Napangalumbaba si Julie sa bar counter ng bahay nila nang hindi na siya masagot ni Maqui sa tanong niya. Hindi parin kasi mawala sa isip niya ang offer ni Elmo na sa pagtira sa farm ng mga ito sa batangas.
“Maqui ano nga?”
“Alam mo friend kalahating shunga ka rin no?” Maqui rolled her eyes. “Titira ka sa farm? Ano? Dalagang bukid lang ang peg?”
“Maq-”
“O baka naman gusto mong maging dyosa kaya ng kabukiran?” She heaved a sigh. “Bessy naman, ang ganda-ganda na ng career niyong mag-asawa rito. Isa kaya kayo sa most watched celeb family sa showbiz-” sambit ni Maqui habang may pagtaas-taas pa ito ng kamay na tila ba’y nangangarap. “tapos sisirain niyo lang career niyong dalawa para sa farm? Come on!”
“Ewan ko ba kay Moe, hindi ko alam kung ano ang naisipan niya kung bakit bigla nalang ang plano niyang lumipat kami dun.” Huminga ng malalim si Julie. “Ano kakausapin ko ba?”
“Malamang!” nanlalaki ang mata ni Maqui habang sinasabi niya iyon. “Alangan namang ako ang kakausap di ba? Ako ang asawa?” She said sarcastically.
“Ang hirap kasi Maq, ang daling sabihin pero mahirap gawin.” Nakasimangot na sambit ni Julie.
“Eh bakit ka kasi nahihirapan? Isang ‘Elmo ayoko dun kasi mas okay dito sa city.’ Hindi mo magawa?”
“Maq, kung makikita mo kasi ang mukha niya habang pinaplano niya ang pagtira namin dun siguro kahit ikaw mahihirapan ding mag-decide.” She pressed her lips. “Alam mo namang hindi ko siya kayang pigilan sa bagay na magpapasaya sa kanya di ba?”
“Yun na nga eh, are you happy with his decision?”
“Yes!” Mabilis na sambit ni Julie. “But I think that now’s not the right time.”
“You see?” Uminom ng tubig si Maqui bago magsalitang muli. “Alam mo naman ang sagot sa tanong mo, courage lang ang kailangan mo bessy para masabi mo yan sa pinakamamahal mo asawa.”
“Paano nga bessy?”
“Ano ba naman Julie-” She rolled her eyes again. “Syempre bubuksan mo ang bibig mo, titingnan mo siya tapos-”
“Maqui!”
“What?”
“Yung seryoso kasi, kahit ngayon lang.”
“Seryoso naman ako ah.” Itinuro ni Maqui ang mukha niya. “Ano bang hindi seryoso rito?” She laughed.
“Ang laki talaga ng naitutulong mo BESTFRIEND.” Sarkastikong sambit ni Julie sa kaibigan.
“Sorry na-” She cleared her throat. “Julie, sa lahat ng tao sa buong mundo, ikaw lang ang pinaka-nakakakilala kay Elmo kaya kung may dapat lang na mag-decide about this problem eh ikaw na yun at wala ng iba pa bessy.” She winked.
BINABASA MO ANG
Forevermore Book 3
FanfictionNagsimula ang kanilang kwento sa isang pagkakamali, nagkaroon sila ng anak sa murang edad. Tulad ng ibang buhay mag-asawa dumaan at dadaan pa sila sa maraming pagsubok. Hindi maiiwasan ang tinatawag nilang relationship flaws pero patutunayan nila Ju...