“Nakabuntis daw.”
“Ano?!” Biglang tinakpan ni Julie ang bibig niya ng makita niyang gumalaw ng bahagya si Sophie. “Sinong nabuntis niya?”
“Hahahaha! Naniwala ka naman?” Tinapos muna ni Maqui ang pagtawa niya bago siya muling magsalita. “Buksan mo kasi yung tv niyo para alam mo yung pinagsasabi ng asawa mo, mamaya nilalaglag ka na niya hindi mo pa alam.” She joked.
“Subukan niya lang wala talaga siyang uuwian mamayang gabi.” Sambit ni Julie habang naglalakad siya papunta sa tv set nila upang kunin ang remote at mabuksan ang tv. “Anong channel?”
“Sa ABS-CBN bessy, dun kaya nagta-trabaho asawa mo.” Maqui laughed.
“Sorry naman ha kasi naman ang aga-aga ng pambubulabog mo.” Julie joked as well.
“Sige na manuod ka nalang, papasalamatan mo ako after nyan. Buy me new set of clothes nalang, I’ll accept that as your thank you gift.”
“Whatever Maq.”
“You’re so welcome my friend.”
Nawala ang atensyon ni Julie kay Maqui ng makita niya na si Elmo sa screen. Napangiti siya dahil nakita niyang tumatawa ang asawa niya habang kausap ito ni John Lapus.
“So Elmo kamusta naman si Julie Anne as a wife, alam ko namang good girl ‘yang batang yan at alam mong favorite ko siya pero pwede mo bang i-share sa lahat kung ano si Julie off cam?”
BINABASA MO ANG
Forevermore Book 3
FanfictionNagsimula ang kanilang kwento sa isang pagkakamali, nagkaroon sila ng anak sa murang edad. Tulad ng ibang buhay mag-asawa dumaan at dadaan pa sila sa maraming pagsubok. Hindi maiiwasan ang tinatawag nilang relationship flaws pero patutunayan nila Ju...