Chapter 53: My life, My life saver

2.3K 28 0
                                    

“Ang OA mo daddy!” Mabilis na isinara ni Sophie ang pinto ng kanyang kwarto dahil ayaw niyang makausap ang kanyang ama.

“Sophie, get out of your room!” sambit ni Elmo ng mapagsarahan na siya ng pintuan ng kanyang anak.

“I don’t want! I hate you dad! I hate you!”

Nag-iipit si Julie ng kanyang buhok ng marinig niya ang sigawan ni Elmo at Sophie. Kaagad siyang lumabas ng kanilang kwarto upang malaman niya ang pinagtatalunan ng kanyang mag-ama.

“Oh Moe, kakarating niyo lang ah. Bakit nag-aaway na agad kayo ni Sophie?”

Pinilit ni Elmo na alisin ang pagkunot ng kanyang noo ng marinig niya ang boses ni Julie. Huminga muna siya ng malalim bago niya tuluyang harapin ang kanyang asawa.

“Paano naman kasi, ‘yang anak mo ang bata-bata pa lumaloveteam na.”

Hindi napigilan ni Julie ang kanyang sarili ng makita niya ang inis na ekspresyon ng mukha ng kanyang asawa. Napailing na lamang siya bago niya lapitan si Elmo upang yakapin ito.

“Ang pangit mo na.” pabirong sambit ni Julie matapos niyang bigyan ng pampalubag-loob na yakap si Elmo.

“Bakit parang hindi ka namomroblema sa sitwasyon ni Sophie? Paano kung maagang mainlove ang anak natin dahil dyan?”

“Hahahaha! Joke ba yan baby?” She pinched his nose. “Ang bata-bata pa ni Sophie tsaka yung loveteam naman na yan makakatulong din sa kanya. At least matututo ang anak natin na alagaan hindi lang ang career niya kundi pati narin ang career ng kapartner niya.” She smiled. “Para namang di tayo dumaan dyan.”

“Alam ko naman yun pero don’t you think na sobrang bata pa ni Sophie para sa mga ganitong bagay?”

“Aminin mo nga baby, nagseselos ka ba?”

“Nagseselos kanino?”

“Sa kapartner ni Sophie.” She giggled.

“Hindi ako nagseselos.”

“Weh?” She joked.

“Bakit ba kasi para sayo okay lang yang loveteam-loveteam na yan?” Pagmamaktol ni Elmo habang inilalagay niya ang kanyang mga kamay sa bewang ni Julie.

“Moe, makakatulong yan sa kanya at kung natatakot kang maagaw sayo ang baby girl mo ng ibang boy hindi yan mangyayari-” She paused. “Sa NGAYON.” Natatawang sambit niya habang nakatingin siya sa mga mata ni Elmo.

“Wala talagang lalaking makakaligaw dyan kay Sophie baby. Pinapangako ko yan sayo.”

“Sira.” Saway ni Julie sa kanyang asawa. “Hayaan mong mag-enjoy sa buhay niya ang si Sophie. Yan naman ang gusto natin di ba? Kaya nga tayo nagpapakahirap sa pagta-trabaho para mabigay sa kanila ang lahat ng gusto nila kaya baby, ibigay mo na ang gusto niya. Come on, makipagbati ka na.” malambing na sambit niya kay Elmo.

Forevermore Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon